Chapter XXII

4.7K 1K 110
                                    

Chapter XXII: Relocation and Dividing Responsibilities

Kasalukuyang sinusuri ni Yopoper ang mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng lamesa sa kanyang opisina. Ang mga ito ay pinaghalong tala at ulat tungkol sa mga imprastraktura itinatayo sa teritoryo ng New Order. Naririto rin ang mga ulat tungkol sa mahahalagang nangyayari sa kanilang puwersa, at kung mayroon mang problema, kailangan niyang masolusyunan ang problemang iyon. Siya ang pansamantalang gumagawa ng trabahong ito dahil siya ang naatasan ni Finn dito habang hindi pa nabibigyan ng mga posisyon at trabaho ang iba pang miyembro ng kanilang puwersa.

Hindi siya nagrereklamo kahit marami siyang trabaho. Basta nakakatulong siya sa kanilang panginoon, wala siyang pakialam kahit mahirap at marami ang kanyang ginagawang trabaho. Isa pa, nangako sa kanya si Finn na kapag maayos na ang lahat, mababawasan na ang kanyang trabaho at makakatutok na siya sa pagsasanay para maging malakas na soul puppet master.

Habang seryosong sinusuri ang mga papeles, nakarinig si Yopoper ng magkakasunod na katok mula sa pinto ng kanyang opisina. Nagpatuloy pa rin siya sa pagtingin sa mga datos na nasa hawak niyang papel. Masyadong mahalaga ang isang ito kaya hindi na siya nag-abala na tumayo sa kanyang kinauupuan para buksan ang pinto.

“Nagtatrabaho ako. Hindi ba't sinabi ko na sa kanila na kung mayroon silang kailangan o mahalagang sasabihin ay pumasok na lang sila at sabihin iyon sa akin?” Pabulong na sambit ni Yopoper habang patuloy pa rin sa pag-aaral sa mga datos.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina. Hindi pa rin inaalis ni Yopoper ang kanyang tingin sa papel. Nakarinig siya ng mga yapak ng paa, at naramdaman niyang huminto sa harapan ng kanyang lamesa ang pigura. Kilala niya na ito pagpasok pa lang nito sa kanyang opisina. Naramdaman niya ang presensya't aura nito, at dahil matagal niya na itong nakakasama, pamilyar na pamilyar na si Yopoper sa kanyang bisita.

“Ano iyon, Yagar? Mayroon na naman bang nangyari? Nakasira na naman ba ang ibang miyembro dahil sa kanilang isinasagawang pagsasanay?” Magkakasunod na tanong ni Yopoper nang hindi pa rin tumitingin kay Yagar. “Hindi ba't sinabi na ni Binibining Migassa na kung gusto nilang magsanay, lumayo sila para hindi sila makasira o makadamay ng iba?”

Nakarinig si Yopoper ng malakas na paghalakhak kaya napakunot ang kanyang noo at napabaling siya kay Yagar.

“Nitong mga nakaraang araw ay masyado nang nagiging mainitin ang iyong ulo. Isinubsob mo na masyado ang iyong sarili sa trabaho gayong hindi pa naman kailangan na matugunan ang lahat ng nasa papeles na iyan,” tugon ni Yagar habang umiiling-iling. “Dapat kang huminahon. Walang nangyayaring kaguluhan o ano. Nasa maayos ang lahat, at bawat isa ay nakikipagtulungan para sa ika-uunlad ng New Order.”

Huminga ng malalim si Yopoper. Ipinatong niya ang hawak niyang papeles sa kanyang mesa at seryosong tiningnan si Yagar.

”Kung gayon, ano iyon? Gusto kong matapos na agad ang lahat ng ito dahil siguradong ilang araw mula ngayon, kapag tuluyan nang natapos ang pagtatayo ng mga imprastraktura at pag-aayos sa mga miyembro ng New Order, marami ang dadagsa para sumali sa ating puwersa. Ibig sabihin, mas maraming trabaho,” seryosong sabi ni Yopoper.

Muling tumawa ng bahagya si Yagar. Ngumiti siya at tumugon, “Lider, naparito ako dahil ayon sa isa nating kasamahan, gusto tayong makausap ni Panginoomg Finn Doria kasama ang iba pang miyembro ng New Order. Mayroon siyang mahalagang i-a-anunsyo sa atin, at sinabi niya rin na babahagihin niya na mga trabaho at tungkulin ng ibang mga miyembro.”

Napatayo si Yopoper nang marinig niya ang sinabi ni Yagar. Bakas ang pagkabigla sa kanyang reaksyon at agad siyang nagsalita. “Nagpapatawag ng pagtitipon si Panginoong Finn Doria?! Bakit hindi mo agad sinabi?! Dalian natin, hindi kaaya-aya kung paghihintayin natin siya!” Aniya.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Where stories live. Discover now