Chapter 37

210 13 0
                                    

Chandee's Pov

Maaga akong nagising at nagluto ng sopas na almusal namin. Katulad ng dati namangha na naman sila sa sopas. Lahat nalang ng niluluto ko dito akala mo pang Michelin star kung pagkaguluhan nila, samantalang pang turo turo lang naman talaga.

"Magandang umaga Kapitan" sunod sunod na rinig ko na pagbati kaya napatingin ako sa labas ng kusina.

"Magandang umaga rin po" magalang na bati rin ni Kapitan. Nagtama ang mga mata namin dalawa na may kasamang ngiti.

"Magandang umaga kumusta ang tulog mo?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa akin

"Magandang umaga binibini paumanhin napasarap ang tulog ko hindi tuloy kita nalutuan ng almusal" sagot nito

"Huwag mong isipin iyon mabuti nga nakapagpahinga ka ng mabuti. Hindi ba masakit ang ulo mo?" Tanong ko pa

"Medyo nahihilo ako kanina pero ayos na ako ngayon. Mukhang naparami ang inom ko kagabi wala akong matandaan" sagot nito na ikinangiti ko

"Ibig sabihin hindi mo natatandaan kung paano ka nakauwi?" Umiling siya. "paumanhin binibini may nagawa ba akong mali kagabi?" Nag aalalang tanong niya. Naalala ko naman yung nangyari kagabi nung makauwi kami. Kinarga lang naman siya sa likod ni Kuya Leo hanggang sa kwarto niya. Sinukahan pa nga niya ito kagabi.

"Wala naman" umiiling na sagot ko "nakatulog ka agad sa sobrang kalasingan" Sabi ko pa "nagluto nga pala ako ng sopas, maganda yun para maibsan ang pananakit ng ulo mo" Sabi ko

"Magandang umaga po Kapitan" bati ng mga tagapagluto ng pumasok kaming dalawa "mukhang naamoy niyo ang masarap na sopas na niluto ng binibini ah" pagbibiro naman ni Ate Mildred

"Magandang umaga rin po sa inyong lahat, tama po kayo may naamoy kasi akong masarap kaya napadaan ako dito" natatawang sabi ni Kapitan

"Maniwala ako sa'yo, baka naamoy mo na nandito ang binibini kaya ka pumunta dito" pagbibiro ni Ate Helen

Napakamot naman ng ulo si Kapitan "Ah eh parang ganoon na nga po" sagot niya at hinawakan ang kamay ko at tumawa.

Tumawa naman ang lahat at maging ako na nahihiya ay nakitawa narin.

"Saan niyo po bang gustong mag almusal? Ipapahatid nalang namin doon ang pagkain niyo" tanong ni Ate Susan

"Kahit dito nalang" Sabi ko

"Dalhin niyo nalang po sa silid ng binibini at doon nalang po kami kakain. Maraming salamat po" sagot naman ni Kapitan kay Ate Mildred

Nginitian ko nalang si Ate Mildred at tinanguan. Magkahawak kamay naman kami ni Kapitan na lumabas sa kusina at umalis.

"Libre ako ngayong araw saan mo gustong pumunta?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa silid ko

"Hmm.. gusto ko sa magandang lugar sabi ni Glenda maganda daw sa pook, hindi ko alam kung tama ang rinig ko pero parang ganoon ang dinig ko. Alam mo ba ang lugar na iyon?" Nakangiting tanong ko habang nakatingin sa kanya

"Maganda nga doon lalo na kapag pista ng mga bulaklak. Isa sa mga atraskyon doon ang bundok pook na kung titignan mo ay parang nasa malapit lang. Marami ring nagbebenta ng kung ano anong bagay doon galing sa ibang bayan. Marami ka rin pagkain na pagpipilian" sagot niya

"Sa sinabi mo parang gusto ko ng pumunta doon ngayon" natutuwang sabi ko

Pagpasok namin sa aking silid ay pinaupo ko siya sa mahabang sofa at tumabi sa kanya.

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now