CHAPTER 37 KAPE.

948 77 3
                                    

Hinimas himas ko siya sa likod at umupo kami pareho.

"Minsan totoo pa iyong joke kaysa sa promise—"

"True." Putol ko sa sasabihin niya.

"Kung sino pa ang dahilan ng saya mo, siya rin iyong dahilan ng matinding pag iyak mo," dagdag niya pa at suminghot singhot.

Tumayo siya at pinahiran ang mga luha niya. "Pabili po ng kape!" sabi niya sa tindera.

"Anong klaseng kape?"

"Iyong Decaf po, Decafagpapalit sa iba." Napangiwi ang tindera habang kinukuha ang bayad niya. "Tsaka, pabili po ng chichirya."

"Anong chichirya?"

"Iyong walang 'tear here' sa gilid. Nakakapagod na po kasing umiyak." Muling napangiwi ang tindera at napatingin sa akin.

Tumayo rin ako dahil parang gusto ko ring uminom ng kape. "Pabili nga rin po ng kape," sabi ko at kinuha ang pera ko sa wallet.

"3 in 1?"

Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit ang babaeng adik na buang, "Hindi po. Kailangan ko po iyong stick to one." Napatampal nalang ako sa sarili kong noo.

Grabe pala nangyayari sa'yo kapag broken ka ano? Nawawala ka sa sarili mo, buti nalang ako single.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa may 7/11, pagkaupo niya ay umupo rin ako sa tabi niya. "Kapag may pinagdadaanan ka, daanan mo lang huwag mong tambayan." Nagulat ako sa isang babaeng nagsalita sa likod ko, isang familiar na boses. Napalingon ako at nakita ko si ara na may dalang french fries, may favorite!! Umupo siya sa harap namin. "Kahit gaano pa kadami ang signs na dumating at matupad, kung hindi ka niya mahal, hindi ka niya mahal." Dagdag pa ni ara na ikinaiyak todo ng buang.

"Hindi ko naman kailangang ng taong pasasayahin ako ng sobra. Sapat na sa akin iyong hindi ako iiwan kahit na nakakaubos na ako ng pasensya." Sabi ng buang at kumuha ng french fries.

"Oh? Di ba sina hunter iyon?" Napalingon ako sa sinabi ni ara. Napatampal ko nalang ang noo ko dahil sila nga ang nakita ni ara, kapag minamalas ka nga naman, oh!

"Khai khai!" Tawag ni Lawrence sa akin, "we're going to province—"

"Ano?!" Putol ko sa sasabihin niya.

"Zandra??" Gulat na sabi ni charles.

"Oh? Charles? Hahaha, piste talaga! piste siya! Bwisit!"

"Nag break up kayo—"

"Kita mo naman siguro sa itsura niya, ano?" Putol ko sa sasabihin ni Charles.

Nagulat nalang ako ng bigla nila akong hilain palabas ng 7/11 kasama si zandra, naiwang nakanganga si ara with matching pa kaway-kaway pa.

"Ayaw ko sumama!" Pag-iinarte ni zandra. "Wala namang forever, love is blind! Love is hotdog! Mga manloloko talaga mga lalaki—" hindi niya na napatapos ang sasabihin niya ng sampalin siya ni akiho.

"Hoy gaga ka, manahimik ka nga, kakahiya ka."

"Pake mo bang gago ka? Ah!" Nakacrossed arms lang ako, inakbayan ako ni hunter at nilagyan ako ng sumbrero sa ulo.

"Pupunta nalang ako kina john carl, do'n nalang muna ako...." Sabi ni zandra at akmang aalis na pero hinawakan siya sa damit ni Charles.

"Alam mo, para kang illegal parking, tinatambayan mo ang hindi naman para sa'yo." Sabi naman ni hunter habang nakapoker face.

"Isa ka pa!" Sigaw ni zandra.

"Daan mo na tayo kina akiho," Lawrence said at pinagbuksan si zandra ng pintuan ng kotse. Pinagbuksan rin ako ni hunter bago siya umupo sa puwesto niya.

****

"Kiho, pakihanap nga ng tsinelas ko," utos ko kay akiho, bigla nalang kasing nawala.

"Hanapin mo—"

"Isa?"

"Oo na!" Padabug siyang yumuko at tumingin sa baba ng inuupuan ko.

"Wala naman dito eh!"

"hanapin mo kasi ng mabuti."

"wala nga!!"

"ang kulit mo, pag ayan nakita ko isasampal ko sa'yo, ah?"

"wala nga sabi!" Yumuko ako at tinignan ko.

"eh ano ‘to, sapatis?"

"eh—" */sinampal

"Gamitin mo kasi sa paghahanap ang mga mata mo hindi iyang bibig mo!" Dagdag ko pa at sinampal siya ulit.

"Wala nga talaga d'yan kanina!"

"Nag answering answering ka pa!" Padabug siyang tumayo at lumabas. Umalis kasi sina Charles, ewan ko kung sa'n sila pupunta, ang alam ko lang kasi ihahatid nila si zandra sa kung saang lugar, 2nd cousin daw ni Charles ang buang na babaeng iyon.

Lumabas ako ng mansion at tumayo sa gilid ng gate, "ra, samahan mo nga ako bumili," sabi ni cylexer. "Ghe." Walang ganang sagot ko.

"maglalakad kayo?" Gulat na tanong ni ryl.

"alangan namang gumapang kami?" Pamimilosopo ko at hinila na palayo si cy.

"Nakapunta ka na ba ng province?"

"Nope."

"Alam mo ba na ang lupa na iyon ay—"

"Share mo lang." Putol ko sasabihin niya.

"Finez always ka namang ganyan, btw, Khairra, huwag kang mahiya sa amin, mapagkakatiwalaan mo kami sa kahit anong problema mo sa buhay—"

"Hindi ko kailangan ng tulong niyo."

"Bakit ka ba ganyan?"

"Kasi ganto ako, may magagawa ka ba?"

"Wala."

"Oh? Tss. Just shut up, para kang pinakain ng vagina ng pig."

"Yuck, HAHAHA!"

"cylexer, feeling mo sino ang nagkalat ng tungkol sa sekreto ni aisha?"

"I don't know....." nag-iba ang reaksyon ng mukha niya. "Aira, pa'no kung malaman mong may gusto ako sa'yo?"

"Eh, ano naman?"

"Magugustuhan mo rin ba ako?"

"Hayst, ang init talaga sa earth!" Pag-iiba ko ng topic at naunang maglakad, bigla nalang kasi akong nakaramdam ng pagka-akward.

"Just kidding lang." Sabi ni cylexer at umakbay sa akin.









THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon