Chapter 40

196 34 3
                                    

Chandee's Pov

Bukas na ang kasal at hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Na e-excite rin ako sa kaalaman na tuloy na tuloy na talaga ang kasal namin ni Kapitan at wala ng urungan.

"Ang sabi ng matatanda bawal daw isukat ang damit pangkasal kung hindi baka may nangyaring masama sa isa sa mga ikakasal at hindi matuloy ang kasal" Sabi ni Glenda habang tinitignan namin ang puting damit na ipinadala ngayon ngayon lang ni Aling Dolores.

"Hindi ako naniniwala sa ganyang kasabihan pero nirerespeto ko ang paniniwala niyo. Hindi rin naman masama kung susundin ko at walang mawawala, gusto ko rin naman maging maayos ang lahat bukas" Sabi ko

"Nasasabik na tuloy akong makita ka na suot ang damit na yan bukas binibini! Sigurado lalong lalabas ang ganda mo at mas mamahalin ka pa ni Kapitan" Sabi nito

"Mabuti pa tulungan mo'ko itabi na natin at baka marumihan pa" hingi kong tulong kay Glenda

Pagkalagay namin sa kinalalagyan niya kanina ay itinabi narin namin kung saan di siya magagalaw. Tinanong pa ako ni Glenda kung may iuutos daw ba ako at ng sinabi kong wala na ay nagpaalam na lalabas na ito.

Nang makaalis si Glenda ay inilabas ko naman ang binuburda kong panyo para kay Kapitan. Buong panyo na yon ng binili ko sa pamilihan binuburdahan ko nalang ng mga bulaklak at pangalan naming dalawa. Kaunti nalang at malapit ko na rin itong matapos kahit na ilang beses akong nagkanda tusok tusok sa karayom.

Napangiti ako ng sa wakas ay natapos ko na ang binuburda ko. Hindi yun ganoon kaganda at kapulido sa pagkakaburda pero ginawa ko iyon ng buong puso. Sana lang ay magustuhan ni Kapitan.

Nag unat unat muna ako bago lumabas ng silid ko. Nakakangawit rin yung ginawa ko kahit napakasimple lang naman. Lumanghap ako ng sariwang hangin at nakita si Mang Arnulfo na may dalang baka.

"Ano po ang gagawin niyo diyan?" Tanong ko at sumabay sa paglalakad sa kanya

"Ikaw pala yan binibini" nakangiting sabi nito "kakatayin namin to at iihawin ng buo bukas" sagot niya

"Pero may narinig na akong umiiyak na baboy kaninang umaga ah, baka maparami at masayang ang pagkain" Sabi ko

"Walang masasayang na pagkain binibini, pinasadya talaga ng Pinuno na maraming iluto para lahat makakain" sagot niya

"Ganoon po ba, sige po" Sabi ko at nagpaalam narin sa kanya

Abala ang lahat at hindi man lang nila ako napansin na nakarating na dito sa kusina. Pinagbawalan nila akong tumulong sa kanila at ang sabi ay magpahinga lang ako sa silid ko at sila na ang bahala.

Ang daming mga karne na naka kalat, mga manok, baboy, baka at may kambing pa nga. May mga sariwang isda din doon at matatabang alimango, bigla tuloy akong naglaway at gusto kong kumain ng butter garlic spicy crabs.

"Binibini! Anong ginagawa mo dito? Bukas na ang kasal mo magpahinga ka nalang sa silid mo" Sabi ni Ate Mildred ng mapansin na niya ako.

Nagsipagtinginan naman ang lahat ng naroon sa amin at tulad ni Ate Mildred pinapaalis nila ako sa kusina. Dahil sa pinagtatabuyan nila ako ay wala naman akong magawa kaya't umalis nalang din ako.

*****

Nandito kami ngayon ni Glenda sa bahay na titirhan namin ni Kapitan simula bukas. Ang bilis magtrabaho ng mga tauhan ni Pinunong Oscar nagmukhang bago ulit ang bahay. Nandito narin sa bahay ang ilang gamit na binili ni Kapitan at nakaayos na. Sa sala naman ay naroon ang mga regalong binigay nila sa amin na hindi pa nabubuksan. Napagpasyahan kasi namin na pagkatapos nalang namin buksan ang mga ito, atsaka sigurado daw na may mamimigay pa na regalo sa'min bukas.

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now