BL1

721 17 1
                                    

LUCKY POV.



Palabas na ako ng bahay ng biglang naputol ang hawakan ng bag ko.

Napahinto ako at napatunganga saglit bago napapikit at kalmadong bumalik sa kwarto para palitan ang nasira kong bag. Buti nalang talaga at marami akong extra.

Paglabas ko ng bahay ay nag lakad na ako papunta sa sakayan ng bus para mag antay ng masasakyan. Iniinda ko rin ang init ng panahon, kailangan ko kasing mag hanap ng trabaho dahil natangal ako sa trabaho dahil sa mga kapalpakan ko sa buhay.

Pinanganak kasi akong dala lahat ng kamalasan sa mundo. Noon kasing nagsaboy ng kamalasan si lord ako yung nangunguna sa pagsalo. Kaya nong nagsaboy na ng swerte ay tinamaan ako ng kapaguran kaya hindi na ako nakasalo kahit ni katiting na swerte man lang bukod sa pangalan kong dala ata ng hamog ng mga panahon na yun.


Namumuhay akong mag-isa dahil simula ng isilang ako ni mama dumating lahat ng kamalasan sa buhay niya. Pagkatapos niya kasi akong isilang at pangalanang Lucky ay bigla nalang kumidlat at tinamaan ang bubong ng bahay namin.

Nagkanda sira-sira rin ang gamit sa bahay namin sa hindi malamang kadahilanan. Dahil dito ay naglayas si papa sa takot na mahawa sa kamalasan ng anak niya.

Si mama nalang ang natitira saakin ngunit kinuha rin siya ng masagasaan siya noong balak niya akong sunduin sa school.

Dahil sa kamalasan ko ay walang gustong lumapit saakin, nilalayuan nila akong lahat. Binabaliwala ko nalang sila dahil hindi ko naman ikauunlad yun. Pero sadya yatang may mga taong matapang at walang kinakatakutan kaya kahit papaano ay may apat akong kaibigan.

Sina Dakota, Everlee, Vrai, at Irma. Ang pangalan ng matatapang na nilalang na walang katakot takot na nakipagkaibigan sa reyna ng kamalasan na ang pangalan ay Lucky.


Napatayo naman ako ng may biglang dumaang bus, pinara ko ito pero hindi ito huminto. Sumenyas ang driver na puno na ang bus kaya wala akong nagawa kundi ang umupo ulit at mag antay. Sa katunayan ay wala akong job interview o kung ano man.

Maghahanap lang ako ng mga job offers sa gilid-gilid para lamang may pangkain ako dahil hindi naman ako mayaman.

Lumipas ang ilang oras ay wala parin akong masakyan kaya napagpasyahan ko nalang na maglakad-lakad. Magbabakasakaling may mapasukan kahit isang trabaho man lang dahil walang-wala na talaga ako ngayon.


May na daanan pa akong construction site dahil sa haba na ng nilakad ko. Napatingin naman ako sa kabilang dako ng kalsada ng may mga taong maiingay doon.

Nahagip ng mata ko ang nakalagay na "For hire:Waiter" kaya tumawid agad ako ng kalsada, muntik pa nga akong mabangga pero hindi ko nalang ito pinansin.

Pagpasok ko sa karenderya ay ingay kaagad ng limang lalaki ay aking narinig, dumiretso ako sa kahera.

"Magandang hapon po, naghahanap po kasi ako ng trabaho, may bakanteng trabaho pa po ba?" Magalang na tanong ko. Napalingon naman ang tindera sa akin.

"Oo hija, walang gustong mag-apply. Tamang-tama ang dating mo" nakangiting sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag at ngumiti na rin.

"Kailan po ako pwedeng magsimula?" Tanong ko ulit.

"Bukas na bukas agad hija. Magpahinga ka nalang muna at mukhang pagod na pagod ka" tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat bago nag lakad pauwi.


Mukhang swenerte ako ngayon ah

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now