20

6.6K 262 255
                                    

"Ma'am, kain po muna kayo..."

Tipid lang akong ngumiti kay Aling Belinda saka umiling. It's already past three am yet I'm here in our house, packing my clothes. Pumunta ako kanina sa ospital ngunit nasa operating room pa si Papa. Nang malipat siya sa ICU, pinauwi muna ako ni Mama para makatulog.

Pero sa sitwasyong ganito, hindi ko kayang matulog nang mahimbing.

My father is in critical condition. Ang daming dugo ang nawala sa kaniya sa aksidente. Mama told me na tumigil lang sila ni Papa panandalian sa harap ng building kung nasaan ang penthouse namin. Naunang umuwi si Mama dahil may kukunin pa raw na dokumento si Papa sa office.

Minutes later, someone from the hospital called. Nasangkot daw si Papa sa isang car accident.

At ngayon, sabi ng doktor, hindi pa raw nila alam kung kailan magigising si Papa. Baka raw hindi na. His body was already weak. Himala pa nga raw na humihinga pa ito nang dalhin sa ospital sa tindi ng aksidente.

I've been crying for seven straight hours. Hindi ako mapakali. A lot of scenarios keep popping in my head. Lalo na noong nakita ko ang kalagayan ni Papa sa ICU. Parang dinudurog ang puso ko sa t'wing nakikita ko siyang hirap huminga.

Naaawa na rin ako kay Mama. Mula kanina, binantayan niya lang si Papa. Hindi siya umaalis ng ospital dahil baka ano mang oras daw ay magising ito. Nakausap na rin niya ang family lawyer namin tungkol sa kaso.

"Ma'am kailangan niyo po kumain. Binilin po sa akin ni Ma'am Sheryl..." muling sabi ni Aling Belinda.

"Hindi na po. W-Wala po akong gana..." mahinang sagot ko.

I need to go back to the hospital. Hindi naman ako mapapakali rito sa bahay. I want to make sure I was there kapag nagising si Papa. Gusto kong sa unang pagmulat ng mata niya ay ako ang makita niya.

"Magpapahatid na po ulit ako kay Kuya Ricardo pabalik sa ospital," sabi ko kay Aling Belinda.

Isinukbit ko sa balikat ang malaking bag na dala. Puno iyon ng mga gamit namin ni Mama.

"Sige po, Ma'am. Sasabihan ko po si Ma'am Sheryl na babalik kayo roon," sagot niya.

Tumango ako saka muling lumabas ng bahay. Hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko. Sabi ng mga doctor, baka ilang oras lang ang itagal ni Papa. Malaking himala na raw kapag nagising pa ito. Hearing those from them breaks me. Kung pwede lang na pagpalitin ang posisyon namin ngayon ni Papa ay papayag ako.

Sana ako na lang. If that was me, I wouldn't see Mama crying.

At kung alam ko lang din na ganito pala ang mangyayari, sana humingi na lang ako ng pasensya kay Atreus na hindi ko muna mami-meet ang pamilya niya. Sana niyakap ko pa nang mahigpit si Papa kanina. Sana pinilit ko silang huwag muna bumalik sa Manila.

Sana hindi na lang ako umalis.

"Madam, seatbelt po," ani Kuya Ricardo sa unahan.

Nang makaalis ang sasakyan, hindi ko na namalayan ang mga nadadaanan naming bahay. Sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa puyat pero pinipilit ko pa ring huwag indahin. Atreus flooded me a message earlier asking if everything's okay. But I can't give him a specific answer because obviously... nothing's fine.
The moment I heard what Mom said, mabilis na akong umalis. Hindi na ako nakapag-paalam nang maayos sa pamilya niya. I just asked him to tell his family that I had to leave because something urgent came up.

I can't stay any longer knowing my Papa needs me. Mabuti na lang din na naintindihan agad ni Atreus.

Halos kalahating oras ang byahe papuntang ospital. Wala na kaming nakikita na other vehicles sa kalsada dahil malalim na rin ang gabi. Pagka-park ni Kuya Ricardo ng sasakyan, agad na akong pumasok sa loob ng ospital.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon