BL5

314 11 2
                                    

LUCKY POV.


"Masarap nga nakakamatay naman." Usal ni aling Berna. "O'sya pili na kayo ng uulamin niyo rito!"

Pagaanyaya niya sa mga ito, agad naman sila nagtuturo ng kung ano-anong ulam. Pagkatapos non ay pumwesto na agad sila sa malaking mesa sa gitna.

Tinawag naman ako ni aling Berna kaya nilapitan ko Siya. Inutusan ako nito na ihatid na sa kanila ang order nila na agad ko namang sinunod.

Pagkarating ko sa mesa nila at tinulungan naman nila ako.

Buti nga no, ang rami kaya nilang order.

"Miss, Anong pangalan mo?" Tanong nong may black ang buhok.

"Ako si Lucky" sagot ko.

"Ako si Abraham Asher Rios!" Singit nong may ash gray na buhok.

"Ako naman si Noah Abel Garza!" Sigaw nong isa.

Kalalaking tao ang lakas sumigaw, ang lalim pa naman ng boses.

"Ako si Ariel Josh Cabello" simple pakilala nong may pulang buhok. Little mermaid yarn? Boy version nga lang.

"I'm Barnabas Benjamin Benitez" Yan pala ang full name ni pogi. Lord thank you for the blessing.

"And I'm Luke Isaiah Vega" Saad nong may itim na buhok.

Nagtataka naman ako kung bakit pamilyar ang mga apilyedo nila. "Nagtataka ka ba sa nga apilyedo nila hija?"

Napatalon ako sa gulat dahil sumingit si aling Berna. "Nakakagulat naman ho kayo, pero opo eh. Familiar ang mga apilyedo nila"

Natawa naman sila ng bahagya. "Kaapilyedo nila yung mga mayayaman na nakikita natin sa TV hija"

Tumango naman ako. "Ahhh kaya po pala" Sabi ko at nagkibit-balikat nalang dahil may ganon naman talaga.

Magkakaapilyedo pero hindi magkakamag-anak.

Naglakad nalang ako papalayo sa kanila at inasikaso ang ibang mga costumer.

Pagod na napaupo ako pagkatapos ng paglilipit ko at paglilinis sa karenderya. Kaming dalawa lang ni aling Berna ang tao dito kaya medyo mahirap. Wala pa kasi siyang mahanap na tagalinis at taga-hugas kaya tulong-tulong kaming dalawa.

Gabi na at magsasara na si aling Berna kaya tumayo na ako pagkatapos kong magpahinga saglit. Nagpaalam na ako kay Aling Berna bago tumawid sa kalsada.

Nakasalubong ko pa sila Barnabas kaya pinuntahan ko sila. "Pauwi kana Lucky?" Tanong ni Luke.

Binatukan naman siya ni Asher. "Obvious naman diba? Nagtatanong pa,bobo talaga"


"Hatid na kita" Saad ni Barnabas kaya natahimik kaming lahat.

Well that's unexpected.

"Yieeeeeeeeee Ikaw Benj ha!" Tukso sa kanya ni Ariel.

"Tumahimik ka little mermaid" inis na Sabi niya.

Napatawa naman ang ibang kaibigan nila at nakitukso na rin kay Barnabas. Namula naman ako pero buti nalang at madilim kaya hindi halata.


"Tumigil na kayo! Ihahatid ko lang siya dahil madilim na, mahirap na at baka mapagtripan pa siya sa daan" pagpapaliwanag ni Barnabas.


Mas lalo naman akong namula sa kilig at hiya.

Hoi self ang landi mo, kakakilala niyo pa lang. Magtigil ka!



"Sus Benj, wag kami! Mga galawan mo ah tsk tsk tsk tsk" asar pa ni Noah.


"Sige maiwan na namin kayo ha? Enjoy!" Sabi ni Luke at hinila na silang lahat at nagmamadaling umalis.



Naging tahimik naman ang paligid dahil sa pag-alis nila.


Awkward..... Bat kasi kami iniwan nila Asher huhuhuhu.

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now