27

6.9K 292 293
                                    

"I'll take her home."

Hindi ko alam kung tama pa ba ang naririnig ko dahil hilong-hilo na rin ako dahil sa alak. Hanggang sa naramdaman kong may umakay sa'kin patayo. I let my body fall on him. My whole body feels so weak—I can't even walk properly.

And just when I was about to step forward, biglang umangat ang paa ko sa sahig. Mas lalong umikot ang paningin ko nang buhatin niya ako nang pa-bridal style.

But his scent made me feel relaxed.

I clung my arms around his neck, pressing my cheek against his chest. I love this... I can really feel him near me. Naririnig ko rin ang malakas na tibok ng puso niya sa kanyang dibdib. I can't help but smile.

I still have that effect on him, huh?

"Sabi ko sa'yo wag ka na mag-lasing, 'di ba?" he said. His voice made his chest vibrate. Mas lalo akong napangiti nang maramdaman iyon sa pisngi. Mas lalo akong naglambitin sa kanya.

"Hmm..."

"Kainuman mo pa si Chandler. Hindi naman natin alam kung bumait na ba talaga 'yon," pagpapatuloy niya.

I giggled upon hearing him. He sounds like a kid ranting about his stolen candy. My rational thoughts are already gone because of the beer and all I want to do now is kiss him.

Kiss him until we both drop, gasping for air.

Agad na naputol ang iniisip ko nang maramdamang inilapag niya ako sa isang malambot na upuan. Parang bumabaliktad ang tyan ko dahil sa biglaang pagbabago ng posisyon. I gagged but I tried my best not to vomit inside his car.

"Shit... Huwag kang susuka, please," I heard him uttered. Hindi ko na alam kung anong ginagawa niya dahil wala na siya sa tabi ko. Medyo nawawala na rin ang amoy niya dahil nalayo sa akin.

Gusto ko magtampo. Parang ang sarap magdabog dito sa likod ng sasakyan niya but I can't move my hands and feet. Namimigat iyon. Hindi ko alam kung bakit.

Hanggang sa maramdaman kong may inilagay siya sa bandang leeg ko. Sinubukan kong magmulat ng mata at napansin ko ang isang plastic. Mukha ba akong basurahan?

"D'yan ka sumuka kapag nasusuka ka. Parang awa mo na, Shaz. Huwag mong susukahan ang sasakyan ko," aniya sa harapan.

Tanging tawa lang ang isinagot ko. My head feels dizzy but I still want to annoy him. Umandar ang sasakyan. Unti-unti kong inangat ang sarili upang mapaupo. He even extended his hand to guide me even though his other hand was busy with the steering wheel. Muli akong napatawa.

The car is making me laugh! Tumatalbog-talbog ako sa kinauupuan. Parang bola lang. Kaunti na lang pwede na ako i-shoot sa ring. Idagdag pa ang itsura ni Atreus na medyo nakakunot ang noo. Mukha siyang coach ng mga basketball teams.

Umakto akong nasusuka para asarin siya. Bumibigat na ang talukap ng mata ko kaya hindi ko makita ang reaksyon niya ngunit narinig ko ang mahihina niyang mura. I bursted out in laughter. Napasandal ako sa backrest ng upuan habang hindi mapigilan ang tawa.

My hair is all over my face but I don't have the proper strength to fix it. Hindi ko na rin alam ang itsura ko ngayon. Basta gusto kong tumawa.

Atreus is so funny without even trying. God knows how much I love his humor, his eyes, his lips, his cheeks, his dimples, the way he treats me... everything. I love everything about him. I love him.

Then and now.

"Shaz, matulog ka na lang. Lay down. Dadahan-dahanin ko ang pagdadrive para makatulog ka," narinig kong sabi niya.

My body automatically obeyed. Kusa akong humiga at hindi na nanlaban sa matang malapit na pumikit. Ngunit kahit pa noong unti-unti na akong nilalamon ng antok, hindi napuknat ang ngiti sa labi ko.

Endless SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon