Chapter LXVIII

3.9K 916 55
                                    

Chapter LXVIII: Meeting of Order of the Holy Light (Part 1)

Nang makarating si Finn sa mundong pag-aari ni Firuzeh na nasa loob din ng kanyang Myriad World Mirror, hindi si Firuzeh ang sumalubong sa kanya, bagkus, si Migassa ang kanyang nakita na nagpapagala-gala sa mundo ng alchemy. Binati niya lang si Migassa at dederetso na sana siya patungo sa Trial of Heavens sa mundo ng alchemy, subalit hindi siya nakatuloy dahil sa nalaman niya tungkol kay Firuzeh na sinabi sa kanya ni Migassa.

“Abala siya sa pag-eeksperimento? Kung gano'n, hindi ko pala siya makakausap sa ngayon,” pabulong na sambit ni Finn.

“Oo, wala pang tatlong araw mula nang simulan niya ang pag-eeksperimento. Matapos siyang magturo sa mga miyembro ng New Order, ipinagpatuloy niya na ang nauudlot niyang ginagawa. Masyado siyang maraming inaasikaso kaya madalas ay tinutulungan ko na siya sa paggabay sa mga miyembro na wala pang kaalaman tungkol sa divine realm at sa matataas na antas at ranggo. Nakikita ko ang pananabik at ginhawa sa kanyang mga mata, para bang hindi siya alchemy god noon kung umasta dahil sa wakas ay makakapag-eksperimento na siya,” paliwanag ni Migassa. Biglang may sumagi sa kanyang isipan. Ngumiti siya kay Finn at sinabing, “Gusto mo bang puntahan natin siya? Sinabi niya naman sa akin na kapag importante, magtungo lang sa tuktok ng kanyang tore. Maaari niyang ihinto ang kanyang ginagawa lalo na kapag importanteng bagay--”

“Hindi na kailangan,” putol ni Finn sa sinasabi ni Migassa. “Karapatan niyang gawin ang gusto niya matapos ang kanyang pagtulong sa mga miyembro ng New Order. Isa pa, hindi naman siya aalis dito kaya makakausap ko pa siya kapag nagbalik ako. Isa pa, kung masaya siya at nananabik, hindi maganda kung aabalahin ko muli siya. Masyado na siyang maraming nagawa para sa akin at sa New Order, karapat-dapat lang na mabigyan siya ng oras para makapag-eksperimento.”

“At wala pa naman si Munting Poll...”

Hindi naintindihan ni Migassa ang ibig sabihin ng huling mga salita na binigkas ni Finn. Hindi niya maisip kung ano ang kaugnayan ni Poll sa nangyayari, subalit hindi na rin siya nag-usisa pa. Nagpaalam sa kanya si Finn kaya nagpaalam na rin siya rito at kumaway. Nasaksihan niya ang mabilis na paglalaho ng pigura  nito, at noong tuluyan na itong nawala, hindi niya napigilan na magsalita.

“Halata sa mukha niya ang pagka dismaya. Halata namang gustong-gusto niyang kausapin si Firuzeh, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Bukod pa roon, sandali lang iyon, pero pansin ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata noong binanggit niya ang pangalan ng kanyang estudyante,” pabulong na sabi ni Migassa.

Umiling na lang siya dahil sa pagtatakang kanyang nararamdaman. Hindi nagtagal ay ngumiti siya nang malapad at sinabing, “Dapat ay nagtatrabaho na rin ako imbes na nagpapagala-gala. Wala naman akong gustong gawin sa ngayon bukod sa makatulong. Gusto ko sanang lumabas, pero hindi ko iyon magagawa kahit na pilitin ko. Isa pa, napag-iiwanan na ang aking mga alagad kailangan ko na silang pagsanayin. Karapat-dapat lamang silang makapagsanay upang mas maging malakas sila.”

Pagkatapos niya itong sabihin, lumipad na rin siya palayo sa mundo ng alchemy ni Firuzeh. Babalik na siya sa Tower of Ascension para sabihan ang mga magkakapatid na mersnake na kailangan na nilang magsanay muli.

--

Sa loob lamang ng ilang minuto, nakabalik na si Finn sa teritoryo ng New Order. Dumeretso siya sa opisina nina Yopoper. Pinakisuyuan niya sina Yopoper at Yagar na ipatawag sina Kiden, Vella, at Noah na agad na sinunod ng dalawa. Agad silang nagtalaga ng susundo sa tatlo, at habang naghihintay si Finn sa isang pribadong silid, iniisip niya pa rin ang tungkol sa kalagayan ni Poll.

“Ang Fruit of Life... Kailangan kong mahanap ang prutas na iyon para maibalik ang kalusugan ni Munting Poll. Iyon na lang ang natitirang paraan para maalis ang pinsala sa life force nina Munting Poll, Riyum, at Enox,” pabulong na sabi ni Finn habang tinitipa ang munting lamesa gamit ang kanyang mga daliri.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Where stories live. Discover now