08

7.6K 364 489
                                    

"Ano? Inaya ka?"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Chandler, agad na lumapit sa'kin si Atreus. Sumilip pa siya sa pinto para masigurong nakaalis na ito. Bumungad sa akin ang malapad niyang ngisi.

"Gumana ba?" he asked, nudging me to spill my conversation with Chandler.

Sumunod siya sa'kin hanggang sa makabalik ako sa seat ko sa last row. He even asked my seatmate na palit muna sila ng upuan para makatabi ako.

"Ano nangyari?" Atreus sounds excited. Parang siya pa ang naka-jackpot sa crush.

"Inaya niya ako ng lunch," I replied.

Atreus nodded before averting his gaze. "Nice. Mukhang mag-uupgrade na kayo, ah."

Nagkibit-balikat ako. Although he already asked me for lunch at alam kong malaking step 'yon sa kung ano mang mayroon sa'min ni Chandler, hindi pa rin ako sigurado. It takes a lot before you get into 'that' stage. Baka nga kaya niya ako inaya ay dahil lang kay Atreus.

"Sana nga," I said, trying not to sound hopeful but failed. Napangiwi ako nang marinig ang sariling boses.

"Don't worry, tutulungan nga kita," sabi niya.

Hindi na ako nakapagsalita nang biglang lumapit sa'min sina Jagger, Riven at Virgo. Seems like they also saw what happened. May mapang-asar silang ngiti sa labi. Now I'm sure they'll tease me.

"Naku, Pres. Pinopormahan ka na yata ni Buenavista," Riven started.

Jagger exclaimed, obviously exaggerating his reaction. "Magkakashota na si Shaz!"

Maging si Virgo ay nakisali na rin. "Gano'n pala mga type mo, Shaz. Basketball player na mabango."

I felt warmth spreading all over my face. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Mas nakakahiya pala kapag hindi lang si Tres at Chantal ang nakakaalam. Feeling ko tuloy aasarin nila ako kapag malapit si Chandler.

I heard Atreus chuckled. "Magkaka-lovelife na siya tapos kayo single pa rin."

His friends snorted. Bumusangot ang mukha nila habang nakatingin kay Atreus. Si Jagger ay tinignan pa siya from head to toe, nakahawak sa dibdib at mukhang isang malaking kamalian ang sinabi ni Atreus.

"Wow! Coming from you," Jagger said sarcastically.

Muntik na silang magbardagulan doon. Mabuti na lang ay dumating na ang adviser namin. Thank God everyone became silent. Tumigil na rin sila sa pang-aasar sa'kin. Sumenyas pa sa'kin si Chantal na mag-kwento raw ako mamayang recess. Umabot na yata agad sa kaniya ang balita. Everyone went back to their own seats before the class started.

Pero kahit may teacher na sa unahan at nagsisimula na ang discussion, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Para kasing sobrang imposible mangyari ng gano'n. Chandler and I only talked once or twice? I don't know. Basta hindi 'yon madalas. 'Tsaka, this past few days, hindi ko siya gaano nakikita sa loob ng school. Even sa canteen, madalang din mag-krus ang landas namin.

Nevertheless, I should thank Tres if it works. Kung hindi naman dahil sa kanya baka hindi ako inaya ni Chandler ng lunch.

"Ano nga nangyari? Omg! Inaya ka na talaga?"

Recess namin at tama nga ang hinala ko. Chantal immediately sat beside me. Panay ang tanong niya sa kung anong nangyari kanina. Late na kasi siya nakapasok kaya hindi niya naabutan. Kung hindi lang din dahil kay Jagger at Riven, hindi niya malalaman ang mga nangyari.

I exhaled. "Yup, lunch. Nagdadalawang-isip na nga ako ngayon."

"Gaga!" Medyo napalakas pa ang sabi niya noon. "Ngayon ka pa ba aatras? Nag-first move na crush mo, oh!"

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon