CHAPTER 26 KWENTUHAN.

1.1K 93 23
                                    

Since bored kaming lahat, nagumpukan kami. Hindi naman ako sanay sa ganto dati pero kusa nalang gumagalaw ang katawan ko para makisali.

"Kwentuhan tayo, anong mga kalokohan pinag-gagawa niyo dati?" Panimula ni r-jay.

"Ako muna," taas kamay na sabi ni bryan, tumango-tango kaming lahat. "Back when I was seven years old. Pinapatulog ako ni mommy nun, huwag daw ako akong maglaro sa labas ng bahay kung hindi pa ako natutulog. So, ang ginawa ko, pumunta ako ng kwarto at humiga sa kama, kinusot-kusot ko ang mga mata ko para magmukha akong bagong gising at maya-maya ay lumabas kaso biglang-nakita ko nalang si mommy na may dalang hanger para paluin ako. I never forget talaga iyon, grabe iyak ko nun." Naranasan ko rin iyon, kaso kay ate.

"It's my turn," singit ni charles, "no'ng araw na iyon ay papasok na ako sa school, nawalan ako ng gas kaya nagcommute ako, habang nag-aabang ako ng masasakyan, napansin ko ang isang batang tinatawag ako ng 'kuya' then suddenly bigla niya akong dinilaan at pinagtitripan ng hindi alam ng nanay niya. No'ng mga araw na iyon gusto ko siya'ng kunin at gawing patatas pero hindi ko magawa dahil ando'n ang nanay, tss. Kakahighblood talaga-"

"And one time pa pala, binuhat ko ang anak ng tita ko, muntikan ko ng mabitawan tapos sinabihan pa naman akong 'kapag nahulog 'yan, palitan mo, ah?'" natawa kaming lahat. Hindi ko naman naranasan iyon.

"Sana hinulog mo tapos pinalitan mo ng isang dosena," singit ni cy.

"Gago, oks lang sa'kin pero kawawa naman iyong umiri-"

"Ay naawa ka pa? Hindi naman ikaw iyong umiri, kaya don't mind nalang-"

"Gago! HAHAHAHA!!" putol ni james sa sasabihin ni akiho.

"Ako naman-" hindi na natapos sa pagsasalita si akiho no'ng bigla nalang nagbell.

*Nagbell*

"Pa'no na iyan? Mukhang bukas nalang." Sabi ni jee.

"Epal na bell!" Padabug na tumayo si akiho at kinuha ang bag.

"HOYYYY MGA ULOL! DIRETSO MUNA SA BSMENT!" sigaw ni ryl. Kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Simula no'ng nagkaissue ako, wala na talagang lumalapit sa akin.

Habang pababa ako sa hagdan ay iniisip ko kung ano na naman ang susunod kung gagawin ng biglang may nakabangga ako.

"Oh? Aira?"

"Oo, ako nga? Why?"

"Owshi!" Niyakap niya ako. "Hoy, tara nga usap tayo!" Hinila niya ako papunta sa cr ng girls.

Pagkarating namin ay ngumiti siya sa akin, "ba't ang sama ng tingin mo sa'kin?" Gulat na tanong niya. Sus, hindi na nasanay.

"Alangan namang mag-beautiful eyes ako sa'yo, edi na inlove ka?"

"Gaga!" Hinampas niya ako sa balikat, hinampas ko rin siya pabalik, naghampasan kaming dalawa.

"Sama ka?" I asked her while smiling.

"Where?"

"magu-unboxing lang tayo ng puntod sa sementeryo." Napangiwi siya dahil sa sinabi ko.

"Kulang lang 'yan sa tulog. By the way, alis na ako baka hinahanap na ako nina tyn, may mga aasikasuhin pa kami-"

"Edi good!" I crossed my arms and leave.

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon