BL10

226 10 7
                                    

LUCKY POV.





"Wag na po talaga mga kuya. Salamat nalang" nanginginig na saad ko.

"Miss ayos lang sa amin. Samahan kana namin" Saad naman nong nasa gitna.

Umiling-iling ako sa kanila at umatras pero may nabangga akong matigas na bagay. Kaya mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko lalo na ng hinawakan ako nito sa bewang.

"Kung ayaw sumama sa inyo wag niyong pilitin. Hindi niyo ba alam na harassment na ang ginagawa niyo?" Saad ni Barnabas kaya napahinga ako ng maluwag. Si Barnabas pala ang naatrasan ko. Kala ko kung sino na.

"Sino kaba? Bakit ka nakikialam Dito?" Tanong nong lalaki sa kaliwa.

"Ako? Ako ang boyfriend ng hinaharass ninyo" madiing saad nito at naglabas ng nakakatakot na awra kaya napaatras silang tatlo.

Pero mukhang matapang ang nasa kanan at tumakbo ito pasugod Kay Barnabas kaya napasigaw ako.

Pero parang baliwala ito kay Barnabas at inisang suntok lang ang lalaki habang hawak pa rin ako sa bewang kaya ayon, tulog. Tinulungan naman siya ng mga kasama niya at mabilis silang naglakad palayo sa amin.

Napahinga naman ako ng maluwag at muntik ng bumagsak sa sahig kung hindi ng ako hawak ni BB. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Tumango naman ako. "O-Oo,salamat BB" sabi ko.

"Halika na, umuwi na tayo namumutla ka oh" Sabi nito at inilalayan ako pauwi ng bahay.

Pagkapasok namin ay pinaupo niya ako sa sala at siya naman ay dumiretso sa kusina. Pagkabalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig, iniabot niya ito sa akin kaya nangingig na tinanggap ko yun.

"Lucky, I know kakaamin ko lang sayo pero pwede bang dito ako matulog? Hindi kasi ako mapakali dahil sa pagsulpot ng mga lalaking iyon kanina." Sabi nito, napaisip naman ako bago ako tumango.

Natatakot rin naman akong mag-isa dahil sa nangyari kanina kaya mas mabuti siguro kung nandito siya.

Sabi niya sa sala lang daw siya matutulog kaya kinunan ko siya ng isang unan, kumot at yung isang foam pa. Tinulungan ko na rin siyang maglatag. Pagkatapos non ay nag'goodnight' ako sa kanya at umakyat na rin papunta sa kwarto ko.

Humiga na ako sa kama at napatulala dahil sa nangyari kanina. Kung wala lang si Barnabas ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.

Pumikit nalang ako at pinilit ang sarili ko na wag isipin ang nangyari kanina. Maya-maya pa ay dinalaw na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Napabangon ako dahil sa masarap na amoy na nanggagaling sa kusina. Dali-dali akong tumayo dahil ako lang naman mag-isa sa bahay kaya hindi ko alam kung sino ang nagluluto sa kusina.

Alangan namang multo, sinong multo naman ang lulutuan ang tao diba?.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko Barnabas. Kaya biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

Oo nga pala.

Dito nga pala natulog si Barnabas kagabi kaya kumalma na ako at naglakad papasok sa kusina at umupo sa bakanteng upuan.

"Good morning BB" bati ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin.

"Good morning, so this is how it feels like to cook your wife her breakfast" Saad nito pero good morning lang ang narinig ko kasi pabulong na yung iba.

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong ko dito.

"Wala naman" Sabi niya at nagpatuloy sa pagluluto.


Sarap pala sa feeling pag may asawa kang lulutuan ka ng breakfast. Sarap mo namang pakasalan agad Barnabas.






Author's note:

Kung mapapansin niyo sa stories ko laging may scene na pinopoint out ko ang patungkol sa rape at harassment. Yun ay para ipahayag na inyo na kahit saan ka man,kahit ano man ang suot mo ay meron at meron paring babastos sa iyo, kaya kailangan niyong mag-ingat. Hindi sa lahat ng oras ay may magliligtas sa inyo. Stay safe rainedrops. Ingat sa mga manyakis at rapist. Laganap pa naman sila ngayon.

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now