Chapter LXIV

4K 954 58
                                    

Chapter LXIV: Message

Malinaw na narinig ni Yego at ng kanyang mga kasama ang sinabi ni Finn. Nasilayan nila ang napinsalang kasuotan nito, at pansin nila ang mga sugat, galos at pasa nito sa katawan. Interesado ang bawat isa sa kanila kung ano ang nangyari sa Ancient Phoenix Shrine, subalit wala sila sa posisyon para magtanong. Ang kaharap nila ay hindi hamak na mas mataas ang estado sa kanila, at labas na sila kung ano man ang ginawa nito sa Ancient Phoenix Shrine.

“Kakailanganin namin ng ilang sandali bago mabuksan ang lagusan. Mabilis lang ito kaya makikiusap sana ako na maghintay ka lang saglit,” magalang na sabi ni Yego.

Bahagyang tumango si Finn. Naghanap siya ng pinakamalapit na mauupuan, at humakbang siya patungo roon. Habang mabagal siyang naglalakad, tumugon na rin siya kay Yego.

“Walang problema. Uupo lang muna ako dito dahil kaya ko namang maghintay. Maraming salamat sa tulong n'yo,” sabi ni Finn at umupo na siya sa bato na kanyang nakita.

Magkakasunod na tumayo ang pitong holy knight. Binigyan nila ng may respetong tingin si Finn. Hanggang ngayon ay hindi nila mapigilan na humanga sa kababaang loob na tinataglay nito. Napaka mapagkumbaba nito sa kabila ng pagkakaroon nito ng mataas na posisyon at espesyal na kaugnayan kay Auberon.

Ilang miyembro na ng Order of the Holy Light ang kanilang nakasalamuha, holy knight, light guard o pangunahing miyembro man, at sa kanilang nakikita, walang makahihigit sa kababaang loob ni Finn.

Hindi na sila nagsayang pa ng oras. Nagkasundo silang pito na kumilos kaagad dahil ayaw nilang paghintayin pa si Finn kahit na kaunti. Gusto nilang gawin ng taos-puso ang sinabi ni Finn upang ipakita rito na masaya silang maglingkod sa kanilang espesyal at butihing panauhin.

Sinimulan na nila ang pagbubukas sa lagusan ng teleportation array patungo sa teritoryo ng Order of the Holy Light. Kailangan nito ng espesyal na mekanismo na tanging sila lang pito ang may paraan para mabuksan ang lagusan mula sa Ancient Phoenix Shrine. Sa pamamagitan nito, napipigilan ang kahit na sinong tagalabas na magamit ang teleportation array na ang destinasyon ay ang kastilyo ni Auberon.

Samantala, nanatiling naghintay si Finn. Hindi siya nag-abala na panoorin ang ginagawa nina Yego dahil simula pa lamang, alam niya nang kinakailangan ng espesyal na paraan ang teleportation array upang mabuksan ang lagusan nito. Alam niya rin kung paano gumawa at magbukas ng ganito. Isa siyang dalubhasang formation master kaya ang ganitong gawain ay simple lang para sa kanya.

Sandali lang ang kinailangan para matapos sina Yego sa kanilang ginagawa. Naramdaman ni Finn ang pagbubukas ng espasyo sa teleportation array kaya napatigin siya rito. Nakita niyang muli ang pagbubukas ng lagusan kaya tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at lumapit dito.

Tumabi ang mga holy knight at binigyan siya ng mga ito ng daan papalapit sa teleportation array. Humilera ang pito, at pinagmasdan nila ang bawat paghakbang ni Finn.

Lumapit pa si Finn sa lagusan. Huminto siya noong iilang pulgada na lang ang layo niya rito. Nalilipad ng malakas hangin ang kanyang buhok hababg ang kanyang ekspresyon ay nananatiling kalmado.

Hinarap niya ang pitong holy knight. Ngumiti siya sa mga ito at sinabing, “Bukod kay Yego, maaari ko bang malaman ang mga pangalan n'yo?”

Nabigla ang pito dahil sa tanong ni Finn. Hindi kaagad nakatugon ang ilan sa kanila, subalit mayroong naglakas-loob na magpahayag ng kanilang sagot.

“Xerk Nifum. Malugod akong paglingkuran ka, Ginoong Finn Doria,” seryosong sabi ni Xerk.

Ngumiti si Finn kay Xerk. Tumingin din siya sa iba pa dahil nagsimula na rin ang mga ito na magpakilala.

Legend of Divine God [Vol 11: Order of the Holy Light]Where stories live. Discover now