BL7

258 10 5
                                    

LUCKY POV.



Lumipas ang ilang araw at mas lalo kong nakilala ang ang limang lalaking yun. Lalo na si Barnabas. Lalo ko lang rin siyang naging crush. Araw-araw ko ba namang makita at makasama.



Lahat sila ay masayahin at madaling kasama. Kaya magaan ang loob ko sa kanila. Pala biro rin kasi sila.


Nandito ulit sila sa karenderya at kumakain.


Nagkwekwentuhan sila ng bigla nila akong binalingan ng tingin. "Lucky sama ka?"


Kumunot naman ang nuo ko sa kanila. "Ano?"


"Coffee date sana" sagot ni Ariel.

"Sure, kailan ba at saan?" Agarang saad ko para hindi naman ako palaging karenderya-bahay.


"Dyan sa kanto. May burol daw jan ngayon eh" napablanko naman ang tingin ko sa kanilang lahat.


"Seryoso kayo? Ang kukuripot niyo naman. At sa burol pa talaga ah. Mahiya naman kayo sa patay!" Sigaw ko sa kanila at kinurot sila isa isa sa tagiliran.


Ang totoo niyan ay gusto ko lang matyansingan si Barnabas hehehehe. Bakit ba, kanya-kanyang diskarte to.


"Sige sama ako" sagot ko nalang. At bumalik na sa pagtatrabaho.



Gaya ng nagpagusapan ay sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa kanto, Doon sa burol na sinasabi nila.


Nakasimangot ako na naglalakad papunta doon, katabi ko naman sa paglakad si Barnabas habang nauuna naman sila Luke.


"Sa burol ba talaga? Bat sa burol pa?" Reklamo ko kay Barnabas ay niyuyugyog pa ang braso niya, sabay pasimpleng pisil.


Tyansing 101 with Lucky Aritza.



"Ayaw mo ba? Pwede naman tayong hindi pumunta" nag-aalalang tanong ni Barnabas sa akin.


"Hindi na, andito na tayo, kaya tumuloy nalang tayo." Sagot ko. At ninguso yung burol sa harap namin bago nag lakad papalapit doon.



Nakita ko naman sila Ariel na kausap ata yung kamag-anak ng patay, nakikiramay kuno at kunwari kilala yung patay kaya nilapitan ko sila.



"Nalulungkot talaga ako sa pagkamatay niya, Sayang at ang aga niya tayong iniwan" malungkot na sabi ni Asher at tinapik-tapik pa ang balikat nong kamag-anak.



"Ako rin nalulungkot sa pagkamatay ni lolo, pero mabuti na rin siguro iyon para makapagpahinga na siya" sagot naman nito kaya napangiwi ako.


Mapapahamak pa ata sila dahil sa mga pinagsasasabi nila.



Naglakad nalang ako palayo sa kanila at naghanap ng mauupuan at kumuha ng mga dragon seed. Tahimik lang akong kumakain ng may magsalita sa gilid ko.


"Pano kainin Yan at Anong tawag diyan?" Tanong nito. Sumunod pala saakin si Barnabas, kala ko ay kasama niya sila Noah doon habang kausap yung kamag-anak nong patay.


Minsan talaga napapaisip ako kung bakit wala silang alam sa ganitong simpleng bagay eh nakasanayan naman ito ng mga bata dito sa amin. Minsan kasi may mga bagay silang hindi alam na dapat sana ay alam nila, tulad nito, pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito at tinuruan siya.


"Ganito yun" Sabi ko at kumuha ng isang dragon seed. "Kakagatin mo siya sa gitna para bumuka siya at makain mo yung nasa loob" pagpapaliwanag ko.


Ngumisi naman siya bago sumunod sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ko sa kanya pero hindi nalang nagsita at nagpatuloy nalang sa pagkain.


Ano kayang nginingisi-ngisi ng lalaking ito?

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now