Chapter XXIII

4.6K 1K 102
                                    

Chapter XXIII: Request

Maliban kay Migassa at sa magkakapatid na mersnake na kasalukuyan pa rin nasa harap ng pasukan ng Tower of Ascension, sina Eon, Poll at Finn na lang ang tanging naiwan sa lugar na iyon. Bawat isang mga hindi nabigyan ng tungkulin ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa bago pa sila ipatawag ni Finn. Tungkol sa mga nabigyan ng tungkulin, sinimulan na nilang pag-aralan ang kanilang bagong responsibilidad kasama ang kani-kanilang makakasama.

“Eon, dapat ay tinitipon mo na rin ang iyong makakasama sa iyong bagong responsibilidad. Pag-usapan n'yo na ang inyong magiging diskarte para panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa ating teritoryo. Ikaw ang namumuno kaya ikaw na ang bahalang maghati-hati sa iyong mga kasama kung ano ang kanilang magiging trabaho,” sabi ni Finn.

Tutugon na sana si Eon, pero nakaramdam siya ng pag-aalinlangan. Huminga siya ng malalim at pilit na nagsalita, “Masusunod, Master... Pero, ikaw, Master? Lalabas ka na ba ng mundong ito para magsanay?”

Ngumiti si Finn at bahagyang tumango. “Oo. Gustuhin ko man, hindi ko na kayo maisasama sa labas. Makikiusap lang din ako kay Auberon na isali ako sa kanilang pagsasanay, at sa tingin ko, mas makabubuti kung dito na lang kayo magsanay para may makatulong din ako sa pangangalaga sa ating puwersa. Kayong dalawa ang pinagkakatiwalaan ko habang wala ako rito, at alam kong hindi ninyo ako bibiguin.”

“Isa pa, nakapagsanay na rin naman kayo sa labas. Sumabak na tayo sa matinding pakikipagsapalaran kaya sa tingin ko ay sapat na muna iyon. Tungkol sa akin, kailangan ko pa ng mas malawak na kaalaman at karanasan para maituro ko sa inyo para sa hinaharap,” paglalahad niya.

Tumango si Eon at Poll. Hindi sila tumutol. Sumang-ayon silang dalawa sa plano ni Finn.

“Naiintindihan ko, Guro.”

“Malinaw na malinaw, Master.”

Tumango't ngumiti si Finn dahil sa tugon ng dalawa. Bumaling siya kay Poll at sinabing, “Ikaw na ang bahalang magpaabot kina ama na wala na ako sa Myriad World Mirror. Hindi na ako makapagpapaalam sa kanila kaya sabihin mo na lang sa kanila na sasama ako kina Yuros at Tiyo Altair sa pagsasanay.”

“Ako na ang bahala, Guro,” tugon ni Poll.

Nakahinga ng maluwag si Finn. Iniwan niya na sa mga karapat-dapat na miyembro ang mahahalagang tungkulin. Wala na siyang aalalahanin sa New Order dahil naniniwala siyang nasa mabuting kamay na ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang puwersa.

Kinontrol ni Finn ang Myriad World Mirror. Lumutang ito sa kanyang harapan, at agad itong lumapat at lumaki na kasing-laki ng pintuan.

“Lalabas na ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na mawawala, pero isa lang ang sigurado ko, kapag balik ko rito ay siguradong mas marami na ang miyembro ng New Order,” sabi ni Finn. “Pagbalik ko, kailangan ko namang ilipat ng lugar ang mga hindi miyembro ng New Order sa ibang lugar o mundo. Hihingi ako ng gabay kay Auberon para maisakatuparan ang balak kong ito.”

Tumango-tango ang dalawa. Alam na nila ang tungkol sa plano ni Finn para sa mga dating mamamayan ng Ancestral Continent. Kailangan silang mailipat ng lugar dahil hindi pupuwedeng manatili sila ng habang-buhay sa loob ng Myriad World Mirror. Inaalala niya lang ang kapakanan ng mga ito dahil malinaw sa kanya na marami pa rin ang pangkaraniwang mamamayan na walang planong magpalakas o magsanay bilang adventurer.

“Huwag n'yong gagamitin ang posisyon n'yo para magpahirap sa iba, maliwanag? Maging patas kayo, at lagi ninyong ituring ang bawat isa nang pantay-pantay. Huwag ninyong aabusuhin ang tiwala ko, maliwanag ba?” Seryosong sabi ni Finn habang pinagmamasdan niya ang dalawang binatilyo.

“Hinding-hindi ko gagawin iyon, Master,” mapagmalaking sabi ni Eon.

Naghihinala siyang pinagmasdan ni Poll. Napansin niya iyon kaya nakaramdam siya ng inis.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon