CHAPTER 12 Playground

1.6K 112 7
                                    

Masaya kaming bumalik sa room namin, magpapakain daw si mr. Seryoso aka Lawrence. Nga pala at 6pm later magkikita kami ng buang na iyon!

"May tinatago ka rin palang kabaitan, aira ano?" Muntikan na akong mabilaukan dahil sa sinabi ni airo.

"Actually, lahat naman yata."

"Kyahhh!!! Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala, nanalo tayo! Like what the—" hindi na naituloy ni ryl ang sasabihin niya ng sampalin siya ni akiho, napahawak si ryl sa pisnge niya habang nakatingin kay akiho ng masama. "Alam msbskabdkavvdkasbbaosbksjabsjdjqowjqn e kskwkdhhs," h-huh? Ano daw? Wala akong naintindihan.

Lumapit sa akin si hunter at may iniabot sa akin na something. "Ano ‘to? Hindi ko pa birthday, ah? Ano ito advance gift?"

"Just open it. Huwag na madaming tanong." Pagmamaldito niya at kinagat ang ibabang labi niya bago ako talikuran.

"Buksan mo na!!!" Excited na sabi ni akiho, pero tinago ko ito sa bag ko at isinakbit sa likod ko. Wala na akong tiwala. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako naniniwala..... paanong naging monsters sila? E mababait naman sila? Bakit madaming galit sa kanila? Porket ba bully? Ano bang nangyari? Pinapasakit lang nila brain ko.

"Sleep over, tom or later na?" Tanong ni Charles.

"Later nalang kaya?"

"Game ba kayo?" Tanong ukit ni Charles.

"Yes, of course!" Sabag sabay naming sagot.

"Kaninong bahay?" Bryan asked.

"Sa'min nalang!" Taas kamay na sabi ni akiho habang nakangiti, tumango tango kaming lahat. Maya maya pa ay dumating na ang mga pagkain. Saktong gutom na gutom na ako!

****

5:59

7:00 pm ang labas namin sa school, naalala ko magkikita nga pala kami ng buang. Lalabas na sana ako ng pigilan ako ni hunter.

"Saan ka pupunta?"

"Pake mo? Don't touch me nga, we're not close!" Pagmamaldita ko at umalis na.

"Okay!!! Sama ako—"

"Hindi!" Sigaw ko at tumakbo na palayo dala-dala ang bag ko.

"Mamaya, ha? Kita tayo! Sumbong kita kay ma'am cutting kang bata ka!" Dagdag pa ng kumag.

"Share mo lang!" Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin niya dahil nagmamadali na ako. Ano oras na oh, one minute nalang mag s-six na.

*PLAY GROUND*

Bakit wala pa siya? Uso na ba talaga ngayon na babae na ang pinaghihintay? Marahan akong humiga sa damuhan at tumingin sa kalangitan.

"Mom.... dad.... kuya..... miss na miss ko na kayo, don't worry, hindi ako papayag na ganun-ganun nalang iyon. I will revenge!" Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa mata.

Minsan parang ansaya ko naman, pero bakit ba kasi parang may kulang? Iyong revenge kaya iyon?

Huminga ako ng malalim at pinahiran ko ang mga luha ko sa mata. "Nasa kamay ko na siya mom, dad and kuys. Kunti nalang, matatapos na ang mission ko."

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon