CHAPTER 33 AISHA

1K 86 0
                                    

Lahat kami ay inaantay na magising si james, hindi na namin siya dinala sa infirmary dahil kung ano ano na naman daw ang tatanungin ni dean sa kanila.

Napahawak sa ulo si james at bumangon, "a-ah... Sakit putek!" Pagrereklamo niya.

"What happened?" Seryosong tanong ko.

"Napaaway ka na naman dahil sa sugal, ano?" Tanong ni ryl.

"Panalo ako eh, hindi lang nila tanggal na talo sila—"

"Itigil mo na kasi iyang pagsusugal mo, makuntento ka kung anong meron ka ngayon." Putol ko sasabihin niya.

"Correct. I told you before na itigil mo na iyang kalokohang ginagawa mo dahil mapapahamak ka d'yan!" Galit na sigaw ni hunter.

"Tatay yarn?" Lahat kami ay napatingin kay akiho dahil sa sinabi niya, "de joke lang.... Iyan kasi! Sugal pa!" Epal talaga kahit kailan ang kumag na ito.

"Sorry... Hindi ko na uulitin, promise...." Kita ko sa mga mata niya ang pagsisi.

"Sa oras na ulitin mo pa ang pagsusugal mo, kalimutan mo na part ka ng section 4. Sinabihan ko na kayo, makinig naman kayo sa'kin, dahil para sa atin itong ginagawa at inaayos ko, madaming taong napapahamak, pati tayo nadadamay." Mahinahong sabi ni hunter.

"About aisha, tatapusin natin ang sinimulan niya," Singit ni Lawrence, "kaya mga dude listen to hunter dahil delikado tayo sa labas." Dagdag niya pa.

Sinimulan ni aisha? Anong kasalanan ni aisha? Si aisha ba ang dahilan kung bakit madaming hate sa section 4 ngayon?

"Mga dude, calm down.... basta makinig nalang tayo at sumunod sa plano." Singit din ni cylexer. Ako lang talaga dito ang hindi makagets sa mga pinagsasabi nila. Bahala sila d'yan basta ako may sariling plano—pero.... I'm part of this section, kailangan ko silang tulungan, parang ang makasarili ko naman kung sila lang namomoblema at ako ang tahimik lang dito habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nila.

"Oh, jee what happened to you, dude? Nagbago ba ang ihip ng hangin?" Pag-iiba ng usapan ni ryl.

"Yanga dude, anong nangyari sa mga chixs mo?" Singit din ni james.

"Baka may dumaang anghel?" Singit naman ni Charles.

Bahagya namang natawa si jee, "magbabagong buhay na ako mga dude—"

"Bakit tila nagbago yata ang ihip ng hangin?" Biglang singit ni Lawrence.

"Oo nga." singit din ng kumag.

"Sa tuwing nakikita ko kasi si aira," tumingin silang lahat sa akin, "nakokosensya ako sa mga pinag-gagawa ko." dagdag niya. Ibinalik ng lahat ang tingin nila kay jee.

Nadamay na naman ako.

"Oo nga." singit ulit ng kumag.

"Isa pa, this is the time na rin siguro para iwanan ko ang bisyo ko sa mga babae."

"Oo nga." singit ulit ni akiho.

"Magbabagong buhay na ako—"

"Oo nga—"

"Ano ba kiho, kanina ka pa 'oo nga ng oo nga d'yan, baby ka ba?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Seryoso kaming lahat tapos siya, oo nga lang ng oo nga? Aba, tama iyon! chare.

"Baby mo, yieee!!" isang malakas na sapak ang ibinigay ko sa kanya.

"Nasobrahan kana sa drugs, sige ipagpatuloy mo lang iyan." Sabi ko.

"Okay let's change the topic, panigurado pagdating sa camping kawawa na naman tayo." Bigla nalang naging malungkot ang itsura nila dahil s sinabi ni cy. "As a always naman. Pupunta pa ba tayo?"

"Of course. Huwag tayong magpapadaig sa kanila, sabi nga nila past is past. Ayaw lang talaga nilang kalimutan si aisha." Sabi ni Lawrence.

"Tama, dapat tapusin na natin ang sinimulan ng babaeng iyon, lahat naman tayo inosente—"

"Hindi kaya, nanonood ng bold iyong isa d'yan," singit ni akiho. Kahit talaga kailan ang epal nito.

"Ano bang nangyari kay aisha?"

"Aisha, is famous dancer and singer, sikat siya dito sa school, halos lahat ng tao kilala siya dahil sa kasikatan niya sa social media," panimula ni jee.

"Hindi ko tinatanong, ang tanong ko lang e kung anong nangyari kay aisha," pagmamaldita ko.

"Sinasabi lang namin sa'yo ang buong detalye—"

"Sinabi ninyo or ni jee?" Putol ko sa sasabihin ni airo.

"Hayst, hirap talaga kaharap ang mga pilosopo, ang sarap patayin—"

"Gusto mo patayin na kita?" Putol ko ulit sa sasabihin niya.

"De joke lang, hindi ka naman mabiro, sige back to the topic na."

"We found out na nagtatrabaho siya sa hotel bilang sex doll—"

"What do you mean sex doll? E di ba pag doll, doll lang talaga?" Putol ko ulit sa sasabihin ni airo.

"Pinapasok siya do'n sa loob ng doll para hindi makita ang itsura niya." Sabi ni bryan.

"Hindi siya nakukuntento kung anong meron siya, mas gusto niya pa ng malaking pera." singit ni akiho. Buti naging matino na ito. Seryosong usapan na ba this?

"Then, she found out na nalaman namin iyon, kinausap niya pa kami at nangako kami na hindi namin ipagkakalat iyon, lahat kami tumupad sa pangako." sabi ni r-jay.

"Tapos one day biglang nalaman ng buong university kung ano ang pinag-gagawa niya, ang akala ni aisha ay ipinagkalat namin—pero we're not. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung sino ang nagkalat nun." Lawrence.

"nasira na siya sa lahat-lahat. Hanggang sa mismong harapan namin ay nagpakamatay siya, nangyari iyon dito sa school, sa rooftop." hunter.

"Nag-uusap lang kaming lahat nun about sa nangyari, at pilit naming sinasabi na hindi kami ang may gawa nun, pero hindi siya naniniwala." Lawrence.

"Nakita iyon ng mga estudyante dito sa university, ang akala nila ay pinatay namin si aisha, pero hindi." James.

Grabe pala..... Eh kung ganun, sino ang punyems na nagkalat nun?

Aha! tama kaya iyong nabasa ko?

"Simula nun, they call this section Monsters, tinawag nila kaming monsters dahil kay aisha, dahil sa ginawa niya, dahil sa nangyari." Hunter.

"Bago siya nagpakamatay, siniraan niya muna ang section namin." Cylexer.

"May isinampang kaso ang pamilya ni Aisha sa section namin, pero hindi kami basta-bastang makulong dahil wala silang patunay, nakita lang." Lawrence.

"Pero bakit bully kayo?"

"We're not. Kapatid ni hunter ang nagpasimuno." Akiho.

K-kapatid??

"Yes, I have a brother." Sabi ni hunter.

"Brother nga ba?" Siniko ni ryl si akiho.

"Basta, ayon ang nangyari kay aisha, tapos ang usapan." Sabi ni hunter.

THE ONLY GIRL IN SECTION 4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon