"N-Nice to meet you."
Gusto kong batukan ang sarili nang bigla akong mautal. This is what I hate the most especially in situations like this. Kahit sabihan ko ang sarili kong huwag mautal, ganoon pa rin ang nangyayari.
"Upo na kayo. Umorder na ba kayo? Sana isinabay na namin kanina," pabalik-balik ang tingin ni Jagger sa akin at kay Atreus. He's obviously trying to break the awkward atmosphere.
Umupo sa harapan ko si Atreus at sa tabi naman niya naupo si Millie. She looks really pretty. May ideya na ako noong highschool na maganda talaga siya pero hindi ko naman ineexpect na mala-diwata pala. Her eyes are always sparkling even though she's not smiling. Her nose is pointed, pink plump lips, bambi eyes, porcelain skin, and dark brown wavy hair with full bangs.
Inilapag ni Atreus sa ibabaw ng lamesa ang bag na dala niya. Paniguradong kay Millie iyon.
"Umorder na kami. Kaso baka mauna dumating yung sa inyo," sagot ni Atreus.
"Saan ba kayo galing?" Chantal asked.
"Manila. Kinuha namin ang passport niya," he replied.
Para lang akong estatwa roon na nakikinig sa usapan nila. I don't know what to say. Seven years ago, planado na lahat ng sasabihin ko kung sakaling magkita kami. But now that he's here in front of me, I can't think properly. Nauubusan ako ng mga sasabihin.
My eyes went down on his neck. He's not wearing the locket that was given by his friends. Pitong taon na ang nakalipas. Bakit nga ba umaasa ako baka... baka ako ang inilagay niya roon? It was too impossible. I left him without any reasons. Wala akong karapatan na umasang ako pa rin pagbalik ko.
"Dito na ulit titira si Shaz. Celebrate kaya natin?" suhestyon ni Ryker.
"G ako kahit kailan," sagot ni Kiyo.
"Pupunta ba ang lahat?" tanong ni Zeus. Sumagot ang mga kaibigan namin. Lahat sila ay nagsabing pupunta. "Set na tayo ng date."
Medyo nahihiya ako ngayon. I can't believe they're still treating me like a friend despite what I did. Walang nagbago. Ganito rin sila noong umalis ako.
"Ikaw, Tres? Pupunta ka?" Chantal asked.
Ilang segundong napatingin sa'kin si Atreus. I can't bear his stares so I averted my gaze. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong marinig ang sagot niya. Maybe because a part of me wants him to say yes.
"Pupunta ako," sagot niya.
I clasped my hands under the table. So it means, I will see him again. Kailangan kong tiisin kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
"What about you, Millie? Sama ka?" tanong ni Kiyo sa katabing babae ni Atreus na tahimik lang at kumakain.
"Uhm..." Millie glanced at my direction. "Pupunta ako kapag pupunta si Atreus."
"Ayan. G na! Set na tayo ng date!" ani Jagger.
I'm really curious about Millie. Sila na ba ni Atreus? May kutob ako pero hindi ko naman alam kung 'yon ang paniniwalaan ko. Ngayon pa nga lang na nakikita ko silang magkasama, masakit na. Paano pa kung sa kanya na mismo nanggaling?
Pinilit kong makisali sa usapan nila kahit medyo naiilang ako sa lalaking kaharap. Panay na ang pagpaplano nila para sa darating na selebrasyon. Nagtatrabaho na rin kasi sila kaya nahirapan kaming mag-set ng date kung kailan available ang lahat. Pero sa huli, nakapagdesisyon naman kami kung anong araw.
Kahit pa noong matapos na kami kumain, hindi muna kami umalis. We exchange phone numbers. And of course, he also gave me his number. Sigurado naman akong wala akong rason para kontakin siya kaya hindi rin kami magkakausap thru text.
BINABASA MO ANG
Endless Summer
RomanceNew environment means new people to be with. Kaya hindi mapigilan ni Shaz na kabahan nang lumipat sila ng bahay sa La Verde. As a girl who grew up in Manila, it wasn't easy at first. Mabuti na lang at approachable ang mga naging kaklase niya. She me...