09

7K 359 551
                                    

I observe the students outside our classroom. They're all busy. Ang iba ay may hawak na mga costume para sa ilalaban nila sa contest. Panay ang pagbalik-panao nila sa hallway kaya nadidistract ako.

Dahil ang section namin ay nasa loob pa rin ng classroom, nakaupo sa kani-kaniyang upuan at nagkaklase.

Mayroon talagang mga teacher na hindi mapipigilan sa pagdidiscuss kahit may event ang school. Hinding-hindi magsasayang ng isang oras para makapagturo.

"Kung sino ang mabunot ko sa index card, siya ang magsosolve ng equations sa unahan."

Na-solve ko na 'yon kanina habang sinusulat niya. Para kung sakaling ako ang mabunot, hindi ako matataranta sa unahan. Grabe kasi ang pressure kapag alam mong ang daming nakatingin sa'yo at pinagmamasdan ang ginagawa mo.

"Caparas." Our teacher shuffled the index cards again. "Viancoso."

Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ni Atreus. He's pointing at himself na para bang hindi pa makapaniwala na nabunot ang pangalan niya. Siya lang naman ang Viancoso rito.

"Ikaw nga, Atreus," sagot ni Mrs. Pinili, ang math teacher namin.

Tumayo siya at confident na lumakad papunta sa unahan. Kumuha siya ng chalk at nagsimulang mag-solve.

He's lowkey genius. Hindi lang talaga nagpaparticipate masyado sa recitation pero every time na matatawag siya, alam niya ang sagot. Maging sa mga questions na mahirap sagutin. Tama nga noon si Chantal.

Halos isang minuto niya lang yata sinolve ang equation sa harapan. Nasa left side siya ng blackboard dahil nagsosolve din sa unahan ang isa pa naming kaklase. He put the chalk back to its place before he went back to his seat.

His friends who were sitting on the last row silently cheered for him, showing a thumbs up.

"Alright. Let's check their answers."

Mrs. Pinili started explaining the problem. Saka niya mano-manong inexplain kung paano nakarating sa ganoong answer. Lumilipad ang isip ko dahil sa ingay sa labas. And maybe because she already discussed this topic last week. Naulit na naman kaya nakakaboring na makinig. Kaya ko na nga yata sagutan 'yon habang nakapikit.

Panay-panay ang tingin ko sa wall clock. Limang minuto na lang at matatapos na ang klase. We only have an hour before the program starts. Kakayanin kayang mag-prepare nina Atreus nang ganoon kabilis?

"Uhm, excuse me po? Dito po ba ang section Baltazar?" A woman interrupted the discussion. Mayroong buhat na costume ang mga kasama niya sa likod.

"Yes, Miss. Bakit?" tanong ni Mrs. Pinili.

"Kami po ang mag-aayos kay Chantal at Atreus para sa contest," the woman replied.

Napatango-tango ang math teacher namin sa rinig. Then she glanced at the wall clock. Mariin akong pumikit, silently hoping she'll end the class na agad. Hindi ko alam kung paano namin kakayaning magprepare in an hour.

"Sige. I'll dismiss na class na lang. Goodluck sa contest!" Our teacher smiled before she gathered her things, preparing to leave.

"Goodbye, class."

"Goodbye, Mrs. Pinili."

Pagkalabas na pagkalabas niya ng classroom, agad naming inayos ang mga upuan. We moved them to both sides of our classroom. Isinagad namin hanggang sa pader para mas mabigyan kami ng space sa gitna.

The woman who arrived earlier quickly set up the things she brought. May dala siyang case na paniguradong naglalaman ng mga make up. Si Chantal naman ay nagpalit na agad sa banyo.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon