Chapter 6

311 20 1
                                    

Chandee's Pov

Grabe ang dami kong nakain at sobrang busog na busog talaga ako. Halos maubos ko ang isang buong bangus at masarap din ang pinakbet nila. Tinikman ko yung nilagang baboy nila pero hindi ko bet pero kung bibigyan ko ng marka ang resto na'to bibigyan ko sila ng 6.

Six lang kasi hindi maganda ang service nila. Ang bagal. Ilang beses akong tumawag ng extra rice pero ang bagal talaga. Nag request din ako ng toyo, calamansi at sili pero nung dumating wala naman platito. At heto ang matindi, ayoko sa may ari. Kaya first and last ko ng pagkain dito.

"Masarap ba?" Dinig kong tanong ni Isabelle kay Kapitan. Si kapitan naman mukhang enjoy na enjoy habang minamasahe ni Isabelle ang balikat niya.

Si Isabelle pala yung may ari o anak ng may ari ng resto. Mukhang regular dito si kapitan kasi kilala na siya at may special service na masahe pa.

"Chandee try mo yung minatamis na macapuno namin ah sigurado ako magugustuhan mo iyon" Sabi nito tsaka tinawag yung waiter at sinabing magdala nung sinabi niya.

Pilit na ngumiti nalang ako at tumingin sa baba kung saan may mga nagdaraang mga tao. Kung hindi lang mainit sa labas inaya ko na itong si kapitan umalis sa resto na'to.

"Siyanga pala, totoo ba ang balita na dumating na  ang babaeng itinakda at ipaparada siya mamaya? Kaya ba may salo salong gaganapin sa tahanan niyo mamaya?" Tanong ni Isabelle kay Kapitan. Lumaki naman ang tenga ko upang marinig ang pag uusap nila.

"Totoo ang nabalitaan mo. Kung gusto mo siyang makita ay huwag kang mawawala mamaya" sagot ni kapitan. So ibig sabihin hindi pa ito yung last na pagkikita namin nitong Isabelle. Tsk!

"Maraming salamat sa Panginoon at dininig na ang panalangin natin. Pero sa dami ng gustong makita ang babaeng itinakda siguradong maraming tao ang dadalo mamaya"

"Tama ka pero wala naman dapat ipag alala dahil sisiguraduhin namin na walang mangyayaring masama sa babaeng itinakda. Lahat ng sundalo ay iaalay ang kanilang buhay maprotektahan lamang siya" sagot ni Kapitan kay Isabelle. Bakit kinabahan ako bigla? Bakit kasi may narinig na naman ako ng alayan ng buhay. Susko! May mga masamang tao ba nagbabalak na I ambush ako mamaya? Parang ayoko na tuloy tumuloy sa parada.

"Oo nag aalala ako sa babaeng itinakda pero mas nag aalala ako sayo" sabi ni Isabelle na ikinataas ng isang kilay ko. "Mas bibigat ang tungkulin mo ngayon sa bayan dahil sa pagdating niya. Mas mawawalan ka na ng oras para sa sarili mo" dagdag pa niya

"Tungkulin ko ang pangalagaan ang babaeng itinakda. Ayos lang sa akin kung mawalan man ako ng oras para sa sarili ko kung ang kapalit nito ay ang kaligtasan niya. Mula noong paslit ako ay inialay ko na ang buhay ko sa bayan ng Dalya at ang tagumpay ng Dalya ay tagumpay ko rin" Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinagot ni kapitan para kasing may mali.

Pero teka, iniisip ba ng babaeng ito na pahihirapan ko si kapitan dahil sa pagdating ko? As if naman gusto ko mapunta dito at maging babaeng itinakda niyo. Excuse me din dahil wala akong balak gawing yaya si kapitan. Na tyempo lang na nagpasama ako ngayon at pwede naman siyang tumanggi kung gusto niya.

"Bakit hindi ka muna magpakasal? Sigurado ako maraming babaeng papayag na makipag isang dibdib sayo. Hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan kaya mas mabuting mag asawa ka na at bigyan siya ng supling" Sabi ni Isabelle na mukhang nag aalala talaga sa lahi ni kapitan, todo hawak pa nga siya sa kamay e.

"Mukhang masarap nga" kunwaring excited na sabi ko ng dumating na yung minatamis na macapuno. Bumaling naman ang atensyon nila sa'kin

"Sige tikman mo masarap yan" nakangiting sabi ni Isabelle

DALYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon