18

6.5K 315 375
                                    

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang marinig ang malalakas na lagabog sa baba. I was preparing for school, applying clips on my hair in front of the vanity mirror. I can hear people hissing pero hindi iyon malinaw sa pandinig ko.

Isinukbit ko ang backpack sa balikat saka dumiretso na sa baba para ma-check kung ano ang ingay na narinig ko. I don't know but something in me told me to be careful with my footsteps. Kakabalik lang ni Kuya sa California yesterday so I'm sure hindi siya iyon. Siya lang naman ang mahilig magbungkal sa refrigerator kahit hating-gabi.

I frowned when I saw Mama and Papa in the kitchen. Mas lalo lang napakunot ang noo ko nang mapansing parang... nag-aaway sila? Mama's back was facing me kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. But her shoulders were shaking, it seems like she's crying.

"This is what I've been telling you, Nathaniel! Look! It's happening!" Mama hissed, her voice broke.

"I'm trying my best! Just... Just give me a month or—"

"Or what? Hanggang sa huli na ang lahat? Hanggang sa malaman ng mga anak natin?" Nagpintig ang tainga ko nang marinig ang mga salitang huling binanggit ni Mama.

"Hindi 'yon mangyayari..." Napasapo si Papa sa noo. His other hand was pulling his hair out of frustration.

Hindi ko sila kaya makita sa ganoong sitwasyon. Yes, they argue sometimes but those were just mere petty fights. Hindi ganitong sobrang seryoso. Umiiyak pa si Mama. Sa buong buhay ko, minsan ko lang siya nakitang umiyak. And believe me, those were the times when she couldn't bear it anymore. That's why seeing her cry now means... it's something serious.

I feel like I shouldn't be here listening to them. It feels illegal eavesdropping to their conversation. As much as possible, ayokong makisali sa mga ganoong klaseng usapan. I tend to distance myself kapag alam kong hindi naman talaga dapat ako kasali.

Bigla silang napatigil nang matanaw ako ni Papa. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"U-Una na po a-ako." I immediately turn on my heel to leave. Nakita ko pang nagpunas si Mama ng luha bago ako tuluyang tumalikod. Wala silang sinabi.

"Why are you simangot, Madam?" tanong ni Kuya Ricardo pagpasok ko sa sasakyan.

"Wala po medyo hindi lang okay ang gising," sagot ko.

"Alright, Madam. Makinig na lang tayo dito sa bagong K-POP group na nadiscover ko." Binuksan niya ang speaker ng sasakyan. Agad kong narinig ang pamilyar na tunog na pinakikinggan nina Atreus noon sa cabin.

"Cheer up, beybe! Cheer up, beybe!" pagsabay ni Kuya Ricardo sa kanta.

I smiled. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Susubukan kong isantabi lahat ng narinig ko kanina. Sigurado namang kung gusto talaga nilang malaman namin kung ano man 'yon ay matagal na nilang nasabi.

Buong byahe lang akong tulala at nakatingin sa mga punong nadadaanan namin. La Verde's relaxing ambiance erased all my worries. Halos luntian na kulay lang ang makikita sa paligid.

The ride was smooth. Hindi ko na namalayang nasa harapan na kami ng eskwelahan.

"Uy! Mukhang hinihintay po kayo ng uyab mo, Madam," sambit ni Kuya Ricardo dahilan para mapatingin din ako sa tinuturo niya.

Nakita ko si Atreus na naghihintay sa gate. Panay ang bati niya sa mga estudyanteng dumadaan. Literal na kilala siya ng lahat. Mukha tuloy siyang mayor doon na nangangampanya.

"Mauna na po ako, Kuya. Ingat po kayo," nakangiting sambit ko bago bumaba ng sasakyan. I waved my hand at Kuya Ricardo before I turn around.

Agad na nagtama ang mga mata namin ni Atreus. His whole face lit up with a smile. It has been a week since we last saw each other. I enjoyed my vacation with my family, same as him.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon