Chapter Two

160 6 0
                                    

"Dad will come? What a surprise! Daebak!" Napalingon ang lahat sa nagsalita.


Blake? Ah kaya pala, half-owner kasi ang family nila dito na pinamumunuan ng daddy niya. Pero bat siya na-surprise?

Ay ewan na nga. Di ko na pakikialaman, I'm just a simple girl lang naman.

"Tara na guys! Baka ma-late tayo sa klase ni Miss Smith." Anyaya ni Erin kaya naman nagmadali na kaming umalis sa auditorium at tuluyan nang nagpunta sa aming classroom.


Almost late, 5 minutes after naming makkapasok sa classroom namin ang siya namang pagpasok ni Miss Smith dala ang kanyang makapal na libro at whiteboard marker. Maarte kasi 'to eh, ayaw sa chalk, marker lang daw. Edi wow.

Ofcourse nagsimula ang klase sa pamamagitan ng pagdadasal, importante yan. Saka nag-check ng attendance. Siya lang yung tanging teacher namin na kahit sa attendance ay Ladies First parin.

"Bautista!" Pag'roll call ni Miss Smith.

"Present po." Sagot ni Erin.

"De Vega!" Sigaw ni Miss Smith.

"I'm here though, you don't need to shout cause your voice is so kadiri!" Pag-aarte namang sagot ni Mirelle. Naku talaga ang arte nito, ket teacher pinapatulan. Buti nalang di siya pinansin ni Miss kasi kung oo, naku! World War III siguro pag nagkataon.

"Gomez" Pagtatawag niya sa apelyido ko with matching naka-taray na kilay.

"Present!" Bored na sagot ko naman.

Hanggang sa nagpatuloy sa pagtatawag si Miss Smith nang mapunta naman sa boys. Halos lahat present, maliban sa lilima nanaman, ang Black Aces, and yes, classmates ko sila.

"So far, dalawa lang naman ang absent sainyo. Di ko na muna icoconsider na absent yung limang mga unggoy dahil for sure late lang yun sila, as always!" Dabest ko talaga 'to kasi kahit terror siyang teacher, understanding naman din atsaka soft-hearted 'to ih.

"Okay, let's start with the discussion." Panimula ni Miss Smith hanggang sa nagsimula na nga siyang magdiscuss.

Discuss......

Discuss.....

Discuss.....

Sumusulat lang ako at nakikinig kahit minsan di ko na siya gets. Baka kasi may quiz after eh, mahirap na. Mas maganda na yung may notes kesa sa wala diba. Atleast may pagrereviewhan, maliban sa libro. Better safe than sorry.

Almost 30 minutes nang nagdidiscuss si Miss nang biglang bumukas yung pintuan at niluwa nito ang limang gwapong mga nilalang. Ay ano ba, Kaye! Joke lang.

Syempre ang Black Aces, mga pabida 'to eh. Laging pahuli para laging special mention.

"Topher, Daemiel, Lucas, Elijah and Blake, anong oras na? Sobra na kayong late sa klase ko! Where have you been? Ikaw Blake, irereport na talaga kita!" Pasigaw na usal ni Miss Smith. Namumula na siya at galit na galit na pero etong kaharap niyang mga kausap niya dedma lang.

"I don't like you and your subject, that's why we're late." Tipid na sagot ni Blake saka umuna nang pumunta sa upuan niya which is katabi ni Mirelle. Si Mirelle nagdesisyon niyan.

"Kung wala lang talaga akong utang na loob sa pamilya mo at sa paaralang ito. Ipina-suspinde na kita, Blake!" Sigaw ni Miss Smith kay Blake. Habang ito namang koya niyo, dedma lang at parang walang naririnig.

"As if you can." Bored ulit niyang sagot. Bored pa ba siya sa buhay niya eh sa katunayan nga eh nasa kanya na ang lahat.

"So much for that class, I will be dismissing you early today kasi pupuntahan ko ang advisory class ko to announce the schedules for the week-long foundation celebration. Your adviser will come here too. So that's for today class! See you next meeting!" Pamamaalam ni Miss Smith saamin at saka kinuha na ang kanyang mga gamit at tuluyan nang lumabas sa aming silid-aralan.

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon