Chapter 44

154 15 0
                                    

Chandee's Pov

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Joseph ng magkita kami sa canteen "sinabi ko naman nung isang araw na maghihintay ako kahit gaano katagal diba? Na wala sanang magbago sa pagkakaibigan natin" Sabi nito

"Uhm, excuse me lang girls ah" paalam ko sa mga kaibigan ko at hinila si Joseph palayo

Pumunta kami sa laging tinatambayan naming magkakaibigan at doon siya kinausap.

"Pasensiya ka na kung iniisip mong iniiwasan kita pero ang totoo niyan nagkakamali ka. Isa pa kaibigan kita at wala akong balak iwasan ka kahit nagtapat ka pa sa'kin. Magka ganoon paman gusto kong maging honest sayo, gusto kita pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay na pagtingin sa'yo" matapat na sabi ko

"Hindi mo naman kailangan sumagot agad, bigyan mo muna ako ng pagkakataon ipakita ang totoong hangarin ko. Seryoso ako sa'yo at kaya kong maghintay. Pasensiya kana kung may nasabi man ako na di mo nagustuhan. Akala ko lang kasi iniiwasan mo'ko dahil hindi kita makausap buhat ng magtapat ako sa'yo" sabi naman nito

Tipid akong ngumiti at umiling.

"Mas magandang sabihin ko na sayo ngayon kaysa umasa ka ng matagal. Hindi ko masusuklian ang pag ibig mo dahil may mahal na akong iba" matapat na sabi ko

Umiling siya. "Hindi totoo yan, sinasabi mo lang iyan para tigilan kita. Alam ko may pangarap ka hindi naman ako magiging hadlang sa pangarap mo susuportahan pa kita" sabi nito

"Totoo ang sinasabi ko, may mahal na ako at mahal din niya ako" Sabi ko

"Kung totoo nga ang sinasabi mo nasaan siya? Bakit wala akong nababalitaan na nanliligaw sa'yo? Bakit hindi mo siya ipakilala sa'min ng mga kaibigan mo?" Tanong niya

"Sinabi ko na sa'yo na may mahal na ako, hindi ko naman siguro kailangan sabihin sayo kung nasaan siya. Hindi dahil sa wala kang nababalitaan ay wala talaga. Hindi ko man siya maipakilala sa inyo pero totoong mahal na mahal ko siya at nagmamahalan kaming dalawa"

"Huwag mong sabihin pumasok ka sa maling relasyon? May girlfriend naba siya o asawa? Chandee! Niloloko ka lang niya huwag kang magpapauto sa kanya!" Yugyog pa niya sa dalawang balikat ko

May tumulong luha sa mga mata ko at pinunasan ko agad iyon. "Nagkakamali ka ng akala, ako lang ang babae sa buhay niya at hindi niya ako niloloko. Hindi ko lang siya maipakilala sa inyo dahil hindi ko alam kung paano. Nasabi ko naman na ang gusto kong sabihin kaya aalis na ako" Sabi ko at umalis agad. Tinawag pa nito ang pangalan ko ngunit hindi na nag abalang lumingon.

Dumiretyo ako sa library at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga libro. Umaasa ako na may mabasa tungkol sa Dalya.

Umupo ako sa isa sa mga mesa doon at imumpisahan ang pagbabasa. Sana lang sa pagkakataong ito ay mahanap na akong artikulo tungkol sa Dalya.

Tumunog ang cellphone ko at tinignan ang text message ko. Nag text si Mariel tinatanong kung nasaan ako. Nireplayan ko naman agad siya at sinabing nasa library ako. Sinabi nito na bumalik na ako sa classroom dahil ten minutes nalang mag s-start na ang klase.

Katulad kahapon nag absent din ako. Hindi ko alintana ang sermon ng mga kaibigan ko dahil sa pag cut ko ng klase. Tinanong pa nila ako kung may kinikita akong lalaki sa library. Hindi nalang ako nag reply sa kanila at tinuloy ang pagbabasa.

****

"Umamin ka nga samin may problema ka ba?" Tanong ni Patricia ng magbalik ako sa classroom namin.

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now