CHAPTER 25 P.E

1.1K 97 5
                                    

LUKSONG TINIK

"Oh, ano na ryl? Tatalon o tatalon?" Sigaw ni akiho. Naglaro kami ng luksong tinik sa may pavilion. Nakapatong ang tig-iisang paa ni akiho at jee.

Tumalon na si ryl.

super basic lang naman ng luksong tinik, tatalon ka lang.

Una, paa. Tapos dalawang paa, tapos dalawang paa at isang kamay, tapos ang huli dalawang paa at dalawang kamay.

"Oh, isa ka pa! Bilisan mo nangangalay na ako!!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni akiho pero nakapoker face lang ako. Deserved niya iyon.

"Tatalon ka o tatalon ka?"

"Ito na tatalon na, apakan ko iyan eh!"

Tatalon na sana ako ng bigla akong natapilok kaya bOoM!

Nagtawanan ang mga adik.

"Ano ka ngayon? Dami mo pa kasing arte—"

"Hakdog!" Tumayo na ako at nagpagpag.

Myghad!

***

NANAY TATAY

"Nanay, tatay tayo!" Lumapit sa akin si akiho, "karamihan sa naglalaro nito ay mga babae." Lumapit din sa akin si jee at james.

Akala ko nung una ang nanay at tatay ay magpapanggap kayong mag-asawa, awee!

Nagpabilog kaming apat, "nanay, tatay gusto kung tinapay, ate, kuya, gusto kung kami, lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang magkamali ay pipingutin ko ng one!" Kanta nilang tatlo sabay clap.

"One, two!" Napatingin sila sa aking tatlo ng sumobra ako ng isa.

"Pingotin si Aira!!!" Sigaw ni akiho, ang lahat ng ate adik ay lumapit sa akin, as in.... 11 sila tapos ako—wahhh!! Kawawa naman ears ko!!!

Isa-isa nila akong piningot wala akong magawa, madaya kasi sila, hindi ko naman kasi alam iyong laro na iyon, eh!

"Ganyan talaga pagsexy, laging kawawa—" pang-aasar ni jee kaya hinampas ko siya sa ulo, "bakit need mong manghampas, tapos sa ulo pa? Pa'no kung hindi ako tumalino?"

"Ulol!" I crossed my arms and rolled my eyes. Tawa lang sila ng tawa habang ako ito sad girl, babawi ako sa next game.

****

TUMBANG PRESO

naglagay si hunter ng lata sa gitna at inapakan ito. Siya taya.

"Oh, game!" Lumayo siya sa lata. Gamit ang hawak naming tsinelas ay dapat matamaan namin ang lata, kung mataan ito ay dapat makuha agad ang tsinelas habang hindi pa nalalagay ang lata, kasi kapag nalagay na at nahawan mo, auto takbo kana kasi tatayain kaniya.

Unang tumira si ryl pero ang layo ng narating nito.

"Tamaan mo akiho!" Sigaw ni ryl habang naghahandang kunin ang tsinelas.

"Ako pa!" Sabi ni akiho at nagsmirked. Dami niya pang kataranduhang ginawa bago ibato ang tsinelas—pero ang ending, hindi pa rin natamaan.

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon