BL4

319 15 2
                                    

LUCKY POV.


"A-Alis na ako mga kuya late na ako eh" pagpapaalam ko bago nag mamadaling tumayo ng tuluyan na talagang umayos ang pakiramdam ko.

"Teka miss, Anong pangalan mo?" Tanong ng isa sa kanila. Napalingon naman sila sa akin at nagantay ng isasagot ko.

"Sa susunod ko nalang po sasabihin mga kuya! Nagmamadali po talaga ako eh! Dyan lang naman po ako sa karenderya" turo ko sa inapplyan ko kahapon tsaka kumakaway na tumawid.

"Maganda umaga po! Sorry po at nalate ako!" Pagpapaumanhin ko ng makapasok ako.

"Magandang umaga din hija, wag kang mag-alala hindi ka pa naman late" nakangiting sabi nito kaya napabuntong-hininga ako.

Salamat naman kung ganon.

Masaya ako at hindi pa ako late at isa pa hindi mga nag-aadik ang mga Nakita ko kanina. Nag-aadik ng mikmik pwede pa.


Lumipas ang ilang oras ay nagsimula ng rumami ang pumapasok ba tao sa karenderya kaya nagsimula na rin akong magtrabaho.

Puno ng ingat ang nga galaw ko at baka tamaan na naman ako ng kamalasan. Mahirap na at itong karenderya lang ang pag-asa ko sa pangaraw-araw na gastusin.

Dumating ang pananghalian at nagsilabasan ang mga construction workers sa site para kumain. Namataan ko agad ang maiingay na kalalakihan na naguunahan pa papunta dito.

Pinapanood ko lang sila hanggang sa nakaabot na talaga sila dito.

"FIRST!"

"ANONG FIRST?! AKO ANG NAUNA SAYO!"

"HOI AKO KAYA! ANG DUDUGA NIYO"

"SI ARIEL ANG MAGLILIBRE! SIYA ANG NAHULI!"

"PUTANGINA MO BARNABAS! ANONG AKO? IKAW KAYA!"


Napapikit ako sa sigawan nilang at napatakip sa tenga ko. Narinig ko namang may tumawa sa gilid ko. Si aling Berna pala, Siya Ang may-ari ng karenderya na ito.

"Pagpasensyahan mo na hija, ganyan lang talaga ang magkakaibigan na iyan" nakangiting saad niya.

"Kilala niyo po sila?" Tanong ko. Sila rin kasi yung nanghihits ng mikmik kanina eh.

"Aba'y oo naman, sila ang suki ko rito." Masayang turan niya. "Tama na yan mga hijo, umorder na kayo rito. Mamaya na kayo mag-away" pagaawat niya sa mga ito kaya napalingon sila sa gawi namin.

"Hi miss! Andito ka pala!" Masayang Sabi nong isang lalaki na may ash gray na buhok.


Nginitian ko nalang siya. "Ikaw hija, kilala mo rin sila?"


"Ahhh oho, nakilala ko sila kanina kaya muntikan na po akong malate." Pagkwekwento ko.


"Nay siya po ang naturo saamin kung paano kainin yung mikmik! Tinuruan niya nga rin po kami ng tricks eh!" Sabi nong lalaking may brown na buhok.



"Oo nga nay, ang galing nga niya eh!" Kwento nong tinawag nilang Barnabas. Siya yung pinakapogi sa paningin ko sa kanilang magkakaibigan.


Barnabas pala ang pangalan niya, ang weird naman.


"Ahhh ganon ba, mabuti naman at hindi na ako mag-aalalang mabulunan kayo niya. Bakit naman kasi gustong-gusto niyo yan" naiiling na Saad ni aling Berna.



"Masarap kasi nay, tsaka marami pang flavors! Tsaka hindi masama sa baga!" Saad nong may red na buhok. Sumang-ayon naman ang lahat dahil sa sinabi niya.


Sabagay tama naman sila.

B: LUCKY MEWhere stories live. Discover now