29

7K 301 343
                                    

Someone's hugging me.

Iyon ang unang bagay na naramdaman ko pagmulat ng mata. An unfamiliar room welcomed my sight. Magpa-panic na sana ako nang maalala ang nangyari kagabi.

When I turned my head sideways, nakita ko ang pamilyar na braso galing sa lalaking inalagaan ko kagabi. Nakapulupot ang braso niya sa beywang ko habang mahimbing pa rin ang tulog. Inabot ko ang noo niya para i-check ang temperature at nakahinga nang maluwag nang maramdamang bumalik na siya na normal na temperature.

And now that his fever is gone, it feels illegal being in this position with him.

"Atreus..." Sinubukan kong igalaw ang balikat ko ngunit hindi siya nagising.

"Tres... Umaga na."

Tinapik-tapik ko ang braso niyang nakayakap sa akin ngunit wala pa ring epekto. Ang himbing pa rin ng tulog niya. Kaya naman dahan-dahan ko nalang iyong inangat upang makabangon na mula sa pagkakahiga. Kung magaling na siya, then I have no other reasons to stay here.

"Hmm..." He groaned when I successfully pulled out my self off the bed.

"Uuwi na ako. You look a lot better now," sabi ko. My things are in the living room. I can't believe I managed to sleep in this clothes. Mas nakakamangha dahil hindi naman ako sanay matulog noon nang hindi naka-pajama.

Humarap ako sa vanity mirror. I fixed my hair by brushing it with my fingers. My eyes are puffy, halatang galing sa tulog. No doubt, my sleep last night was very comfortable.

"Aalis ka na?" Napalundag ako sa kinauupuan nang marinig ko ang boses ni Atreus. His voice sounds a bit husky, maybe because it's morning at kagagaling niya lang sa sakit.

Tumango ako.

"Dito ka muna..." Humawak siya sa sariling noo at leeg na parang chine-check ang temperature. "Nilalagnat pa yata ako."

Nang marinig ang sinabi niya, agad akong lumapit para kumpirmahin. I crawled on the bed because he was on the right side. Inabot ko ang noo niya upang ma-check kung mainit pa ba siya.

"Hindi ka naman na mainit—" My words were cut off when he suddenly pulled me on my waist. Dahilan para muli kaming bumagsak sa kama. Sa gulat ay napasigaw ako.

"Atreus!"

"Saglit na yakap lang, please," aniya. Humigpit ang pagkakayakap niya sa beywang ko. I have no other choice but to let him. Napatitig na lang ako sa kisame habang pilit na pinipigilan ang pamumula ng pisngi.

"P-Pwede bang magyakapan ang mag-ex?" I asked, a bit hesitant about my question.

From my peripheral vision, I saw him opened his eyes. A smile tugged at his lips.

"Hindi siguro," he answered.

I frowned. "So why are you hugging me? Hindi pala pwede, e."

"Dapat ba maging tayo ulit?"

My whole body froze. Para akong nabingi sa narinig. I blinked twice to process what I just heard. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa direksyon niya. He's still smiling, looking intently at me.

"H-Huh?"

Imbis na sumagot, mas lalo siyang lumapit sa'kin at bumaba nang kaunti. His head came closer, burying his face in the hollow of my neck. I felt his breath on my skin.

"Tayo ulit, Shaz," he whispered.

The butterflies in my stomach went crazy. Kasabay noon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I can't even move because my whole body is still trying to cope up with the sudden shock.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon