"Ayos ka na ba dito? We can switch rooms kung mas komportable ka sa kabila."
Tipid akong ngumiti saka umiling kay Kuya Shawn. "Ayos na ako rito."
"Alright. I'll prepare for dinner. Tatawagin na lang kita," aniya saka isinara ang pinto.
Naiwan ako sa malamig na kwarto. I roamed my eyes around to examine the whole room. The walls are grey but some of the things inside the room are pink. Mukhang inayos na ni Kuya Shawn bago pa man siya umuwi sa Pilipinas para sunduin ako.
Napalingon ako sa bintana na nasa likod ng grey na kurtina. It's a sliding window. Lumapit ako roon para pagmasdan ang madilim na paligid sa labas.
We're finally here at California. Gabi na kami dumating kaya hindi ko masyadong maappreciate ang ganda ng paligid. Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita ang ilaw ng mga buildings sa kalayuan. Nakakapanibago lalo na't hindi naman ganito sa La Verde.
Hindi na sumama si Mama rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ayos ang kaso ni Papa. Mama wants to make sure Roberto Salceda will be in jail. Gustuhin ko mang nandoon ako kapag nakulong ang lalaking 'yon, hindi rin naman papayag si Mama dahil gusto niyang masiguro na ligtas kami ni Kuya Shawn.
Panay din ang send sa'kin ni Chantal ng mga litrato at video ni Atreus. Lalo na noong araw ng competition nila. Nangako pa man din ako sa sarili ko na gusto ko silang mapanood nang personal.
Pero hindi ko nagawa.
I miss Atreus so much. Gusto ko siyang tawagan o kausapin pero hindi ko rin magawa. Mas okay kung hindi nila alam kung nasaan ako o kung bakit ako umalis.
Huminga ako nang malalim. The cold wind brushed on my skin. Tumatayo ang balahibo ko dahil sa lamig. Matapos ang ilang minuto, isinara ko na rin ang bintana. Bumalik ako sa kama at humiga.
Ngayong nandito na ako, hindi ko na alam ang gagawin. It's really happening... I'm miles away from him. Mas lalong mahirap tumakbo papunta sa kanya kapag hindi ko na kaya. Mas lalong lumaki ang distansya na inilagay ko sa pagitan namin.
"Z? Kain na tayo."
I took a deep breath before I went outside my room. Hindi naman gaanong malaki ang apartment ni Kuya Shawn dito. Mayroong dalawang palapag. Sa second floor ang dalawang kwarto at sa first floor naman ang bathroom, living room, dining area at kitchen.
Umupo ako sa may dining table na pang-apat na katao. Nakahanda na ang niluto niyang sinigang. Mas lalo ko tuloy namimiss ang Pilipinas.
"May pasok ako bukas. Gusto mo bang sumama?" tanong niya nang makaupo sa tabi ko.
"Pwede?" I glanced at him while scooping a cup of rice.
"Oo naman. I can't bring you inside the classroom pero mayroon namang tambayan sa loob ng University. You can stay there. Forty-five minutes lang ang first subject ko," he replied.
"Ilan ang subject mo bukas?" Nilagyan ko ng sabaw ang kanin saka sumubo.
"Tatlo lang. Hindi naman magkakasunod-sunod," he answered.
I nodded. "Sige. Sasama ako."
"Alright."
Mas mabuti na rin sigurong sumama kaysa maburo ako rito sa loob ng apartment. Ayokong matapos ang buhay ko sa kung ano man ang huling nangyari sa Pilipinas. Mag-iisip lang ako nang kung ano-ano kapag naiwan akong mag-isa rito. Sigurado akong hindi rin matutuwa si Papa. I have to explore while I'm here.
Matapos kumain, naghanda na rin ako para sa pagsama kay Kuya. I'm still not sure if I'm ready to meet new people. Bahala na siguro kung anong mangyari mamaya.
BINABASA MO ANG
Endless Summer
RomanceNew environment means new people to be with. Kaya hindi mapigilan ni Shaz na kabahan nang lumipat sila ng bahay sa La Verde. As a girl who grew up in Manila, it wasn't easy at first. Mabuti na lang at approachable ang mga naging kaklase niya. She me...