05

8.8K 417 598
                                    

"Hindi ba siksikan na mamaya sa may plaza? Dapat pumunta na tayo roon nang mas maaga!"

Napailing na lang ako habang nag-aayos ng sarili. Fiesta kasi ngayon ng La Verde at sobrang excited nitong si Chantal. Nagkukwento pa siya tungkol sa mga nagdaang fiesta na wala pa ako.

The people in our house were busy since morning. Sina Mama ay maagang nagluto ng mga pagkain. Katulong niya si Aling Belinda na dati naming maid noong nasa Manila pa kami. Sabi ni Mama, balak na daw nilang i-hire ito ulit para may kasama na ako rito sa bahay kapag wala sila.

Maingay na rin sa labas. Mayroong nagtitinda ng sisiw at kung ano-ano pa. Gusto ko sanang bumili kaso nanghihinayang ako. I'm always at school, hindi ko rin matututukan.

"Bilisan mo na r'yan, Shaz. Punta na tayo sa plaza!" pagmamadali sa'kin ni Chantal.

"Chill. Hindi naman siguro tayo mauunahan sa pwesto," sagot ko.

I applied a light amount of lip tint on my lips. I tied my hair into a half ponytail which complements my natural wavy hair. Hindi naman iyon sobrang kulot, sakto lang. I paired my white crop top with a beige trouser pants and a white balenciaga shoes. Nagdala na rin ako ng sling bag para may malagyan ako ng phone at wallet.

"Anong hindi mauunahan, 'te? Magpeperform sila Tres ngayon! Una-unahan na naman ang fans nila roon," nakasimangot na sambit ni Chantal.

I chuckled. "Sinabihan ko na si Atreus na i-reserve tayo ng seat sa unahan."

She gasped. "Omg! Ngayon mo pa lang pala sila mapapanood magperform nang live."

Tumango ako.

"So, that means... hindi mo pa nakikita kung gaano ka-tindi ang fan girls nila," aniya. "Kung alam mo lang! Different breed sila! May spider, kangaroo at giraffe pa!"

Napatawa ako. I find it hilarious. But somehow, medyo na-gets ko naman ang sinabi niya. Ibig sabihin siguro'y mayroong magaling gumapang, tumalon at dumungaw. I've been in this kind of events before at hindi na rin lingid sa kaalaman ko ang iba't ibang klase ng mga tao sa t'wing may ganap.

"Alright, fine. Baka nga maunahan pa tayo," I replied.

Lumiwanag ang ekspresyon sa mukha ni Chantal. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. She's wearing a pink lace dress, matched with her pink ankle strap low heels shoes. Bagay na bagay ang suot niya sa personality niyang madaldal. Kikay na kikay.

Chantal was too excited. Kaya naman noong lumabas kami ng kwarto, halos hindi na ako nakapag-paalam nang ayos kay Mama. Kumaway na lang ako sa kanya. Thank God she saw it. Si Papa naman—as usual—wala na naman sa bahay dahil busy sa pag-aayos ng kompanya namin sa Manila. Sabi niya, kung uuwi pa siya rito sa La Verde ay malaking oras lang ang masasayang.

Naiintindihan ko naman. Pero hindi ba pwedeng ipagpaliban muna ang trabaho kahit isang araw lang? La Verde is celebrating its fiesta tapos wala siya sa bahay. Lagi na lang.

"I'm gonna pick you later na lang po, Ma'am. Enjoy po kayo tonight!" sabi ni Kuya Ricardo.

"Kayo rin po, Kuya!" I replied. Kumaway ako sa kanya hanggang sa tuluyan nang mawala ang sasakyan sa paningin ko.

Hindi pa man ako nakakabwelo, agad na akong hinila ni Chantal patungo sa kumpol ng mga tao. I didn't expect this place would be crowded this early. Alas singko pa lang kasi samantalang alas siete ang simula ng event.

A banner caught my attention.

"Go The Revolution! We love you! Ps. Ako ang legal wife ni Atreus."

Sinasabayan nila ang pagwawagayway ng banner ng pagsigaw. They're chanting their names na kung minsan ay may pagsingit pa ng 'baby ko', 'asawa ko', at kung ano-ano pang nicknames para kila Atreus.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon