Chapter 5

326 23 1
                                    

Chandee's Pov

Nakaupo ako sa may pasilyo at tinitignan ang mga puno na nandoon. Para akong nasa park lang at patambay tambay habang lumalanghap ng sariwang hangin. Abala kasi ang lahat ng mga tao maging si Glenda dahil sa gagawing pagtitipon mamaya. Ipapakilala daw kasi ako ni Pinuno.

"Anong ginagawa mo diyan binibini?"

"Ay palaka!" Gulat na sabi ko. Pagtingin ko kung sino ang nagsalita ay si kapitan lang pala

"May palaka?" Kunot na tanong nito

"Wala expression ko lang yon kapag nagulat. Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Tanong ko sa kanya

"Paumanhin binibini hindi ko gustong gulatin ka gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo dito sa labas at nag iisa. Nasaan ba ang tagasilbi mo?" Tanong ni kapitan

"Okay lang maliit na bagay lang iyon. Si Glenda kasi hiniram kanina kulang daw ang mga tao sa kusina. Wala naman siyang ginagawa dito kung hindi kulitin ako kaya pinahiram ko muna. Kaso nung wala siya nabagot naman ako dahil wala akong kausap kaya lumabas nalang ako. Pero nakakabagot parin kung pwede sanang lumabas at pumasyal sa bayan kaso hindi raw pwede sabi ng pinuno dahil wala akong kasama" mahabang sabi ko

"Gusto mo bang lumabas?" Tanong nito

"Oo sana kaso wala akong kasa-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ako mismo ay napatakip sa bibig ko sa naisip. "Samahan mo'ko please?" Hiling na pakiusap ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng Isang kilay niya parang ayaw niya. "Pangako magiging mabait at masunurin ako" Sabi ko pa tsaka hinawakan ang kamay niya at ginewang gewang iyon. Mabilis naman niya iyon tinanggal. Grabe parang diring diri siya sa'kin ah! Ang linis ko kaya sa katawan

Pinaningkitan ko nalang siya ng mata. Kung may nakita lang akong available na pwedeng samahan ako nungka na kausapin ko siya para magpasama. Inirapan ko nalang siya at naglakad papunta sa kwarto ko para dun nalang mag mukmok.

"Sasamahan kita sa sentro at sa pamilihang bayan. Ngunit kailangan nating umuwi bago mag alas tress ng hapon para makapaghanda ka pa para sa pagtitipon" nangingislap ang mga matang lumingon ako sa kanya.

"Talaga? Sabi na nga ba mabait ka talaga e! Thank you so much!" Sabi ko at yumakap sa kanya. Para naman siyang estatwa na nanigas parang hindi nga siya humihinga eh. Ah basta! Ang importante makakapasyal ako wehehe

Bago kami umalis ay pinuntahan muna namin si Pinunong Oscar para magpaalam. Agad naman itong pumayag ng malaman na si Kapitan Ewen ang kasama ko. Naghabilin din siya na bilhin nito ang lahat ng gusto ko at huwag akong iwala sa paningin niya. Sa mga narinig ko kay Pinuno ay parang napaka halagang tao ko talaga. Para akong prinsesa o anak mayaman na may bodyguard.

Pagkarating namin sa kwadra ng mga kabayo ay kinausap ni kapitan yung matandang lalaki na malapad ang ngiting nakatingin sa akin. Nginitian ko nalang din siya tutal wala naman bayad ang pagngiti. Isa pa mukhang mabait ang matanda at alam na din siguro niya na ako yung tinatawag na babaeng itinakda. Ang kulit ng tawag nila sakin pero hayaan ko nalang yun ang gusto nila e.

Pagbalik ng matandang lalaki ay may hila na itong isang kabayo. Hinawakan ni Kapitan ang ulo nito at hinimas himas.

"Sumakay ka na kay Max" Sabi ni kapitan pagkatapos ilagay ng matanda yung maliit na parang hagdan.

"Hindi ba pwedeng maglakad nalang tayo?" Tanong ko kay Kapitan tsaka tumingin sa suot kong mahabang palda.

Mga binigay kasi nilang damit sa'kin ay puro bestida at mahabang palda. Hiniram din ng mananahi yung mga suot ko kahapon pati nga underwear e! Balak nila itong gayahin para maging komportable daw ako. Pumayag nalang ako dahil para rin naman sa ikabubuti ko.

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon