Prologue

30.6K 937 1.7K
                                    

"Sigurado ka bang hindi na kita sasamahan?"

Umiling ako kay Mama. "Kaya ko na po."

"Sige. Ipapasundo na lang kita kay Ricardo kapag pauwi ka na. Mag-iingat ka," she gave me a sweet smile.

Humalik ako sa pisngi niya saka lumabas ng bahay. Bumungad sa akin ang luntiang paligid.
Kakarating lang namin sa La Verde. At hindi ko inaasahang ganito pala kaganda rito. I tried to search about this place but the pictures did no justice to its beauty. Mas maganda kapag personal mo nang nakikita.

There are tall trees in our frontyard. Bago kami lumipat dito ay napaayos na rin nila Mama ang malawak na bakuran. Kaya kahit tirik na tirik ang araw, malilom pa rin dahil sa mga puno na nakapaligid.

I started walking towards the gate. Nakaparada na roon ang sasakyan namin. Si Kuya Ricardo ang magdadrive para sa akin patungong San Sebastian High School. Hindi naman daw iyon gaano kalayo sa bahay namin ngunit ayaw ni Mama na maglakad ako patungo roon lalo na ngayong tirik na tirik ang araw.

"Seatbelt po, Ma'am," paalala ni Kuya Ricardo nang makapasok ako sa backseat ng sasakyan.

Ngumiti ako saka ikinabit ang seatbelt. Habang nasa daan papunta sa eskwelahan, napansin ko ang mga bundok ng La Verde. Matatanaw mo iyon sa malayo. Berdeng-berde ang kulay. I want to feel the La Verde atmosphere on my bare skin.

"Sa San Sebastian High School din po ba nag-aaral ang anak niyo, Kuya?" tanong ko kay Kuya Ricardo.

Ngumiti ito at tumingin sa repleksyon ko sa rearview mirror.

"Opo, Ma'am," sagot nito.

"Talaga po? Anong grade na?"

"Grade 9 po siya ngayon sa darating na pasukan," aniya.

Tumango-tango ako. Mas ahead pala ako sa anak niya ng isang taon. Kung ganoon, mahihirapan akong humanap ng kakilala ko. Mukhang kailangan kong maging friendly sa taon na ito. Ayoko namang kakain ako mag-isa ng lunch tapos maging sa pag-uwi ay loner ako.

Pero kung sakali na tarayan ako sa unang beses na makipag-interact ako sa iba, baka buong school year ko 'yong damdamin. Paniguradong loner ako buong taon dahil hindi ko na ulit gugustuhing kumausap ng iba.

I hope they're nice.

"Andito na po tayo, Ma'am. Gusto niyo po ba ihatid ko kayo sa loob?"

Tumingin ako sa labas ng bintana. Mula rito sa sasakyan, kitang-kita ko na ang alikabok sa loob ng eskwelahan. May mga estudyante na rin akong natatanaw sa loob at ang iba sa kanila ay nagbubuhat pa ng upuan. Sa malaking gate nakapaskil ang malaking tarpaulin.

Brigada Eskwela.

I let out a deep breath before facing Kuya Ricardo.

"No need na po, Kuya. Kaya ko na 'to," sagot ko.

"Sige ho, Ma'am. Ingat ho kayo sa loob," sabi niya.

Bumaba na ako ng sasakyan. Naglakad ako papasok sa loob ng eskwelahan. The guard waved his hand at me.

"Magandang umaga ho, Ma'am!" bati niya.

I smiled back. "Magandang umaga rin po."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. At habang nasa hallway, hindi ko maiwasang kabahan. Napapatingin kasi sa gawi ko ang ibang mga estudyante. Mukhang gulat din makakita ng bagong mukha.

I can smell the chairs and dust. 'Yung amoy na tila ba'y matagal na naimbak ang mga upuan sa loob ng silid. It smells like the first day of school. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang dati kong eskwelahan sa Maynila.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon