02

12.4K 528 480
                                    

"You can now go back to your classrooms."

Lumabas na ako ng silid. The chairman of grade ten, Mrs. Herrera, conducted a meeting for all the classroom presidents of each level. Inorient niya kami sa mga posibleng paparating na programs ng school.

Ako ang ginawang classroom president ng mga kaklase ko. It was Atreus who nominated me. Siguro dahil na rin sa pagiging transferee ko, binoto ako ng karamihan. They said they had a good impression of me. Pagkatapos ng pagno-nomina ay muntik ko nang sugurin si Atreus. Sigurado akong pinagti-tripan niya ako.

I have never been nominated for a classroom president position eversince. Kahit noong sa Maynila ako nag-aaral. I was once a secretary pero hindi na rin iyon naulit dahil ayokong magkaroon pa ng ibang responsibilidad bukod sa mag-aral nang mabuti at ipasa ang mga subjects. I don't like leading a group of people. I have no potential in terms of leadership.

Kaya naman grabe rin ang kaba ko noong ako ang ibinoto nila. Sa sobrang inis ko ay gusto ko nalang kurutin sa singit si Atreus.

Nang pumasok ako sa classroom, nagkakantahan sila. Some of the boys are tapping their palms on the desk to create a beat. Sinasabayan iyon ng pagkanta ng mga kaklase namin. Everyone was singing their heart out. May mga nagha-harmonize pa.

"Kahit bata pa ako..." Jagger sang.

"Alam kong minamahal kitaaaa!" Riven tried to reach for the high note.

"Hindi ito isang laro..." Virgo's turn. "'Di ako nagbibiro..."

"May puso rin ako," si Atreus naman ngayon ang kumakanta. Nakahawak pa sa dibdib at damang-dama ang emosyon. "Kahit bata pa akooo!"

Tumayo lang ako sa harapan, pinapanood sila. Matapos kantahin ang chorus ay napatingin silang lahat sa'kin. Ngayon, mukhang aware na sila sa presensya ko.

"Hi, pres!" Atreus beamed. He's wearing the usual grin on his face. Hindi ko matukoy kung nang-aasar ba siya o normal na ekspresyon na 'yon sa kanya.

Ibinalik ko ang notebook at ballpen sa loob ng bag ko. I heard his voice behind me.

"Kamusta ang meeting? Magkakaroon na ba tayo ng SOCLA?"

Frowning, I faced him.

"SOCLA?"

"State of the Classroom," aniya na para bang obvious na 'yon pero hindi ko pa rin na-gets.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at hindi na lang pinansin. He's really unpredictable. Hindi mo agad malalaman kung ano ba talaga ang sinasabi niya.

Tumayo ako sa harapan ng classroom. I cleared my throat to get everyone's attention. Maski ang mga nag-uusap at nagdadaldalan sa bandang likod ay humarap sa'kin.

"Uh..." I swallowed the lump in my throat. "So as you can see, pinatawag kami ni Mrs. Herrera para sa meeting. She discussed a few things about the future programs that our school will conduct."

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakikinig silang lahat sa sinasabi ko.

"Sinuggest din ni Mrs. Herrera na magkaroon ng classroom fund ang bawat klase para kung sakaling kailanganin, mayroon tayong pondo. Kung ayos lang sainyo, mangongolekta ng limang piso si Chantal every morning before our classes start," sabi ko. Hinintay ko ang sagot nila.

"Ayos lang sa'kin," Raki was the first one who answered.

"Ayos lang din sa'kin," sunod-sunod na ang mga sagot nila nang simulan iyon ni Raki. Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Alright. Starting tomorrow, magsisimula na tayong mag-ipon. We can also use that fund for our christmas party. Para hindi biglaan ang singil, hindi rin masakit sa bulsa," sabi ko.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon