10

6.8K 359 851
                                    

"Let us all welcome, candidate number eight! Tatiana Chantal Aguirre from Grade Ten Baltazar!"

Napuno ng hiyawan ang buong social hall. Idagdag pa ang dumadagundong na pagtambol sa drums. Everyone was shouting my bestfriend's name. It almost became a fan chant.

She is quite famous in our school. Kilala rin kasi ang pamilya Aguirre sa buong La Verde. Malaki ang lupaing pagmamay-ari nila. Maganda ang reputasyon ng pamilya nila kaya gustong-gusto sila ng mga tao.

"Go, Chan!" Halos marindi ako sa hiyawan ng mga katabi ko. Nagkakagulo na rin sina Riven, sumisigaw na sinasabayan pa ng paghampas sa upuan.

Chantal looks like a goddess while walking on the red carpet. Mayroong malaking hugis crescent moon sa likuran niya. She's also wearing a lace dress na may mataas na slit sa kaliwa. Kumikinang ang head dress niya sa t'wing matatamaan ng spotlight.

"In Kapampangan mythology, Mayari is the goddess of the moon and ruler of the world during nighttime. She is known as the most beautiful of the goddesses and is the daughter of Bathala, the Supreme God, and a mortal woman."

Kumaway siya sa amin at ngumiti nang mapadaan sa harap namin. Umakyat siya sa stage at nag-pose ulit doon.

Kahit pa noong nakababa na siya sa backstage, maingay pa rin ang social hall. Nagkakagulo pa rin ang mga kasama ko. Kanya-kanyang pakulo sina Jagger na umaakto pang hihimatayin habang si Lewis naman ay nasa likod niya.

Hindi ko rin alam kung bakit nandito sa'min itong si Lewis. Taga-kabilang section siya, ah. Buti hindi siya pinapagalitan ng mga kaklase. Mas malakas pa yata sigaw niya sa pambato namin kaysa sa pambato nila.

Sumenyas ako sa mga kaklase ko para kumalma sila. It was hard at first dahil hindi ako marinig ng mga nasa bandang likod. Mabuti na lang at sinuway na rin sila ng mga nasa unahan.

Nang unti-unti nang tumahimik ang social hall, sinipat ko ulit ang mga kaklase ko sa likod. Kalmado na silang lahat at nakaupo na ulit sa mga monoblock.

"Uy, Pres. Saan ka pupunta?" tanong ni Riv.

"Backstage. May intermission number pa naman. Babalik din ako kapag nagsimula na ulit," sagot ko.

Nagtungo ako sa backstage. Pinutol na naman kasi ang excitement para sa intermission number ng mga grade seven. Tungkol yata sa buwan ng wika ang ipeperform nila.

Nang makarating sa likod, masyado nang maraming tao. Halos makipagsiksikan pa ako para lang mapuntahan yung dalawa. There are some candidates outside na nagpipicture. I even saw Chandler but thank God he didn't saw me. Dadaldalin na naman kasi ako hanggang sa hindi ko na magawa kung anong pinunta ko rito.

Pumasok ako sa loob. Una kong napansin ang mga vanity table na naroon. There are also some booths—probably where candidates change their clothes.

Agad na hinanap ng mga mata ko ang direksyon nina Atreus. Magkatabi lang sila ng vanity table ni Chantal.

"Hey."

Sabay silang lumingon sa direksyon ko.

"Shaz! Omg!" Chantal immediately run towards me to give me a hug. Napatigil tuloy si Atreus na akmang lalapit din sana sa'kin pero naunahan.

"Ang galing niyo kanina," sabi ko.

"Thank you!" Chantal replied.

Napakunot ang noo ko nang tumingin kay Atreus. Namumula ang buong mukha niya, umaabot na pati sa tainga. Kumakamot siya sa batok at hindi makatingin sa'kin.

"Ayos ka lang?" I asked.

"'Di ba ano... Hindi ka nagjojoke... Yung sa... ano... yung sa kanina," nauutal-utal na sabi niya.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon