Chapter 31

235 22 0
                                    

Ewen's Pov

"Tulungan mo kami Kapitan kinuha nila ang anak ko" umiiyak at nagmamakaawang sabi ni Ate Sonya ng lumapit ito sa'kin.

Dati naming tauhan si Ate Sonya at tumigil lang ito sa pagtatrabaho ng mag asawa ito. Isa siya sa mga tagapagsilbi dati sa bahay at naging mabait ito samin. Kung hindi ako nagkakamali ay matanda lang ng dalawang taon si Anna kay Lea na anak niya.

"Ano ba ang nangyari paano nila nakuha si Lea?" Tanong ko na may pag aalala. Pangatlo na si Ate Sonya ang lumapit sa'min na nagsasabing kinuha ang mga anak nila.

"Pumunta kami sa palayan kanina para mag pulot ng mga palay tapos may apat na lalaki ang lumapit sa'min, akala ko noong una ay magtatanong lamang sila. Hinila ng malaking lalaki ang anak ko at sinabing sila na magpapalaki dito tapos tumawa sila. Nanlaban kaming dalawa ng anak ko ngunit isang suntok lang nila sa'kin ay hindi na ako nakatayo. Tulungan mo'ko Kapitan baka anong gawin nila sa anak ko" umiiyak na kwento nito

Wala naman akong magawa kundi tapikin ang likuran nito upang tumahan.

"Mailalarawan mo ba ang mga mukha nila?" Tanong ko

Mabilis siyang tumango. "Hinding hindi ko makakalimutan ang mga mukha nila" sagot pa nito

"Sonya! Sonya!" Napatingin kami sa lalaking tumatakbo palapit sa amin at tinatawag si Ate Sonya. "Nasaan si Lea? Nasaan ang anak ko?!" Yugyog nito sa balikat ng umiiyak na si Ate Sonya. Pumasok ang lalaki sa bahay at sinigaw ang pangalan ng anak. Nang hindi niya ito nakita ay muli itong bumalik sa amin at muling tinanong ang asawa.

"Kuya Dan" hawak ko sa balikat niya at pinipigilan ito sa pagyugyog sa balikat ni Ate Sonya. Hindi ko agad siya nakilala kanina dahil ang layo ng itsura niya noon at ngayon. "Anong nangyari?!" Sigaw nito kay Ate Sonya

"Hindi ko gusto ang nangyari kung pwede nga lang ako nalang ang kinuha nila!"  Malakas na sagot ni Ate Sonya sa asawa tsaka niya ito itinulak.

Pumagitna na ako sa dalawa upang hindi sila umabot pa na magkasakitan.

"Bakit ba kasi kailangan niyo pang mamulot ng palay?! Ilang beses na kitang pinagbawalan. Oo mahirap lang tayo pero hindi tayo pulubi!" Sigaw ni Kuya Dan kay Ate Sonya

"Sino ba ang may gustong mamulot ng palay?! Hindi nga tayo pulubi pero aminin mo na hindi sapat ang kinikita mo!" Sagot naman ni Ate Sonya sa asawa

"Hindi sapat sayo dahil hindi ka kuntento! Dahil sa katigasan ng ulo mo nalagay mo sa panganib ang anak ko!" Sigaw ni Kuya Dan. Alam kong mas titindi pa ang sagutan nila kung hindi ko sila pipigilan

Inilayo ko si Kuya Dan na ngayon ay umiiyak at sinisisi ang sarili.

"Kuya gagawin namin ang lahat para maibalik si Lea ng ligtas" Sabi ko. Tinignan naman niya ako diretyo sa aking mga mata at mariin na hinawakan sa magkabilang balikat

"Aasahan ko 'yang sinabi mo kapitan. Ibalik mo siya sa'min ng ligtas. Nagmamakaawa ako sayo" umiiyak na lumuhod ito. Agad ko din naman siyang itinayo at niyakap.

"Pangako hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya" sambit ko. "Sa ngayon kumalma ka muna at alalayan si Ate Sonya, hindi rin niya gusto ang nangyari" Sabi ko pa at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya

Tumango ito at pinunasan ang mukha niya. Tinignan ko siya habang papalapit kay Ate Sonya at ang pagyakap din nito sa umiiyak niyang asawa.

*******

Kung saan saan na kami nag ikot at hinati ko rin sa apat na grupo ang mga hukbong nag papatrolya sa bayan. Nagpa pinta na kami ng mga mukha ng mga salarin at ikinakalat iyon sa buong bayan. Magbibigay rin ako ng pabuya kung sino ang makakaturo sa'min ang kinaroroonan ng mga ito. Ang mahalaga ngayon ay mahuli na ang mga ito.

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now