CHAPTER 27 SUNDAY.

1.1K 93 4
                                    

"WALA TAYONG PRENO!!" sigaw ni Bryan. Papunta kami ngayon sa beach mags-swimming. Nakasakay lang kami sa isang kotse, yes, nagkasya kaming lahat, mayayaman kasama ko pero ang mga kuripot. Dami-dami nilang kotse sa mansion nila pero nakikipagsisikan talaga sila dito sa kotse ni Bryan.

"AHHHHH!!!" sigawan namin habang magkahawak ang kamay.

"May aso! May aso! Iilag mo"

"Gagstok wala nga tayong preno!" Natatarantang sigaw ni Bryan.

"Papa!!!!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni akiho.

"Ateee!!!" Malakas naman na sigaw ko. Halos lumabas na iyong heart ko sa sobrang kaba ko, hindi ko pa nga napapatay iyong gusto kung patayin, ta's mamatay na ako? Aba, hindi puwede iyon. Dapat siya muna, bago ako.

"Just, calm down." nagpalit ng puwesto si hunter at bryan, napapikit nalang ako, kahit ako hindi ko alam gagawin ko, mamatay na kami!

Maya-maya pa ay wala akong naramdamang sumabog, maybe nasa langit na kami?....

"Open your eyes," pagmulat ko ng mata ko, nakita ko nalang si hunter na buhat-buhat ako. Ang bilis ng mga pangyayari.

"Awiee! Ayiee! Awie! Awie! Ayieee!!" Rinig kung tilian ng mga adik sa likod ni hunter.

"Bitawan mo nga ako!" Dahan-dahan niya akong ibinaba, "Sa'n ba tayo pupunta, ha?"

"Sa motel." Ngising tumingin sa akin si hunter, "just kidding. Andito na tayo, let's enjoy this sunday!" Napanganga ako ng makita ko ang tanawin. Hapon na pala?! As in hapon?! Ba't ang bilis naman yata ng oras?

Tumakbo ako habang nakataas ang dalawang kamay at humiga sa buhangin.

I love beach, I love water! Ackkk!!

Kung magkakajowa ako, gusto ko sa beach kami magdate, I love beach.

"Para kang nakawala sa mental d'yan-"

"Pake mo? I love water-"

"Pake ko din?" akiho said and back off. Kapal, ah? Sobrang kapal!

"Khairra!" Napalingon ulit ako sa isang epal na tumawag sa akin, si ryl.

"bakit? p'wet mo may rocket!"

"Edi huwag kang kumain!"

"Tss."

Sarap siguro sa feeling-

"Hey, let's eat!" Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil sa sobrang inis. Nakidagdag pa ang Lawrence na ito!

"Punyet-fine! Argh!" Irita akong tumayo.

"Kakain ka na nga lang, tatamad-tamad ka pa," biglang singit ni hunter.

Kastressed.

"Isa pa 'to! Argh!" Kamot ulo akong umalis, bahala sila, hindi ako kakain!

Umupo ako sa ibabang puno ng buko at kinuha ang cutter pagkatapos ay inukit ko ang pangalan ko sa puno ng buko.

"Khairra....." Sandali akong napahinto at lumingon, "ano na naman ba akiho? Lumayo nga ako do'n para-"

"I have something to tell you....."

"Ano na naman?!"

"Just listen, please?" I rolled my eyes at pinaupo siya sa tabi ko.

"What's wrong?"

"About sa amin ni blake-"

"Bakit?! kayo na?! Nice one! Congratulations! Kasalan na ba?"

"Gaga, hindi." Napatakip ako ng bunganga ko dahil sa narinig ko.

G-g-ga-gaga?! Yuck!

"Blake is my brother." Mas lalo pang lumaki ang buka ng bibig ko dahil sa narinig ko.

"What?! You told me that he is your cousin!"

"Yeah, sabi niya eh..... Hindi nila ako tanggap bilang kapatid, sila ni kuya hanzo, oum, yes, ampon ako, pero hindi ko kinakahiya iyon-"

"Pero why?"

"I don't know."

"Pero okay naman pakikitungo ni blake sa'yo, ah?"

"Sa school. Pero never niya akong kinakausap kapag nasa mansion kami nina mommy, he hates me. Tapos si kuya hanzo, medyo okay naman kami, may misunderstanding nga lang....."

"I will talk-"

"Huwag na, salamat nalang. Hayaan nalang mo nalang sila, wala akong magagawa eh, ampon lang kasi ako." Napayuko siya.

"You know, kiho, hindi sila patas sa'yo, mga kapatid mo sila, ang panget naman yata iyon? Oo, ampon ka, pero dapat hindi sila ganyan, baka may ikinaiinis sila sa'yo or pinagseselosan?"

"I don't know either....."

"Hm... Kung ganun, ako ng bahala."

"Anong balak mong gawin?"

"Mind your own business, basta ako ng bahala-"

"Mind your own business ka d'yan, e wala nga akong business!" Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya. Siraulo talaga 'to, kaya siguro ayaw sa kanya ng mga kuya niya dahil sa ugali niya, pasaway na bata.

"And I'm not baby anymore, magbabagong buhay na ako," tumayo siya at nagflipped ng hair kahit hindi naman mahaba buhok niya. "And, and, and, okay. The end, babushh!! Sunod ka nalang pag-ubos na 'yong pagkain, see yahh!!" Nakanganga ako habang pinapanood siyang nagrarampa palayo.

Balak yata maging bakla nun, tss.

Kakausapin ko si blake about this, wala siyang nabanggit sa akin tungkol dito. Akala ko talaga magpinsan sila, argh! Masyado kasi akong naging busy kaya hindi ako makapagconcentrate sa isang bagay, kakaasar naman.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na chinat si blake, wala pa ngang isang segundo ay nagreply na agad siya.

Owshii Minecraft, hoy bl!

Yes, babe?

Hotdog.

Do you want hotdog? Jumbo hotdog?

Ayaw ko ng hotdog na hotdog gusto ko iyong ano......

Umaatake na naman ang kalandian ko.

May hindi ka sinasabi sa akin?

Nothing. Why? May problema ka ba? Gusto mo kita tayo ngayon? Where are you?

No, wala. Nalaman ko na you, hanzo and akiho are siblings.

.....

Hindi na siya nagreply sa akin bukod sa tuldok, tuldok. Anong problema nun?

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon