BL: SPECIAL

288 10 5
                                    

LUCKY POV.



"Bye luv" pagpapaalam sa akin ni Barnabas at hinalikan ako sa sintido.

Hinalikan niya rin si Nalu sa pisngi. "Bye baby, pakabait ka ha." Tumawa lang si Nalu sa sinabi ng ama.

Nandito kasi kami sa hapag-kainan at pinapakain ko si Nalu. Late na kasi nagising kaya mas nauna na kaming kumain ni Barnabas.


"Mag-iingat ka BB" sagot ko dito. Tumango naman siya at naglakad na palabas ng bahay namin.


Nagtatrabaho parin ang banal sa isang construction site kahit na mayayaman naman sila. Nong isang araw tinanong ko si Barnabas kung bakit. Sinagot lang ako ng "wala kasi kaming magawa sa buhay non luv, tapos kalaunan ay nagustohan na namin sa construction site hanggang sa makilala na kita".

Oh diba ang tino ng sagot grabe. Nakakakilig mga negative one.

Tungkol naman sa pagiging CEO niya, ay sa gabi niya ginagawa ang mga pending na trabaho niya. Sinabihan ko nga siya na tumigil nalang sa pagtatrabaho sa construction site at tumutok nalang sa companya nila dahil siya lang rin naman ang nahihirapan sa ginagawa niya.

Sumang-ayon naman siya at sinabing tatapusin niya lang daw project na yun bago siya titigil kaya napanatag ako. Delikado rin kasi ang magtrabaho sa construction site, araw-araw akong kinakabahan para sa kanya.


At ako naman ay ito, nasa bahay lang pachill-chill. Inaalagaan ang anak namin. Maghahanap nga sana ako ng trabaho pero hindi ako pinayagan ni Barnabas. Turan niya ay dapat nasa bahay lang ang kanyang Reyna.

Parang sira.



Napailing nalang ako dahil namula ako ng bahagya sa naisip ko at pinagpatuloy nalang ang pagpapakain sa anak namin.


"Yung tatay mo anak kahit nasa trabaho pinapakilig nalang ako bigla" turan ko dito at sinubuan siya ng cerelac. Hinawakan niya lang ang kutsara at nginatngat ito. Dahil sa ginawa niya ay nagsitalsikan ang cerelac pero hinayaan ko nalang siya.

Pagkatapos ko siyang pakainin ay pinainom ko na siya ng tubig at ako na ang umubos ng cerelac niya. Sayang naman kasi kung hindi uubusin.


Pinaliguan ko na rin pagkatapos noon at hinayaan sa kung anong gusto niyang gawin. Pinapanood ko lang siya at minsan ay nakikipagharutan ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto namin kaya napalingon ako dito.



"NALUUUUUUUUUU BABYYYYYYYYYYY!!!" Sigaw ni Dakota.


"Asan man yung paborito kong inaanak oyyyy" Saad rin ni Irma.

"Gaga, malamang si Nalu pa lang naman ang inaanak mo!" Sabi ni Lee.

"Magbuot ka man sa akin!" Inirapan ni Irma si Lee bago lumapit sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.


"Bumibisita malamang" sagot ni Rai.

"I mean, bakit kayo nandito? Wala ba kayong mga trabaho?" Pag-iiba ko sa tanong.

"Wala naman, gusto lang namin bisitahin ang cute na to" Saad ni Dakota at pinanggigilan ang pisngi ng anak ko kaya hinampas ko ang kamay niya.

"Wag mong ganyanin baka masira ang mukha niya" suway ko dito.


"Pahingi ng pagkain" Saad ni Rai at tumayo at naglakad papunta sa kusina kahit hindi pa naman ako nakakasagot.


Hinayaan ko nalang, bwesita eh. "Oyyyy ako rin!" Sabi ni Irma at sumama kay Rai sa kusina.


Pagbalik nila ay may juice na silang dala at iba't-ibang pagkain. "Wow bahay niyo, bahay niyo?" Saad ko pero hindi nila ako pinansin.


Nagkwentuhan lang kami, kumain at nakipaglaro kay Nalu hanggang sa mapagod ito at nakatulog niya. Kami naman ay nakaupo lang sa sala at iniisip kung anong pwedeng gawin ng biglang bumukas na naman ang pinto ng bahay namin.

Hindi ba kami mauubusan ng bisita ngayong araw?

"Yow wassup people!" Sigaw ni Ariel kaya sinuway namin siyang lahat.

"Shhhhh! Wag kang sumigaw, natutulog na yung bata!"



"Ayyy sorry devil"


"Bakit nga pala kayo nandito? Anong oras na ba?" Tanong ko at tumingin sa orasan. Malapit na palang magtanghalian. Kaya tumayo na ako papunta sa kusina at naghanda ng lulutuin.


"Luv, sorry at hindi kita nasabihan" paghingi ng paumanhin ni BB at yumakap sa akin.

Ngumiti naman ako. "Ayos lang yun, okay nga eh at may tao sa bahay natin, hindi yung puro katahimikan lang"


"Bb patawag nga sila Dakota at magpapatulong ako sa paghahanda ng tanghalian" utos ko dito. Agad naman siyang sumunod sa sinabi ko kaya maya-maya pa ay andito na sila.


Nagtulungan kami sa pagluto at pagkatapos non ay tinawag na namin sila para mananghalian. Kanya-kanyang upo naman sila at nagdasal na kami bago magsimulang kumain.

Nagkwentuhan kami ng biglang magsalita si Luke. "Ayyy oo nga pala, bago namin makalimutan may sasabihin pala kami". Saad nito kaya napalingon kami sa kanya at inaantay ang sasabihin niya.


"Diba malapit ng matapos yung sa construction site " singit ni Ariel kaya tumango kaming lahat.

"At nalaman namin na titigil na si Benj sa pagtatrabaho sa construction" salita naman ni Asher.


"Kaya naisip namin na huminto na rin" Sabi ni Noah.


"Teka, paputol-putol naman kayo ehh! Deritsohin niyo nga, inis na pigil ni Dakota.


"Titigil na kami sa pagiging construction worker at magiging mangingisda nalang" sabay nila sabi.


"Bakit?" Nakakunot noo naming sabi.

"Anong bakit? Edi syempre para maghanap ng bebe" Sabi ni Ariel.

"Anong bebe pinagsasasabi mo little mermaid?" Tanong ni Rai.


"Hindi ako little mermaid! At syempre diba si Benjamin nakakita ng bebe nong construction worker pa siya, so baka pag naging mangisngisda na kami makahanap rin kami ng amin." Pagpapaliwanag ni Ariel at may paturo-turo pa siya.

Umismid naman si Rai at hindi na nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagkain. Umiling nalang rin ako.



Bahala kayo sa buhay niyo. Total malaki na rin naman kayo.





B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now