"At sa'n ka nanggaling?!" Galit na sigaw sa akin ni akiho. Nagkukunwari pa ang kumag na ito, e nakita ko siya kanina habang nag-uusap kami ni brielle.
"Ano walang balak—"
"Just shut up! Ang daldal mo!"
"Aba't —"
"Sabing manahimik ka eh, gusto mo tagalogin ko talaga?! Huh!"
"Sabi ko nga, ito na tatahimik na—"
"Yaw-AHHH! ewan ko sa'yo!" Kamot ulo akong umalis ng biglang makasalubong ko si Lawrence.
"Gabi na ah—"
"Alam ko, kita ko naman, may mata ako." Pamimilosopo ko.
"Naku, aira, ikain mo nalang iyan, gutom lang—"
"Isa ka pa, eh!" Putol ko sa sasabihin ni jee. "Kung ikaw siguro napangasawa ko —"
"In your dreams." Putol ko ulit sa sasabihin niya, siniko siya ni airo at lahat sila nanahimik. Edi good.
Umupo ako sa buhangin at pinagmamasdan ang tubig. Gusto ko muna ng peace of mind.
"Hoy, ayusin mo iyong sarili mong tent!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni akiho. Nakita ko ang ibang adik na nakatingin na sa aming dalawa, "ano pang inaantay mo? Huwag tatamad-tamad, tamad ka pa naman!" Dagdag niya pa habang nakapamewang. Kitang-kita ko sa itsura ni airo na gusto niyang pigilan si akiho. "Ano na?! D'yan ka nalang habang buhay? Walang balak magtayo ng tent?!"
Tumayo ako at ngumiti ng nakakaloka, "kiho, nakakita ka na ba ng anghel?"
"Hindi pa." Sagot niya at nagcrossed arms.
"P’wes, ngayon, makikita mo na sila!!!" Sigaw ko at hinubad ang suot kung tsinelas at itinapon sa mukha niya.
"Bakit mo tinapon?!"
"Kasi tinapon ko." Akma niya na sana akong susugurin pero inunahan ko na siya, pinagsusuntok ko siya sa mukha at sinampal-sampal, bago sabunutan, wala siyang magawa dahil nakaipit ang kamay niya.
"Ahhh!!! Pag ako talaga nakaalis dito papatayin kita!"
"Kung makakalis ka." Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya bago tumayo at nagpagpag.
"Ouch! T-tulong...." Ang tanging nasabi niya bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Deserved. Kumag kasi eh, epal.
Lumapit ang mga adik sa kanya at binuhat siya palayo sa akin.
Em... Peace of mind, thank you lord. Umupo ako sa buhangin at kinuha ang sunglasses na bigla nalang sumulpot sa tabi ko, sinuot ko ito kahit wala akong makita, gabi na eh.
Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin, kung saan namang need ko ng peace of mind ang daming istorbo.
"Para ka talagang temang," sabi niya at mahinang tumawa, unti-unti akong tumingin. It's Lawrence. Tumingin siya sa akin habang nakangiti.
"Alam mo ba kung anong totoong pangalan ni hunter?" Tinaasan ko lang siya ng kilay, hindi ako interesado sa lalaking iyon, wala akong pake sa kanya, dzuh!
"Tss. I'm not interested."
Muli siyang ngumiti sa akin, "may is-share ako sa'yo, about sa past ko—"
"Can you please leave me alone muna? I need peace of mind."
"Fine.... But—"
"Argh!" Tinanggal ko ang sunglasses at inilapag sa buhangin. "Dami ko pang problema nakikisali ka pa."
"Oh... Sorry...." Nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha.
Aalis na sana siya ng nagsalita ako, "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko......" Tahimik lang siyang umupo ng maayos at tumingin sa langit.
"May gusto sa akin si blake pero wala akong nararamdaman para sakanya, si bri naman.... Argh! I like him, pero si Lucia gusto niya. Girl best friend niya lang ako.
"Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa tukmol na iyon, eh buang iyon eh. Kakaasar, hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit sa lahat ng lalaki na makikilala ko ba't siya pa nagustuhan ko?!" Magr-rant ako for today's evening. "Tapos ai blake nasaktan ko pa yata, Argh, I'm starting to hate myself."
"wala akong masyadong alam sa love, dahil kaming section 4 never pang nagmahal except kay jee na madaming chix, pero hindi niya sineseryoso."
"Eh? Liar."
"You do not believe? Gusto mo mahalin kita?" Ngumiti siya ng nakakaloko, pa'no napunta ang usapan namin do'n? Tss. "Can we pretend that airplanes in the night sky like shooting stars?" Kanta niya at muling tumingala. Napatingala ako sa langit at tinignan ang airplane na dumaan.
"Eyy!!" Umupo naman sa tabi ko si hunter, ngayon kitang-kita ko na talaga ang mga mata niya. Hindi siya nakasun-glasses.
"What if we rewrite the stars?" kanta naman ni hunter at tumingin sa akin.
Nagulat ako ng hawakan nilang dalawa ang kamay ko, hawak ni Lawrence ang kanan kung kamay at hawak naman ni hunter ang kaliwa kung kamay. Tinulungan nila akong makatayo at hinila papunta sa bonfire.
"Kiho, is awake!" Sigaw ni ryl at inabutan ng tubig si akiho.
"Ano bang nangyari?" Kamot ulong tanong niya.
"Nakabuntis ka, kiho...." Malungkot na sabi ni airo.
"Ano?!" Malakas na sigaw niya at tumayo.
"Nakabuntis ka ng aso....." sabi pa ni jee kaya napatingin sa kanya si akiho na nanlalaki ang ilong.
"What..... the.... hell!!" Gamit ang tsinelas ay binato ko ulit siya at sapol sa mukha. Ang ending, nakatulog ulit. Nagtawanan kaming lahat.
Kinuha ni Lawrence ang guitar niya at umupo sa tabi ko. Nasa kanan ko si hunter, kasunod niya si jee at james, airo at Charles. Nasa kanan ko naman si Lawrence, kasunod niya si cylexer, bryan, r-jay, ryl bago si akiho na nakahiga sa buhangin.

YOU ARE READING
THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)
Teen Fictionassassin's exist. si khairra ay sumulpot lang sa kung saang lugar, walang sinong nakakilala sa kanya, no one knows. kakaiba siyang babae, iba sa lahat. mahilig siya sa PATAYAN. to kill a person is her happiness. Papasok siya sa isang paaralan kung...