Chapter 4

344 23 1
                                    

Chandee's Pov

Wala kaming ginawa ni Glenda kung hindi mag kwentuhan. Actually siya lang nag kukuwento talaga. Hindi siya nauubusan ng kwento at sinasagot niya lahat ang tinatanong ko sa kanya. Dahil sa kanya kaya parang ang dami ko ng nalalaman ngayon tungkol sa Dalya kahit nasa tatlong oras palang kaming nagkakausap. Natigil lang kami sa pag kukuwentuhan ng may dumating pa na ibang tagapagsilbi. Pinapatawag na daw ako ng Pinuno at nakahanda na ang hapunan.

Pagdating ko sa komedor kung saan ako hinatid ng tagapagsilbi ay nandoon na ang pinuno at nakaupo sa pinaka dulo. Sa kanan naman nito ay nakaupo si kapitan at sa kaliwa ay isang batang babae na sa tanya ko ay nasa sampu hanggang labing dalawang taong gulang.

Nakangiting lumapit ako sa mesa at tumayo naman si kapitan at pinaghila ako ng upuan sa tabihan niya. Balak ko pa naman sanang tabihan yung batang babae pero nginitian ko parin siya at nagpasalamat.

"Binibini ako nga po pala si Anna bunsong anak ng Pinuno at kaisa isang kapatid ni Kapitan Ewen" masayang pakilala ng batang si Anna sa'kin

"Anna dapat hintayin mong ipakilala kita" sabi naman ng matanda sa anak nito. Nakita ko naman ang paghaba ng nguso ng bata

"Okay lang po Pinuno" nakangiting sabi ko tsaka tumingin kay Anna "ako naman si Chandee kinagagalak kong makilala ka munting binibini" Sabi ko naman sa bata

"Napaka ganda niyo po binibini pangarap ko maging kasing ganda mo" Sabi ni Anna na ikinainit ko ng pisngi. May nagsasabi naman sakin na maganda ako pero yung pangarapin na maging kamukha ko waley. Bakit naman mukha ko pangangarapin kung pwede naman mukha ni Kathryn, Julia o Liza Soberano.

"Mas maganda ka naman sa'kin" nahihiyang sabi ko "tsaka Ate Chandee nalang ang itawag mo sa'kin huwag ng binibini" dagdag ko pa

"Okay lang po ba tawagin kitang Ate?" Bakas sa mukha ni Anna ang pagkatuwa. Buti pa siya mukhang masaya tawagin akong Ate si Yvone kasi kulang nalang tawagin nalang akong Chandee at siya ang tawagin kong Ate.

"Oo naman" nakangiting sabi ko.

"Huwag ka na munang maingay at kakausapin ko si Chandee" utos ni Pinuno sa bunsong anak. Napatingin naman ako sa kanya. "Hija pagpasensiyahan mo na si Anna talagang madaldal lang siya. Kumain kana at ng maaga kang makapag pahinga. Bukas ipapakilala kita sa buong bayan bilang babaeng itinakda na tutulong sa pag ahon at pag unlad ng Dalya" Sabi nito

"Ayos lang po kaya sa binibini kung ipakilala na natin siya bukas? Iniisip ko po kasi na bigyan pa siya ng sapat na panahon na mapalagay ang loob niya dito sa atin ng maka kilos siya ng mabuti" mungkahi ni kapitan

"Tama ka bakit hindi ko agad naisip yan masyado akong nagpadalos dalos at nagpadala sa emosyon ko" Sabi naman ni Pinuno

"Huwag po kayong mag alala ayos lang naman po.  Mas maaga niyo po akong maipakikilala mas mabuti para magawa ko na agad ang dapat kong gawin at makauwi agad sa amin" Sabi ko

Ngumiti sa akin si Pinunong Oscar "kung ganoon ay maraming salamat. Sa sobrang saya ko kasi kanina ay nagpatawag agad ako ng pagpupulong at nagpasyang ipakilala ka agad agad. Marami narin kasing nakakaalam na dumating na ang babaeng itinakda at lahat ay gusto ka ng makita" paliwanag ng matanda

"Ayos lang po huwag po kayong mag alala" Sabi ko

"Sige na kumain ka na bago lumamig ang pagkain, sana magustuhan mo mga naihanda namin. Ang iba sa mga ulam ay pinadala talaga para sa'yo ng malaman nilang nandito ka" nakangiting sabi ni Pinuno

"Mukha pong masarap ang lahat" Sabi ko "kain na po tayo" dagdag ko pa

Pinauna nila akong kumuha ng pagkain. Not sure kung anong klaseng bigas ang niluluto nila dahil napaka sticky nito parang malagkit rice ang nasaing nila. Ang dami rin nakahain na ulam at lahat mukhang masarap. Dahil paborito ko ang gulay ay chopseuy agad ang kinuha ko. May parang sweet and sour tilapya din sila at tinolang manok. May isa pang putahe nakahanda pero hindi ako sigurado kung ano iyon.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon