CHAPTER 13 basement

2.3K 127 7
                                        

AKIHO P. O. V

"So, you know her?" I asked hunter. We are here in our basement, sa baba lang ng building ng school namin.

"Masyadong nagiging close si blake kay aira, you think guys may something sa kanila?" Bryan asked.

"Maybe? btw, bakit nawawala si james at aira? Usapan natin magkita mamaya at my house di ba?"

"Yeah....." Charles.

"Panigurado, nasa sugalan na naman si james, tapos mapapa-away naman ang abno na ‘yon," I crossed my arms.

"Nakuha niyo na ba ang mga details ni aira sa dean office?" Lawrence asked habang nakaupo at naninigarilyo.

"Yup, but..... hindi lahat ng details niya, walang nakakilala kay aira bukod sa guard na panot do'n sa labas, what if tatay niya iyon?"

"Akiho, iyong imagination mo umabot ng mars," Ryl said.

"Sleep over. Dapat mamaya makakuha tayo ng details kay aira, lalasingin natin siya for information," cylexer.

Kukunin ko na sana ang sigarilyo na nakapatong sa table ng tinignan ako ng masama ni hunter, "don't you dare, akiho. Huwag mong susubukang manigarilyo, baka maadik ka katulad ng isa d'yan," natatawang sambit ni hunter.

Simula no'ng dumating si khairra, hindi na gaanong maldito si hunter, ewan ko kung bakit, e hindi naman silang close na dalawa.

"I hate woman, pero bakit pagdating kay aira parang anlambot ng puso ko? ano bang meron sa babaeng iyon? Damn it!" Napahampas sa pader si cylexer.

"Tss. Dude, manood ka na lang ng bold, may matutunan ka pang magandang ASAL!" binatukan ni hunter si airo dahil sa sinabi niya. "Naimagined ko lang, ah.... puwede palang maging ano si ano....." Ako naman ang bumatok sa kanya, puro nalang si ano, ano.... Si khairra naman puro, okay. Saan ba sila pinaglihi?

"How about your brother, akiho?" Biglang tanong ni hunter na ikinagulat ko.

"I don't know. Nab-bored ako, aray na nga!" Pag-iiba ko sa usapan. Tumayo na kaming lahat at nagpamulsa, ako ang unang lumapit sa may pintuan at binuksan—laking gulat ko nalang ng makita ko si aira na nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Aira?!" Sabay-sabay naming sigaa maliban kay hunter. Tinulak niya ako pumasok sa loob ng basement.

"Ganda naman ng taguan niyo? Completo pa sa gamit, andami ring cctv, ano? HAHAHA bakit hindi aki nainform? I'm part of your section naman, ah?"

"How did yo—" pinutol niya ang sasabihin ni r-jay, "I have a ways, like you all guys." She said and smirked to us. Umupo siya at nagcrossed legs kasabay ng pagkuha ng isang kahang sigarilyo kay Lawrence at pati na rin ang lighter. Sinindihan niya ang sigarilyo at laking gulat ko nalang na nanigarilyo siya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng naninigarilyo, astig!

"You smoking?" Natatawang sambit ni Lawrence.

"Kita mo naman di ba?" Pagmamaldita ni aira at tumingin kay hunter.

"Well, kung ano man balak niyong gawin sa akin mamaya, huwag niyo ng subukan." Kumindat siya dito at inapakan ang sigarilyo bago tumayo at nagpamulsa. Ang astig niya talaga tignan. "One thing, hunter huwag ka naman palagi naka sunglasses, para kang temang, bakit ayaw mo ipakita iyang mga mata mo sa iba?" Anong klaseng tanong iyon?

Natatakot ang mga estudyante dahil sa mata ni hunter, blue at red ang mga mata niya, ang astig nga eh.

"Forgot it nalang, arat na sa bahay ng kumag na ito *tinuro ako* nab-bored na ako."

"Magsama nalang kayo ni akiho, tutal parehas kayong bored," singit ni ryl kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Ayaw ko nga! Panget ka bonding niya'n eh!"

"Ka-bonding lang, walang panget. Maganda kasi ako," she said and flipped her hair. Ang taas talaga ng pride nito, buti nalang hindi naging pandak.

Nauna na siyang lumabas sa amin, habang kami ay nakanganga na nakatingin sa kanya.

"Oh my god! How did she know this?! May nagsabi ba sainyo about sa basement natin?" Galit na sigaw ni cylexer.

"Oh, kalma lang.... walang may nagsabi sa kanila, I have my own ways too, kaya huwag niyo akong susubukan." Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa biglang pagbalik ni aira. "And one thing ulit, alam kung nakita niyo na ako, kaso nakalimutan niyo lang." Dagdag niya pa at biglang nawala.

Bakit parang ang dami niyang alam tungkol sa amin? Halata naman e, hindi siya mukhang inosente, at parang walang kinakatakutan.

At saan namin siya nakita?

"At the park." Seryosong sabi ni hunter at lumabas na. Parehas talaga sila ng utak ni khairra, what if magkapatid sila? Tapos what if nagkagustuhan sila sa isa't-isa? What if nagkaroon sila ng anak tapos ako pala iyon? What if may powers lang sila kaya bumalik sila sa pagkabata? What if—

"Hoy akiho! What are you doing? Let's go. Sayang ang oras." Panira ni airo. Hindi pa nga ako tapos sa kaka what if dito, epal naman ng isang ito! Hm! Buti nalang talaga mabait ako—.

"Hoy! Ano, walang balak umalis?" Sinipa ko siya sa mukha at nagpanghawan bago kumembot kembot papunta kay aira. Pasaway na airo, deserved niya ang ginawa ko.

"Tarantado ‘to!" Sigaw niya kaya lumingon ako, "deserved!" Sabi ko at tinarayan siya.

"Bakla!" Dagdag niya pa pero hindi ko na siya pinansin, kulang lang talaga siya sa pansin kaya ganyan. Buti pa si ryl, masarap kabonding.

"Para kang temang ft. Adik," aira whispered. Nakidagdag pa itong isa, makasabi ng temang e mas temang siya sa akin, at anong adik? Guwapo ko naman para maging adik? Kung adik siguro sa kanya? Bawal siyempre. Mah-highblood ako sa tuwing kasama ko ang buang na ito. Feeling ko susunduin na ako ni kamatayan—ohmyhosh! What if siya si kamatayan?! Mamatay na ba kaming lahat?

Napatakip ako ng bibig kaya napatingin siya sa akin.

"Adik ka na nga talaga, tsk! Tsk! tsk...." Nagpoker face siya sa akin at nauna na.

"Si kamatayan ka!" Sigaw ko.

"Ay hala!" Napahinto siya at tumingin sa akin, "pa'no mo nalaman?" She smirked. Grabe sita makipag eye to eye, kahit ako pa ang lalaki, hindi ako gaanong makatingin ng maayos sa kanya, ano bang meron sa mga mata niya? Oh my ghad!

Ayaw ko pang mamatay!!

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Where stories live. Discover now