"Para kang baliw kanina—baliw na pala wala ng para kang—" isang malakas na sipa ang ibinigay ko kay hunter, kanina niya pa ako inaasar ang sarap katayin!
Pagkarating namin ay nagulat ako ng makita ko ang section 4 na nililigpit lahat ng mga gamit namin.
"What happened?"
"B’wisit sila! Sarap nilang patayin isa isa!" Rinig kung sabi ni ryl.
"Www.angsarapnilangpatayin.com" sabi naman ni kiho.
"Ano ba kasi iyong nangyari?"
"Hindi mo na kailangang malaman pa, ligpitin mo na ang mga gamit mo at tayo ay uuwi na," walang ganang sabi ni cylexer.
Hindi na ako nagtanong pa dahil halata naman sa mukha nila ang pagkaasar at galit, si hunter naman ay kinausap si Lawrence.
"Aira!" Tawag sa akin ni blake kaya lumapit ako, "uuwi kayo? Hindi pa nagsisimula ang programa, ah?"
"Kita mo naman siguro? And, yes, uuwi kami, pake naman sa program?"
"Ow.... Oh sige, ingat ka nalang hindi kita mababantayan busy ako—"
"Always." Tipid kung sagot. Simula no'ng binusted ko siya pakiramdam ko ay nilalayuan niya ako.
"Z!" Tawag naman sa akin ni bri.
"Oh?" Pagmamaldita ko.
"You think okay na itong suot ko para mamaya—"
"Tanong mo nalang sa iba." I said and back off. Kita ko pa sa mata niya ang pagkagulat, mas pipiliin ko muna ngayon ang section ko kumpara sa akin. Nararamdaman ko kasing kapag kasama ko sila ay safe ako kahit...... Argh? Bakit parang ayaw ko nalang ituloy ang plano ko? ang plano kung patayin siya?
***
Kinabukasan ay naabutan kami ng traffic sa edsa, nakaupo ako katabi ng driver seat, in short katabi ko si hunter na parang masaya pa sa traffic, habang ako ay sobrang naasar na.
Ang init."Zzammmu, bakit iyong edsa kaya kung tiisin pero ikaw hindi?" Biglang sabi ni hunter kaya napangiwi ako, habang ang mga adik sa likod ay todo tili na, di ba ang ikli ng kasiyahan nila? Tss.
"Ra," tawag naman sa akin ni jee kaya napatingin ako sa kanya, "tayong dalawa ay parang edsa, wala tayong pag-asa—"
"Buti alam mo." Putol ko sa sasabihin niya.
"Zzammmu, edsa ka ba—"
"Hindi. Mukha ba akong edsa? Tss."
"Just say, 'bakit?"
"Just say, 'bakit?"
"Please?"
"Fine." I rolled my eyes and crossed my arms.
"Edsa ka ba?" tanong niya ulit.
"Bakit?" Sagot ko naman.
"Cause if I'd lost you, I'd go EDSAne." Nagtilian ang mga adik sa sinabi ni hunter.
"Yieee!! Pag-ibig na ba this?" sabi naman ni airo.
"Edsa ka ba?" Tanong ulit ni hunter.
"Bakit?"
"Kasi bumabagal ang mundo ko kapag dumadaan ako sa'yo—"
"Edi, huwag kang dumaan, tss."
"Panira naman eh!" Sabi ni r-jay.
"Gusto mo sirain ko iyong buhay mo?"
"Sira na nga, sisirain mo pa?" he said. I just rolled my eyes at muling tumingin kay hunter.
"Hunt, edsa ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi nakakaubos ka ng pasensya."
"Ohhh!!!!"
"Lumalaban! Lumalaban!" sigawan nila.
"Bahala nga kayo, magj-jeep nalang ako—"
"No." Putol ni hunter.
"Ngayon lang eh—"
"It's not safe for you—"
"Kaya ko sarili ko—"
"Makinig ka nalang—"
"Ayaw ko nga, sino ka ba para sundin ko?"
"Khairra!" sigaw niya pero hindi ako nakinig at padabug lang na lumabas sa kotse dala dala ang bag. Tumawid ako para sumakay ng jeep, may daanan kasi na para lang sa jeep edi mas mabilis makakarating sa school. Pagkasakay ko ay may nakasabay akong babaeng halos kasing tangkad ko lang at mukhang wala sa sarili.
"Bayad po!" sigaw niya sabay abot ng bayad.
"Ilan dito sa bente?" tanong ni kuyang driver.
"Dapat dalawa po..... kaso iniwan na po niya ako, kaya isa nalang." Nakayukong sabi niya. Iniabot ko naman ang bayad ko habang nakatingin sa kanya.
Halatang broken, tss. Iyan, jowa pa.
"Sa'n ‘tong bente?" Tanong ulit ni kuyang driver sa kanya.
"Kahit po saan, nawalan na po ng direksyon ‘yong buhay ko no'ng iniwan niya ako." Napabuntong hininga nalang si kuyang driver habang ang katabi kong babae ay nagpipigil na ng tawa.
Makalipas ang ilang minuto ay may sumakay ulit at tumabi ito sa akin, ipinagsiksikan niya talaga ang sarili niya sa akin, ah?
"Sukli po?" Muling nagsalita ang babaeng broken hearted.
"Ano binigay?" Tanong ulit ni kuyang driver. Nakalimutan niya agad? Grabe.
"Binigay ko naman lahat—pero okay lang, sanay naman akong ‘di masuklian iyong mga binibigay ko."
"Bente po!" Sagot ko ng matino, wala sa sarili kasi itong kaharap ko, iniabot ni manong sa akin ang sampung piso kaya iniabot ko sa babaeng buang.
"Salamat, buti ka pa maganda—"
"Para kang lasing ampt. Ayusin mo nga sarili mo," sabi ng katabi kong kanina pa nagpipigil ng tawa. Napabuntong hininga nalang siya at bumaba ng jeep, nakaramdam ako ng pagka uhaw kaya bumaba rin ako.
Sinundan ko ang babae papunta sa tindahan. Pagkarating ko sa tindahan ay nabasa ko ang nakadikit sa pader.
"April fools day—"
"Aanhin pa natin ang april fools day? Kung araw-araw ka namang niloloko?" Putol niya sa sasabihin ko.
Adik na siya with matching buang.
"Hay naku teh, kulang lang iyan sa tulog—"
"Sana nga eh, kaso hindi. Hayst..... Alam mo ba ang pinaka mapait sa pag-ibig?" Tss, alam ko na ‘yan.
"Iyon ay ang Ampalayain ka...." Nagulat ako ng bigla nalang siya'ng umiyak kaya napatampal nalang ako sa noo ko.

BINABASA MO ANG
THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)
Teen Fictionassassin's exist. si khairra ay sumulpot lang sa kung saang lugar, walang sinong nakakilala sa kanya, no one knows. kakaiba siyang babae, iba sa lahat. mahilig siya sa PATAYAN. to kill a person is her happiness. Papasok siya sa isang paaralan kung...