Thirty-Six

39 1 0
                                    

That single story of him broke out the internet. Joke lang, sa mga batchmates lang namin dati nung Senior High.

They were asking if I was the girl in his story. Hindi namin sila sinasagot parehas.

I was really happy upon seeing that story of his kaya naman flat one ang nakuha naming grado ni Kio sa reporting namin the following day. Inaasar tuloy nila ako na inspired talaga.

"Island mamaya, g kayo?" Tanong sa amin ni Jett habang nandito kami ngayon kumakain ng lunch sa Wendy's. "Birthday salubong ko. Sumama kayo mga gago!"

Natawa kami sa reaksyon niya kaya naman naisip ni Rina na biruin muna siya pansamantala.

"Pupunta lang kami kung liligawan mo na si Karyl." Panimula ni Rina kaya naman natawa kaming lahat, at napatahimik naman sila Karyl at Jett.

"Oo nga, your love team has been going around for two years already, nagkakahiyaan lang kayong umamin sa isat-isa pero ramdam naman namin na may feelings nang involved eh." Re-bat ko pa.

Kinikilig kasi talaga kami sa kanila eh. Bagay sila dahil enemies to lovers ang trope nila kaya naman para kaming nanunuod ng teleserye sa kanila.

"Pakipot pa kayo eh nakita ko nga kayong dalawa sa BGC nung nakaraan eh. Date pa nga!" Sigaw naman ni Migs kaya mas lalong nag-panic ang dalawa.

Nakita naman naming nag-blush si Karyl. Pulang-pula ang kanyang pisngi, ani mo'y sinampal nang malakas eh kinikilig lang naman pala.

"Pasalamat ka walang pasok bukas at tapos na ang quizzes kaya makakasama kami mamaya." Dugtong pa naman ni Kio, "Basta wala kaming ilalabas na pera ha. Pasan mo kami mamayang hayop ka!"

"Oo na mga hampaslupa. Tangina niyo naman lahat!" Sigaw naman ni Jett sa amin kaya nagdiwang kami at nagtawanan. "9 mamaya ah, may pinareserve na akong table 'dun, itanong niyo nalang."

This should be fun. I mean, kailangan ko namang bigyan ng reward ang sarili ko kahit papaano, nilulunod ko na ang sarili ko sa acads kaya di naman ata masama na magpakasaya kahit saglit lamang.

Excited akong naghihintay kay Blake dito sa parking area ng hospital. Magpapaalam din ako sa kanya kasi ganon ang dapat. Ayaw ko nang may nililihim kami sa isa't-isa kasi para saan pa.

"Hi!" Masiglang bati ko sa kanya nang makapasok na ako sa sasakyan niya kaya napatingin siya sa akin na parang naninibago.

"Looking good and lively, huh. What's with you today?" Tanong niya sa akin nang mapansin na todo ngiti ako.

"I'll ask for your permission sana." Wow, as if naman papayag ako na hindi siya papayag. Joke lang. I saw how his brows rose up then he suddenly looked at me while waiting for me to say anything.

"For?" Tanong niya ulit sa akin, nasa kalsada ang tingin niya pero nakataas pa rin ang kanyang mga kilay.

"It's Jett's birthday tomorrow and he will be having a birthday salubong later sa Island, I will be going. I just wanted you to know kasi ayoko nang may tinatago." I told him nicely, at nakita ko namang napa-tango siya.

"Who am I to stop you, Kaye? Go on. Enjoy your life." He said, and that made my heart smile. "I'll hatid you there later."

Oh, crap....

"Uh... Kio will fetch me later sa house para sabay na kaming magpunta doon." I told him kaya napakunot ang noo niya. "Hey, don't be jealous. He already knew about us, and I assure you that he is a good guy." Napaka-seloso pero walang nagawa dahil sa sinabi ko kaya tumango nalang.

"We're here!" Nakatulog ako ng konti kaya naman nagising nalang ako na nasa tapat na kami ng gate namin.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago humarap kay Blake na ngayon ay pinagmamasdan ako. "Kalma sa titig, ako lang 'to."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Through The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon