Chapter 18

277 18 0
                                    

Chandee's Pov

Kakatapos lang mananghalian ng mga pasyente at nagpapahinga ngayon. Nagpapakulo naman ako ng mga halamang gamot dahil ubos na yung mga tabletas na dala ko. Mula kagabi ay hindi ko parin pinapansin si Kapitan hindi naman siya nag eeffort kausapin ako, alangan naman ako pa lumapit para makipag usap sa kanya.

Actually lumalapit naman pala siya sa'kin. Lumalapit kapag nagtatanong tungkol sa gamot na ibibigay niya sa mga pasyente. Ilang beses din siyang lumapit sa'kin kagabi pinapatulog ako pero pabebe ako e, di ko siya pinansin. Hindi naman niya ako kinulit para matulog kaya lalo akong naiinis. Sabagay, hindi rin naman kasi ako matutulog kahit kulitin niya ako.

"Mas makakabuti nga po kung sa bahay nalang po siya magpapagaling. Bibigyan ko nalang po kayo ng halamang gamot para may inom po siya ng tuluyan ng mawala ang lagnat niya" Sabi ko sa isang magulang na humihingi ng payo kung pwedeng sa bahay nalang magpagaling ang anak niya.

"Maraming salamat binibini nabawasan na ang aking kaba tungkol sa sakit niya. Susundin ko ang lahat ng sinabi mo para gumaling siya" sagot naman nito

Naglibot ako at tinignan ulit ang mga pasyente. Karamihan sa kanila ay bumaba na ang lagnat at yung iba naman ay nanatiling mataas parin ang mga lagnat.

"Huwag mong kamutin baka magsugat at mag peklat ka" Sabi ko sa batang umiiyak at pilit kinakamot ang mga butlig niya.

Imbes na tumigil siya sa pagkamot ay mas nilakasan pa nito ang pag iyak at marahas na nagkakamot.

"Ang ganda ganda mo pa naman sige ka baka pumangit ka kapag nagjapeklat ka" pananakot ko sa kanya pero walang epekto dahil siguro napaka bata pa niya para intindihin ang sinabi ko.

"Tama na Lilia mas mangangati ka kapag kinamot mo mga yan" saway ng nanay ng bata sa anak nito

"Magpapakuha po ako ng dahon ng balimbing liguan po natin siya ng mawala ang pangangati niya" Sabi ko sa nanay ng bata

"Maaari po ba siyang maligo kahit may lagnat?" Alalang tanong ng Ina

"Opo, malakas naman po ang anak niyo at makakatulong para guminhawa ang pakiramdam niya. Mabilisang ligo lang naman po ang gagawin niya" sagot ko

"Sige po binibini" sagot nito

"Sandali lang po mag uutos lang po akong kumuha ng dahon" paalam ko

Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng taong pwede kong utusan para kumuha ng dahon ng balimbing ngunit puro mga pasyente lang nandito at mga bantay nila. Nagkasalubong naman paningin namin ni kapitan pero inirapan ko lang siya.. Manigas nalang ako kaysa humingi ng tulong sa kanya.

Naglakad ako palabas ng bakanteng lote baka sakaling makakita ako ng sundalo o tagapagsilbi. Si Glenda kasi ay pinakain ko muna ng tanghalian at hindi pa bumabalik.

"Saan ka pupunta?"

"Ay baklang palaka!" Gulat na sabi ko. Paglingon ko nakita ko naman si kapitan "tss" sambit ko at hindi siya pinansin

"Uuwi ka naba? Ihahatid na kita" Sabi nito "Tama yang gagawin mo magpahinga ka na" Sabi pa niya habang patuloy ang pagsunod sa'kin.

Huminto ako sa paglalakad ng maalala ang mga pasyente. Kainis! Bakit kasi sumunod pa siya sa'kin wala tuloy mahihingan ng tulong mga bantay doon. Tinignan ko naman siya ng masama at padabog na bumalik sa bakanteng lote na ngayon ay ginawa naming parang outpatient center pero parang hospital na din. Ay ewan! Basta pagamutan tawag nila.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon