CHAPTER 38 PROVINCE

1.4K 106 8
                                        

"Hay buhay parang life!" Sigaw ko at binitawan ang mga dala ko, kakagaling lang namin ng airport at nakarating na kami sa pupuntahan namin, sa Probinsya. Yes, ang bilis ng byahe dahil sumakay kami ng eroplano. From manila to iloilo.

May tinawagan lang si hunter at may bigla nalang dumating na dalawang kotse. Inalalayan akong sumakay ni hunter sa backseat katabi siya, katabi ng driver si Lawrence, ang nasa likod ko naman ay ai cy at akiho. Iyong iba ay nasa kabilang kotse na.

"To mrs. Lota," sabi ni hunter at tumango tango naman ang driver.

"Sleep ka muna...." Sabi ni hunter, isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya, amoy na amoy ko pa ang pabango niya. Sa totoo lang, mas bet ko iyong mga pabango ng lalake kaysa sa babae, sakto lang kasi ang amoy hindi matapang katulad sa pabango ng mga babae, pero iba iba naman ang mga pabango, may matapang, may sakto, may hindi, depends rin.

Ramdam ko nalang na inilagay niya sa tainga ko ang isang pares ng headset, hinayaan ko nalang siya tutal pagod ako sa byahe at sobrang antok pa.

****

P

agod na pagod akong bumaba sa kotse at nagcrossed arms, bumaba kami sa isang waiting shed.

"Omo! Namiss ko dito! ganda ng tanawin dito!!" Sigaw ni ryl.

"Ta's wahh!! Swimming!!!" Sigaw naman ni akiho, feeling hindi laging naliligo sa swimming do'n sa maynila, ah?

"Wear this." Iniabot sa akin ni hunter ang dalawang pares na buta na kulay black.

"Ano gagawin ko d'yan?"

"I said, wear this."

"Ayaw ko nga, magmukhang ewan pa ako d'yan."

"Just wear it." Naging seryoso nalang bigla ang boses niya.

"Suotin mo na kasi, baka mamaya mahulog ka pa sa iba," singit ni airo.

Wala akong magawa kundi ang suotin ang buta, nagpony tail ako at inayos ang suot kung oversized t shirt na itim at short na may strip sa dulo na kulay itim din, sinuot ko din ang sumbrero na inilagay ni hunter kanina sa ulo ko.

"Mukha ka nang black lady," natatawang sabi ni akiho.

"Atleast black lady lang, mahiya naman ako sa'yo—mukhang p’wet ng baboy!"

"Let's go na!!" Excited na excited na sigaw ni jee.

Bakit ba lahat sila excited? Lugar lang naman ang nagbago dito. Hindi maingay, In short tahimik at walang gaanong sasakyan ‘di tulad sa manila.

Nagsimula na kaming maglakad, halos lahat ng tao na nadadaanan namin ay bumabati sa aming lahat.

Napahinto ako ng makita ko ang palayan. "Shutaa, sure kayo? Kaya ba nagbuta dahil dadaan tayo d'yan sa palayan??"

"Tompak ka gurl!" Akiho said with matching palakpak.

Nagsimula na ulit akong maglakad hanggang sa makarating kami sa palayan, hindi naman gaanong maputik pero feeling ko may hihila sa akin dito sabay baba sa impyerno.

"IYOTTT!!" sigaw ni akiho ng bigla nalang siyang nadulas at nagpagulong-gulong sa palayan.

"Lagi ka nalang nadudulas kapag napunta tayo dito," sabi ni james.

Kusa siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin, "tusukin ko iyang mata mo, eh!"

"Hm!" Punong-puno ng putik ang buong katawan niya, hindi nalang ako tumitingin sa kanya dahil baka matawa pa ako at mag-away kaming dalawa. Huminto kami sa isang bahay at magpahinga, si akiho at cylexer naman ay hindi ko alam kung sa'n nagpunta.

"Malayo pa ba tayo?"

"No, malapit na tayo mga isang oras pa—"

"Ano?!" Putol ko sa sasabihin ni Lawrence.

What the?! One hour? Are you a seryoso?! Ghosh!

Peshhh

"Inom muna kayo!" May inilapag na tinapay at soft drinks si bryan. Kanya kanya kaming kumuha, pagkakuha ko ay napatingin ako sa palayan na malapit ng anihin, ang ganda palang tignan, halos ang nasa palibot namin ay palayan, tapos isa lang ang bahay.

"So are you happy now?" Bigla nalang sumulpot si akiho sa harap ko habang nakapamewang, "are you happy dahil nahulog ako?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at kumagat sa tinapay. Ni hindi nga ako natawa eh. "Www.airabahopuday.com" dagdag niya bago ako tinalikuran. Natawa ang lahat sa sinabi niya habang ako ay walang naintindihan sa sinabi niya maliban sa pangalan ko.

"Let's go na!!" Sigaw ni james.

Nagsimula na ulit kaming maglakad hanggang sa huminto ulit kami dahil may nakaharang na kalabaw sa dadaanan namin.

"Shu! Shu! Shu! Ito talaga, laging naharang sa dinadaanan namin!" Pagrereklamo ni akiho. Kinuha ni hunter ang tali na nakalagay sa damuhan at hinila palayo sa amin ang kalabaw. Muli kaming naglakad at napahinto ulit ng may dalawang baka na nakaharang sa dadaanan namin.

"Mah! Mah! Mah!!" Sigaw ni akiho kaya napatingin kami ang dalawang baka sa kanya.

"Hoy kiho! Huwag!" Sigaw ni ryl ng lumapit si akiho sa dalawang baka.

"My... my..... My Delilah!!" Kanta ni kiho at kinuha ang kahoy at ginawang mic. "I-Iyotttt!!" Sigaw niya ng bigla nalang siyang habulin ng isang baka.

"Mah! Mah! Mah! Kalma, ako lang ito, ang future mo—wahhh!!! Hoyyy!! Tulong!!!" Mangiyak ngiyak na sigaw niya.

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Where stories live. Discover now