Chapter IX

4.5K 1K 98
                                    

Chapter IX: Fulfilling One's Promise (Part 3)

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Pinanood ni Finn ang paglipad nina Kiden, Noah, Vella at Red sa himpapawid. Pinagmasdan niya ang mabilis na paglayo ng mga ito, at hindi kalaunan ay tuluyan niya nang hindi makita ang pigura ng mga ito sa himpapawid. Nang mawala na sa kanyang paningin ang apat, napalitan ang kanyang masayang ekspresyon ng taimtim na ekspresyon. Naalala niya ang naging usapan nila, at hindi niya mapigilang malungkot dahil hindi niya nahatiran ng magandang balita sina Kiden tungkol kay Ashe.

Makaraan ang ilang segundo, napabuntong-hininga na lang siya. Inilibot niya ang kanyang tingin sa kanyang paligid, at muli naging maaliwalas ang kanyang ekspresyon nang makita nita niya ang magarbo at nakapagandang hardin na nasa harapan ng kanyang mansyon.

Halatang alagang-alaga ang mga halaman dahil sa matitingkad at buhay na buhay nilang kulay. Nagkalat ang halaman ng pulang rosas, at sa kabuoan, ang mga halaman na nakatanim sa hardin ay hindi lang pangkaraniwang mga halaman, bagkus mga halaman na maituturing na herbal na magagamit sa alchemy at iba pang uri ng propesyon.

“Talagang nagsikap pa sila para lang sa akin. Hindi ko rin naman masyadong mapakikinabangan ang mansyon na ito dahil madalas akong wala rito, ganoon man... mas maganda siguro kung ipagpasalamat ko na lang ang paglalaan nila ng panahon nila sa akin,” sabi ni Finn at matamis siyang ngumiti.

Dahan-dahang umangat ang kanyang paa, bumaling siya sa direksyon kung nasaan ang bahay ng kanyang mga magulang, at walang pag-aalinlangan na lumipad. Marahil naghihintay na sa kanya sina Creed. Pinangakuan niya ang mga ito na ilalabas niya sila sa Myriad World Mirror upang makapagpasalamat silang lahat kay Auberon.

Isa pa, gusto niya na ring lumabas sa kanyang mundo para makausap muli si Auberon. Tinupad niya ang pangako niya, at gusto niya iyong ipagmalaki rito.

Makaraan ang ilang minuto, matapos makarating at makapasok sa bahay nina Creed at Olivia, nagtipon-tipon silang anim sa salas. Kaharap ni Finn sina Creed, Olivia, Altair, Yuros at Meiyin, at sa kasalukuyan, nag-uusap-usap sila tungkol sa binabalak nilang paglabas sa Myriad World Mirror at pakikipag-usap kay Auberon.

“Huwag kang mag-alala, Finn. Ligtas na ligtas ang aming teritoryo. Imposibleng magkaroon ng pagsalakay sa mismong kastilyo ni Pinunong Auberon kaya hindi mo kailangang mag-alala para sa kaligtasan nina Ina,” kumpyansang lahad ni Yuros.

Nasabi niya ito matapos mag-alala ni Finn sa kaligtasan nina Creed, Olivia at Meiyin sa oras na lumabas sila ng Myriad World Mirror. Si Creed ay nasa Heavenly Lord Rank pa lamang habang sina Olivia at Meiyin ay parehong nasa Heavenly Knight Rank. Masyado pa silang mahina, at kung sakaling magkaroon ng kaguluhan, malalagay sa peligro ang buhay nila kung sakaling may umatakeng malakas na adventurer sa kanilang tatlo.

“Tama si Yuros, imposibleng magkaroon ng panganib sa aming teritoryo. Bantay-sarado ng mga Light Guard ang kastilyo at kalapit na teritoryo ng Order of the Holy Light, at walang makalalampas sa depensa ng mga Light Guard dahil karamihan sa kanila ay nasa Supreme Rank habang ang ilan ay nasa Heavenly Supreme Rank,” pagsisigurado ni Altair. “Isa pa, narito kami ni Yuros, hindi namin kayo pababayaan anoman ang mangyari.”

Napanatag si Finn dahil sa mga pahayag nina Yuros at Altair. Nakahinga siya ng maluwag, at muli siyang ngumiti sa mga ito, “Kung gano'n, wala na pala akong dapat ikabahala pa.” Sinulyapan niya sina Creed, Olivia at Meiyin at nagpatuloy sa pagsasalita, “Ama, ang tanging dapat n'yo na lang malaman ay sa oras na makalabas kayo ng aking mundo, maninibago kayo dahil ang grabidad sa labas ay higit na mas mabigat kaysa sa grabidad dito. Nagmula kayo sa lower realm kaya ituturing kayong banyaga ng Holy Light Realm kaya mararamdaman n'yo ang bigat ng grabidad sa oras na lumabas tayo.”

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Where stories live. Discover now