CHAPTER 21 AKIHO PROBS

1.3K 94 6
                                    

Umiinom ako ng tea habang nakatingin sa mga picture na nakadikit sa pader. Kanina ko pa napapansin na sa bawat family picture nila ay wala si akiho, bakit kaya? hindi naman siya nakichimis ako pero bakit? Hindi ba kapatid ni hanzo si akiho? What if si akiho pala kapatid ko? Kasi, AKIHO, AKIHIRA, di ba?

"Ah...." Napatingin ako kay akiho na nakahawak sa ulo niya habang nakakunot ang noo. Ngayon ko lang narealized na ang guwapo papa ni akiho, kahit magulo ang buhok niya ay ang gwapo niya pa rin.

Iniabot ko sa kanya ang baso ng tubig, gulat naman siyang tumingin sa akin. "Bakit andito ka? Pa'no ka nakapasok?!"

"Kasi andito ako, malamang sa pintuan alangan namang sa tv ako dumaan, mukha ba akong si sadako?" Inilapag niya ang baso at nag-inat-inat ng kanyang katawan. Pinanood ko siyang nagp-push-uo sa harap ko.

"Aki, bakit sa lahat ng family pic niyo wala ka?" Napahinto siya sa pag p-push up at napahiga sa sahig.

"Hindi naman kasi ako belong sa pamilya nila. Always nalang kasing si kuya! Si kuya. Mas malaki kasi ang ambag ni kuya sa business than me. Iyong iba bunso iyong priority ng parents nila pero ako..... HAHAHAHA never nga akong chinoose. Sakit, ano?" nanibago tuloy ako sa kanya, hindi siya iyong akihong masayahin na kilala ko.

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Nag-usap kami ni kuya—teka nga, nasaan pala siya?"

"May kuya ka?!" Gulat na tanong ko sa kanya kahit alam ko naman.

"Meron, kakasabi ko lang di ba? Pero teka.... ang sakit ng ulo ko.... Pakiramdam ko may nakalimutan yata ako—"

"Ah, wala. Back to the topic," pag-iiba ko nang usapan.

"So ayon na nga at nalaman ko rin na si kuya at b—" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Alam mo akiho, kung pakiramdam mong hindi ka belong sa pamilya niyo, hayaan mo sila. Pera lang habol nila sa kuya mo, trust me, matutulungan kita. Hindi mo kailangang makipag kompetensya sa kuya mo, dahil pera lang iyon. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisi, pero for me.... Dapat sa una palang magsisi ka na, bago mahuli ang lahat. Bago ka gumawa ng desisyon, isipin mo muna ng mabuti ang kinalalabasan nito, huwag panay banat ng banat."

Nakanganga lang si akiho, "sa dami ng sinabi mo, wala akong naintindihan kahit isa." Natampal k nalang ang sarili kong noo.

"Ah basta, iyon na iyon. Sa akin lang naman, mag-aral ka ng mabuti para hindi ka mahirapan soon. And trust the process, pagsubok lang ang lahat ng iyan, always pray akiho, God is always be with you kung may pananampalataya ka." Ngumiti siya sa akin.

"Bakit kaya ang ibang mga magulang may favouritism ‘no? Kawawa naman kaming hindi chino-choose." Ang mom and dad namin ay pantay lang ang tingin sa amin ng mga kapatid ko, wala silang favouritism at kung meron man ay hindi na dapat pag-awayan, magsikap ka lang dahil balang ikaw rin ang magiging favourite nila, oo may favouritism sila pero hindi iyon big deal para magselos ka sa kapatid mo at mag-away kayo. Maliit na bagay pinag-aawayan niyo. Siyempre, masakit din naman ang loob ng hindi chinoose, kasi lagi nalang si ganto, si ganyan, pero hindi niyo kailangang mag-away at magkasiraan. Magkaisa kayong dalawa. Dapat pantay lang, huwag niyong sirain ang pagiging magkapatid niyo dahil mas favourite lang si ganto, si ganyan.

At sa mga magulang naman, be fair.

At sa mga nakakatanda nating kapatid, kay ate at kuya, alam kung may pagkakataon na naiinggit kayo at nagseselos sa kapatid niyo, dahil kapag kasalanan nung nakakabata ninyong kapatid lagi nilang ikaw ang may kasalanan, ikaw nalang lagi, ikaw ang sinisisi sa kasalanang hindi mo naman ginawa. But keep fighting, hayaan nalang natin sila at magpaubaya kayo. Hirap magpaliwanag pag ikaw ang bunso sa pamilya ah.....

Try again.

Take 2, kwari hindi ako bunso, kwari ate ako. Alam ko kasi kung anong pakiramdam maging ate, dahil nakikita ko kay ate.

Kapag ate ka, lagi nalang ikaw may mali, lagi nalang ikaw inuutusan, hindi pa nga tapos ang isa, may isa na naman. Hindi porket mas nakakatanda kami, kami nalang lagi, pa'no naman iyong bunso? Pa'no naman kami? Hindi kami utusan para utusan at sisihin sa mga kasalanang hindi naman namin ginawa. Being ate is so damn ang hirap, gusto mo ng sumuko pero hindi mo magawa dahil responsibilidad mo iyon bilang mas nakakatanda sa mga kapatid mo.

To all bunso naman, alam kung minsan naiinggit kayo sa mas nakakatanda niyong kapatid pero sana be fair din kayo, kasi mahiral maging ate, at alam kung mahirap din maging bunso, pero mas mahirap talagang maging magulang, kaya dapat be fair.

"Ah, oo. Rinig mo, rinig na rinig mo nga eh, hindi naman nasayang laway ko." Paninira ni akiho sa pag-iimagined ko.

"Back to the topic. Akiho, try to talk to your brother, walang masama kung susubukan. Malay mo nagkainggitan lang pala kayong dalawa, dapat honest kayo sa isa't-isa."

"May dumaan bang anghel?" Agad kong binatukan si akiho, nagpapayo lang naman ako pero—apaka-epal talaga ng kumag na ito!

"It's a loveshot!" Nagulat ako sa biglang pagkanta niya at sumayaw sayaw sa harapan ko. Bukod pala sa adik at buang ‘to, may lahi rin siyang saltik at nasisiraan na ng bait.

Ibalik ko na ba sa mental?

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon