28

7K 325 252
                                    

"Shit."

I woke up the next morning with a headache. Parang binibiyak ang ulo ko sa dalawa dahil sa sakit. Hindi agad ako nakapag-mulat ng mata dahil sa liwanag na tumatagos sa kurtina ng balcony. Sinubukan kong lumingon sa paligid at nakahinga naman nang maluwag nang makitang nasa kwarto ako.

Wait...

Nasa kwarto ako.

Paano ako nakauwi?

Oh, shit.

Bigla akong napangiwi nang maalala ang mga nangyari kagabi. Napasabunot ako sa sarili habang kagat ang pang-ibabang labi.

Nasabi ko na sa kanya lahat... mula umpisa hanggang dulo. Kahit medyo tinablan ako ng hiya nang maalala ang mga pinaggagawa ko kagabi, nakahinga naman ako nang maluwag dahil mabuti na lang din na nasabi ko. I know I wouldn't be able to explain those to him in my normal state.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto. As far as I can remember, he said he'll sleep outside. Nandoon pa kaya siya? Or did he left already?

Hindi ko pa alam kung anong sagot niya sa mga sinabi ko kagabi. I don't want to force him too. Gusto kong kusa niyang sabihin sa akin kung anong sunod na gusto niyang mangyari. But one thing is for sure, hindi na ulit ako aalis.

I was about to go to the bathroom when I noticed a note on my bedside table. Sa tabi noon ay ang gamot at isang basong tubig. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko nang mabasa nakasulat.

Inom ka muna ng gamot. Alam kong masakit ang ulo ko. You were so drunk last night.

— 3

Hindi mapuknat ang ngiti ko nang ininom ko ang gamot. Dinadahan-dahan ko pa ang tubig dahil kinikilig ako. My head was aching so bad but his letter made me feel better.

I just realized this is what I want eversince. In-denial lang talaga siguro ako noong bumalik ako rito dahil hindi ako sigurado kung may babalikan pa ba.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. I took a shower. Suot ko pa rin kasi ang satin halter dress mula kagabi. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam ko.

Nagsuot lang ako ng simpleng T-shirt at shorts dahil wala naman akong planong lumabas ng bahay ngayon. I'm planning to organize my office room in this house because I might start working next week. My clients from Manila are already calling me.

When I went downstairs, the smell of garlic welcomed me. Hindi ko na nakita sa sofa si Atreus. Nakaalis na ba siya? Saan siya natulog? Sayang, hindi man lang ako nakapagpasalamat.

"Ate Floryn, nakaalis na po ba yung naghatid sa'kin kagab—"

I froze when I saw a broad shoulder facing me as I entered the kitchen. Wala siyang damit pang-itaas at tanging pink na apron lang ang suot.

Something inside me was happy to see him here. Akala ko'y umalis na talaga siya, e.

Lumingon siya sa gawi ko. "Gising ka na pala. Kain na."

Ngayong nagtama na ang mga mata namin, bigla kong naalala ang mga pinaggagawa ko kagabi. Gusto ko tuloy batukan ang sarili. It's still vivid in my mind how I hugged him so tight para masulit ang mga oras na may rason at tapang pa akong gawin 'yon. I can still remember how I tried to annoy him by pretending to puke in his car. His expression last night was wholesome.

"Nakatulog ka ba nang ayos? Ininom mo 'yung gamot? Kamusta pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong niya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

He cooked fried rice, bacon, ham, hotdogs, and egg. May gatas pa siyang tinimpla.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon