Chapter 38

201 18 0
                                    

Chandee's Pov

Hindi ko inakala na sobrang layo pala ng Pook. Hindi man lang sinabi ni Kapitan na aabutin ng tatlong oras ang pagbabyahe namin makarating lamang dito. Sa katunayan wala pa kami sa mismong lugar kung saan ang pasyalan.

"Nasaan naba tayo? malayo pa ba tayo sa mismong pasyalan?" Tanong ko

"Mga kalahating oras nalang, kailangan lang natin huminto para makakain at makapag pahinga" sagot nito

Nandito kami ngayon sa may mga cottage, mga kubo sila na pinapaupa ng may ari ng lupa. Dinisenyo daw talaga ito para sa mga manlalakbay. Nag ooffer din sila ng pagkain at maiinom.

"Ang layo pala akala ko mga tatlumpung minuto lang nandoon na tayo" nagkandahaba ang ngusong sabi ko

"Maganda naman kasi talaga sa Pook sulit ang paglalakbay natin" Sabi naman niya at umupo sa tabihan ko

"Kahit naman saan tayo magpunta magiging maganda sa paningin ko basta kasama kita" Sabi ko na medyo bumanat. Maging ako sa sarili ko ay nahiya sa sinabi ko kaya tinago ko nalang ang mukha ko sa braso niya. Siya naman parang baliw na kinikilig sa kakornihan ko.

Dumating na ang pagkain namin kaya kumain na kami. Masarap ang niluto nila na sinabawang manok. Kulay itim ang laman ng manok ang sabi sakin ni Kapitan sinumpang manok ang tawag sa manok na kulay itim. May narinig na ako dati tungkol sa maitim na manok pero ngayon palang talaga ako nakatikim.

Nakatingin lang ako sa kabayo ni Kapitan habang abala ito sa pagkain ng damo. Kakatapos lang namin kumain at nagpapahinga lang, maya maya ay aalis na din kami.

Hinawakan ni Kapitan ang kamay ko na may suot na singsing. Hinihimas himas niya ito habang nakatingin at nakangiti doon.

"Muntik na akong sumuko, akala ko hindi na mangyayari ito" Sabi ni Kapitan habang nakatingin parin sa singsing na suot ko "masyado mo'kong pinahirapan kaya hindi na kita pakakawalan" Sabi pa nito na tumingin sa'kin atsaka tumawa

Hinila ko naman ang kamay ko na hawak niya "Baka nakakalimutan mo hindi pa tayo kasal pwede pa magbago ang isip ko" Sabi ko na tinaasan siya ng kilay at nginisihan

Mahigpit na niyakap naman niya ako "Hindi ko hahayaan magbago pa isip mo kaya pag uwi natin mamaya sa bahay sasabihin ko kay Ama na magpapakasal na tayo" Sabi niya

"Akala mo naman madaling magpakasal. Ang dami kayang dapat asikasuhin kapag ganoon" Sabi ko

"Hindi ko naman hahayaang mapagod ka sa pag aasikaso sa magiging kasal natin. Syempre tutulong ako at may iba pang tutulong sa'tin para mapabilis yung kasal" Sabi naman niya

"Bakit ba parang nagmamadali ka? Wala ka naman balak sumabak sa gyera at iwanan ako pagkatapos ng kasal no?" Natatawang sabi ko

"Wala naman mangyayaring gyera at hindi kita iiwan kahit saan ako magpunta. Alam ko naman kasing hindi ka magpapaiwan" sagot niya na pinipigilan ang pagtawa

"Mabuti alam mo" Sabi ko naman na pinsil ang dalawang pisngi niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayapos sa kanya. Naalala ko naman ang pamilya ko. Minsan lang ako magpakasal at hindi pa sila makakasama.

"Sana mapatawad ako ng pamilya ko kung hindi sila makakasama sa kasal natin, mapatawad sana nila ako kung hindi na ako makakabalik sa kanila" sambit ko

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now