Chapter XXXIV

4.1K 910 54
                                    

Chapter XXXIV: Sparring with the Light Guards (Part 2)

Kasunod ng pagkatalo ni Whang, kumilos kaagad si Bien. Napalibutan ng payapang ginintuang liwanag ang kanyang katawan. Nagtataglay rin siya ng kapangyarihan ng liwanag kagaya ng ibang fairy. Pagkatapos paganahin ang kanyang kapangyarihan, bahagya siyang lumuhod sa lupa gamit ang isang tuhod. Inilapit niya ang kanyang dalawang palad sa katawan ni Whang, at mayroong namuong enerhiya sa kanyang mga palad na dahan-dahang dumadaloy patungo sa katawan nito. Dahil sa kapangyarihan ni Bien, ang mga sugat, pasa, at galos sa katawan ni Whang ay unti-unting naghilom.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagkakaroon na ng senyales na magkakamalay na si Whang. Hindi pa siya lubusang magaling, pero dahil sa kapangyarihan ni Bien, nagising siya at nagkaroon ng kaunting lakas.

Nang makita ni Bien na nagkamalay na si Whang, binawi niya na ang kanyang kapangyarihan. Umayos siya ng tayo, at inilahad niya ang kanyang kamay kay Whang upang tulungan ito na makatayo.

Tiningnan ni Whang ang nakalahad na kamay ni Bien. Tahimik pa rin siya, at halata sa ekspresyon niya na dismayado siya sa naging resulta ng laban. Ganoon man, tanggap niya ang kanyang pagkatalo. Na-dismaya lang siya dahil hindi niya man lang napagamit si Bien ng sandata o kapangyarihan.

Tinanggap ni Whang ang tulong ni Bien. Hinawakan niya ang kamay nito at dahan-dahan siyang tumayo. Pagkatayo niya, hindi na siya nagsalita at nagtungo na lang siya sa bakanteng espasyo habang hinihintay na bumalik sa isang daang porsyento ang kanyang kalagayan.

Umalis na rin si Bien at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang mga kasama. Nagtamo rin siya ng mga pinsala dahil sa mga atake ni Whang. Hindi rin biro ang mga sugat sa kanyang katawan, at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya pa rin ang lakas ng mga atake nito.

Tungkol kina Finn, hindi nila minaliit si Whang dahil sa pagkatalo nito. Nauunawaan nila kung bakit natalo ito kahit na hindi gumamit si Bien ng kapangyarihan o sandata habang ito ay nakikipaglaban. Higit na mas mataas ang antas ni Bien kaysa kay Whang. Hindi rin sapat ang malakas at matibay na pangangatawan ni Whang dahil nalilimitahan ng mga Heavy Hoop ang kanyang totoong lakas at bilis. Kung wala ang mga Heavy Hoop, malaki ang pag-asa niyang manalo kay Bien kung ito ay hindi pa rin gagamit ng kapangyarihan.

“Altair, ikaw na ang sunod. Magdesisyon ka na kung sino ang gusto mong makatapat,” sabi ni Aemir na naging dahilan para bumalik sa reyalidad ang mga malalim na nag-iisip.

Bumaling si Altair kay Aemir bago siya tumingin sa limang Light Guard. Maaari siyang pumili kina Viro, Ox, Ivee, at Anda. Hindi niya na maaaring piliin si Bien dahil katuwang na ito ni Whang sa pagsasanay. Ngayon, pinag-isipan niyang mabuti kung sino ang nais niyang labanan.

Ang kanyang tingin ay nakatuon kina Viro at Ox. Pinagpipilian niya ang dalawang ito, pero nakuha ni Anda ang kanyang atensyon. Nakatingin ito sa kanya, at hindi lang basta-basta ang tingin nito dahil para bang nanghahamon ito sa tingin pa lamang.

Umismid si Altair dahil sa tingin ni Anda. Madali siyang madala sa tuwing may nanghahamon sa kanya sa isang laban, kagaya na lang ng panghahamon sa kanya ni Whang kanina kung saan pumayag kaagad siya.

At dahil sa mapanghamon na tingin ni Anda, nakapagdesisyon na siya kung sino ang gusto niyang labanan.

“Pinipili ko si Anda. Sa tingin ko ay matututo ako ng ilang mga bagay sa kanya,” nakangiting tugon ni Altair kay Aemir ngunit ang kanyang tingin ay nakatuon pa rin kay Anda.

Nang masabi na ni Altair ang kanyang desisyon kay Aemir, bigla na lang humalakhak si Anda at tumalon ng malakas. Bumagsak siya sa pinakagitna, at nakatingin siya kay Altair habang hinihintay ito na makalapit sa kanya.

Hindi na rin nagdalawang isip si Altair. Tumalon siya ng mataas, at bumagsak ang kanyang mga paa hindi kalayuan kay Anda. Masyadong naging malakas ang kanyang pagbagsak kaya nagkaroon ng mga bitak ang lupa na kayang tinatapakan. Umayos siya ng tayo at hinarap niya ang babaeng fairy.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Where stories live. Discover now