Chapter 7

302 20 0
                                    


Chandee's Pov

Pagdating namin sa bahay ay hinatid pa ako ni Kapitan sa may silid ko. Naabutan ko si Glenda doon at nalaman kong kanina pa ako hinihintay. Nagpaalam narin sakin si kapitan at nagpa salamat naman ako sa kanya.

Agad akong inasikaso ni Glenda at sinabing maligo na ako. Pinakita rin nito ang mga damit ko na suot ko kahapon na nilabhan at hiniram nila. Sumaya ako ng sabihin ni Glenda na iyon ang mga isusuot ko.

Nakaligo naman ako ng maayos at sinuot ko na agad ang mga damit ko. Buti nalang naibalik na sakin mga damit ko at makakagalaw na ako ng maayos. Iba parin kasi talaga kapag komportable ka sa suot mo.

Tinulangan ako ni Glenda na patuyuin ang buhok ko. Ilang sandali lang ay may kumatok at tinawag akong binibini kasunod niyon ay ang pagsabi nito na tutulungan daw akong magbihis. Gusto ko sanang sabihin na nakabihis na ako pero hindi ko na natuloy dahil mabilis pa sa alas kwatro si Glenda na binuksan ang pintuan.

Akala ko kanina ay mag isa lang yung babae sa pintuan, hindi ko inakala na apat pala sila. Tumuloy sila papasok na may dalang hindi ko alam kung ano.

"Binibini kami po ang inatasan ng pinuno upang ayusan kayo. Ako nga po pala si Belinda at sila naman sina Mae, Joanna at Lorena"

"Maraming salamat po pero naka ayos na po ako kailangan ko nalang patuyuin ang aking buhok" magalang na sabi ko

Agad naman nagsilapitan sakin yung tatlong babae at pinunasan ang buhok ko. Daig ko pa ang vip sa isang salon dahil sa kanila.

"Nakausap ko po ang pinuno at nalaman ang nais niyang mangyari. May konting pagbabago o idadagdag lang po ako para mas maging maganda ang kalalabasan ng inyong itsura" Hindi nalang ako kumibo at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari.

Pagkatapos matuyo ng buhok ko ay sinimulan na ni Belinda na ayusin ang buhok ko. Itinirintas lang niya ito sa likuran at nilagyan ng laso at maliliit na palamuti. Masaya naman ako sa naging resulta. Sunod na inayusan naman ako sa mukha.

Nagsilbing taga abot ang tatlong kasama niya ng kailangan niyang mga gamit na parang kinukumpuni ang mukha ko. Alam kong hindi ako kagandahan pero hindi naman ganun kasama ang mukha ko para I repair nila.

Nakangiti sa'kin si Belinda at ang tatlo niyang kasama ng matapos nila akong ayusan. Nagpaalam na sila at sinabing utusan nalang si Glenda kung may ipapaayos pa ako. Nagpasalamat ako sa kanila at hinatid sa may pintuan.

"Ayos lang ba ang itsura ko?" Nakangiting tanong ko kay Glenda

"Maganda ka po binibini pero mas gumanda ka ngayon" sagot naman ni Glenda. Nakangiting bumalik ako sa may pinaka vanity mirror ko at tinignan ang sarili. Maganda nga ang pagkakaayos sa'kin na maging ako ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Para akong filter sa camera app na kulang nalang ay mabura ang mukha sa sobrang puti ng mukha.

"Glenda pahingi ako ng tuwalya, akin na yung tuwalyang ginamit ko kanina" pagmamadali ko sa kanya. Mabilis naman siyang kumilos at binigay sakin yung tuwalya.

"Binibini anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ni Glenda habang tinatanggal ko ang foundation na nakalagay sa mukha ko

"Bakit ang hirap tanggalin? kumuha ka pa nga ng bimpo at basahin mo" utos ko.

Ang kapal talaga ng inilagay nila na foundation at ang hirap tanggalin. Ang pula din ng lipstick pero natanggal ko na at kakaunting kulay nalang ang natira sa labi ko.

Dahil hindi ko na maantay si Glenda ay sumunod na ako sa kanya sa banyo para maghilamos. Nagulat pa nga ito ng makita niya ako pero tinulungan din niya.

DALYA (COMPLETED)Where stories live. Discover now