Chapter 13

297 18 1
                                    

Ewen's Pov

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa binibini pagbalik ko sa kwarto niya

"Ayos na natakot lang ako kanina" sagot nito

"Mabuti kung ganoon" sambit ko. Uupo sana siya pero pinigilan ko. "magpahinga ka na dito lang ako babantayan kita" Sabi ko sa kanya

Umiling siya.

"Alam kong pagod ka magpahinga ka na rin sa silid mo may mga sundalo namang nagbabantay sa labas ng silid ko" Sabi nito

"Hindi ako pagod at nawala narin ang antok ko. Sige na matulog ka na, aalis ako kapag nakatulog ka na" sabi ko

"Sige" sagot nito habang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman siya upang mapanatag siya sa pagtulog nito.

Ngumiti din ito at tumango bago ipinikit ang mga mata. Inayos ko naman ang kumot niya para matakpan lahat ng katawan niya.

Mabilis itong nakatulog at napapangiti ako sa likod nitong matulog. Naaalis ang kumot niya sa katawan maging ang unan nito ay napupunta kung saan saan. Halos ikutin din nito ang buong higaan habang tulog.

"Tigilan niyo ko baka marinig kayo ni Joseph nakakahiya" sabi ng binibini habang natutulog siya. Mukhang nananaginip ito.

Nakatingin lang ako sa kanya at hinintay na muling magsalita siya pero hindi na ulit naulit. Sino ba kasi si Joseph? Sigurado akong lalaki ang may ari ng pangalan na iyon pero wala naman akong kilalang Joseph.

Halos maliwanag na ng umalis ako sa kanyang silid. Nakipag kwentuhan pa ako sa dalawang sundalong gumagwardya sa labas ng silid nito bago ako pumunta sa aking silid upang makapag pahinga.

*****

Chandee's Pov

"Gising ka na pala binibini" ngumiting tumingin ako kay Glenda tsaka nag unat

"Magandang umaga" bati ko sa kanya at umupo sa higaan ko

"Magandang umaga rin po kumusta po ang tulog mo?" Tanong nito

Natigilan ako ng bigla kong naalala yung nangyari kagabi. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Mabuti naman, binantayan ako ni Kapitan kagabi hanggang sa makatulog ako" sagot ko dito

"Inutusan po pala ako ni Pinuno na dalhan na lang kayo ng almusal dito sa silid mo. Gusto rin po niya pala kayong makita pagkatapos niyong kumain' nakangiting sabi nito "kumain na po kayo binibini"

"Sige maraming salamat"

Habang kumakain ay inisip ko ulit yung nangyari kagabi. Mabuti nalang dumating agad si Kapitan kung hindi ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa'kin.

Pagkatapos kong kumain ay naghilamos muna ako upang maging presintable sa harapan ng Pinuno. Inaya ko si Glenda na tumungo na kung nasaan ang pinuno at sumunod naman sa'min ang dalawang sundalong magdamag na nagbantay sa labas ng silid ko. Nakita naman namin ang pinuno sa balkonahe na nagbabasa.

"Magandang umaga po Pinuno" magalang na bati ko sa kanya

"Ikaw pala binibini, kumusta ang tulog mo umupo ka?" Tanong at sabi nito

"Mabuti naman po Pinuno salamat sa pagtatanong" Sabi ko at umupo paharap sa kanya

"Nahuli nga pala kagabi ang nanloob sa silid mo. Nalaman ko rin na isa pala siya sa mga sundalo na nagbabantay dito sa atin tuwing gabi. Umamin na siya sa nagawa niya at kasalukuyang nakakulong ngayon"

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now