24

5.8K 271 399
                                    

"Are you sure you don't want to stay here in Manila?"

I sighed, holding my phone on my left hand while my free hand was on the steering wheel. Kanina pa ako tinatanong ni Mama tungkol sa pagstay ko sa Manila pero paulit-ulit ko namang sinasagot na ayaw ko.

"Hindi na po. I'll be staying here," sagot ko.

"Are you sure? Just tell me if you need something. Gusto mo bang ipa-sunod ko si Shawn d'yan?"

"Huwag na po. Alam ko namang busy si Kuya," nakangiting sambit ko kahit alam kong hindi naman ako nakikita ni Mama.

"Hmm, okay. Mag-iingat ka. Give me some updates."

"Okay po. I love you, 'Ma!"

"I love you too, baby."

Inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng dashboard nang matapos ang tawag. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang tanawing nadadaanan.

It has been seven years yet the beauty of La Verde remains. Luntian pa rin ang madalas na makitang kulay sa paligid. Tall trees are planted everywhere kaya malilom ang kalsada. Mountains are visible from afar.

Naaalala ko noong gabing akala ko'y hindi na ako makakabalik dito. Akala ko'y hindi na ulit ako makakatungtong sa lugar na 'to.

But here I am, on my way to our old house, planning to spend the rest of my life here without worrying about anything else. Finally, makakauwi na ako sa tahanang gusto kong uwian.

La Verde.

Seven years had passed. A lot of things happened. I pursued my fashion career in California. Noong fourth year highschool ako, hindi pa ako sigurado sa kung anong gusto kong tahakin sa college. And maybe, that was one of the biggest impact of California in my life. Doon ko natukoy kung ano ba talaga ang gusto ko. I found out which career suited me the most.

Senior year when my interest about fashion started to grow. Palagi rin kasing mga fashion runaways ang napapanood ko sa TV. That time, sobrang dami kong ideas. Hindi ako napapakali sa t'wing nakakaisip ako ng bagong design. So I started sketching on my notebook. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

Noong makagraduate, mas lalo akong nag-grow. Nagbukas ako ng isang maliit na shop near our house para makatanggap ng clients. My start wasn't that bad, though. Para sa isang designer na kakaumpisa pa lang sa fashion industry, sobrang ganda ng simula ko.

Then I decided to come back here in La Verde. Dito ko na balak ituloy kung ano man ang naumpisahan ko sa California. I'm planning to open a clothing line. Bahala na. Kung saan man ako dalhin ng hangin.

Basta kung may isang bagay man akong gustong gawin ngayon, iyon ay ang bumalik dito.

They say home is where the heart is. So I am here where my heart belongs.

Ipinarada ko ang sasakyan sa garahe. I already hired someone to clean the house bago pa man ako umuwi rito sa Pilipinas. Unfortunately, I wasn't able to hire Aling Belinda dahil nasa probinsya na siya ngayon at mayroon na ring maliit na business. Siya rin kasi ang nagbabantay sa apo kaya hindi ko na rin pinabalik rito. Si Kuya Ricardo naman ay baka sa isang linggo pa makarating dito.

"Good morning, Ma'am!" bati ni Ate Floryn. Siya ang bago naming maid na makakasama ko rito sa bahay.

"Good morning din po. Pakilagay na lang po noong maleta sa living room. Ako na po ang bahala mag-ayos. Masyado po kasing mabigat para iakyat sa taas," sambit ko.

"Sige po, Ma'am."

Napatingin ako sa bakuran ng bahay. The bench is still here. May mga bagong tanim na ring mga halaman. It looks exactly the same from what it used to look like. Maliban na lang sa mga halamang nakatanim dahil ibang uri na iyon.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon